Teaser

273 Words
"Iputok mo! Gawin mo kung kaya mo, Archer!" Humigpit ang kapit ko sa baril na hawak. Ang tingin ko ay nasa babaeng kapit-kapit ni Thomas sa leeg. Nagtagis ang bagang ko nang mas diinan niya ang pagtutok ng kutsilyo sa leeg ni Dave. Malakas siyang tumawa nang makita ang reaksyon ko. "Aba kita mo nga naman may kinakatakutan ka pa pala, Archer!" nang-uuyam na sigaw ni Thomas. Dumako ang tingin ko kay Dave na ni hindi ko man lang nakikitaan ng takot ang mga mata. Tumango siya sa akin at sumenyas na ituloy ko ang pagbaril kay Thomas. I could easily pull the trigger on my gun. Killing? This is not new to me. But not this time. I'm hesitating because of Dave's situation. First, they're on the edge of a cliff. Posibleng kapag binaril ko si Thomas ay isama niya si Dave sa pagbagsak niya sa malalim na dagat. Dave knew how to swim but given the status that she was in right now, I doubt if she could do it. Mahigpit ang lubid na nakapulupot sa katawan niya. Iyon din ang rason kaya hindi niya magawang kumawala kay Thomas. Sa oras na bumagsak sila lulubog lang siya. It's also possible na ituloy niya ang paglaslas sa leeg ni Dave. Umiling ako. I can't risk Dave's life. Sa naisip ay ibinato ko ang baril at itinaas ang mga kamay ko. "What do you want? Let her go, Thomas!" sigaw ko. "Mata sa mata. Ngipin sa ngipin, Archer." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis na kumilos ang mga paa ko patakbo sa kanilang dalawa ngunit huli na ang lahat. "Davina!Noooo!"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD