Chapter 7- Precinct 5

2031 Words
Khylle's Pov: "Nandito na tayo..." Nagmulat ako ng mga mata. "Thanks Captain" Bumaba na ako mula sa sasakyan n'ya at tinungo na ang restaurant. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Kahit akong nakiki-sit in lang sa imbestigasyon ay drain na drain. Lalo na ang mga detective na as in nakatutok sa imbestigasyon. Nakitulong na din ako sa paggawa nila ng report. Bukod pa sa sariling report na ginawa ko. Sinundan ko pa hanggang sa City Jail ang paghahatid ng mga pulis sa datinh senador at iba pang sangkot sa arson case. Hindi ko na nga alam kung anong itsura ko noong ini-report ko iyon. Sobrang haggard ko pero kahit paano ay masaya ako. Kakabalik ko pa lang sa trabaho pero exclusive agad ang nakuha ko. Dalawa pa, jackpot! "Khylle..." Sinalubong ako ni Tito Colorado. "Mabuti na lang at nandito ka na. Hinihintay ka na ng mga kasama mo sa loob," sabi pa n'ya at bahagyang nilingon ang restaurant namin na punong-puno na naman ng mga customer. "Oh, kasama mo pala ang superior mo?" Agad na tiningnan ko ang likuran ko. Nakasunod nga sakin si Captain! Akala ko ay nakaalis na s'ya. Nag-offer s'ya na isabay ako sa sasakyan n'ya dahil sa same way din daw lang naman ang bahay namin sa pupuntahan n'ya. "Captain!" "Brixx, Khylle. Wala tayo sa trabaho ngayon," supladong sabi n'ya at pumasok na sa restaurant. Kumakamot sa ulong sumunod ako sa lalaki. "Akala ko ba ay may ibang lakad ka?" Hinintay n'yang maabutan ko s'ya. "Akala ko din ba ay inimbita mo ako para sa celebration n'yo?" "Ibig sabihin ay dito sa restaurant namin ang lakad mo?" I asked. He glanced at me. "May kailangan din akong puntahan dito sa neighborhood mo kaya hindi ako magtatagal." Ngumiwi na lang ako at hinanap ang mga kasama. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko kaagad ang kumakaway na sina Ren. Nasa pinakasulok na bahagi sila ng restaurant. "Kanina pa kayo?" tanong ko pagkalapit sa table nila at naupo. "Superior ko sa KST, si Captain Brixx," pagpapakilala ko sa lalaki sa mga kasama ko. Sumaludo lang ang mga lalaki. "Kilala na namin s'ya, isa s'ya sa mga masugid na mga reporter na nakilala namin." Tumatawang tinapik pa ni Nick ang balikat ng superior ko. "Nasaan si Joseff?" Brixx asked. Inabutan ako ng beer ni Nathan. "Sinasabon pa ng mga nasa itaas. Saka may lakad s'ya pagkatapos n'ya doon kaya next time na lang daw s'ya sasama sa mga ganito." Tumango lang si Brixx at uminom na lang nang uminom. "Naalala kong sinabi mo Ms. Reporter na may discount kami kapag dito tayo sa restaurant n'yo nag-celebrate pero bakit beer at soju lang ang alak n'yo dito?" Si Silver na nilalaro ang shot glass. Tinapik ko s'ya sa braso. "Korean restaurant ito, anong gusto mo, red horse at emperador?" Nagtawanan lang ang mga lalaki. Namumula na sila pero mukhang matino pa naman sila. Mukhang kanina pa din sila dito. Ala sais na ng gabi nang matanggap ko ang mensahe ni Ren na pupunta na sila dito. Alas otso na ng gabi kami nakaalis ng KST ni Captain Brixx at mag-a-alas nueve na ng gabi ngayon. Napagkasunduan nilang kumain at uminom. Kaunting selebrasyon din daw dahil sa dalawang cold case ang naisarado namin sa loob lang ng ilang araw. Iyon na nga daw yata ang pinakamabilis na kasong nalutas ng kapulisan. "Grabe, limang araw lang. Iyon lang ang kinailangan natin para maisara ang dalawang case na hindi nagawang matapos noon." Natatawang ininom ni Nathan ang alak sa baso n'ya. "Binigyan pa tayo ng higher ups ng isang araw na day off kaya magpakasaya at magpakalasing tayo ngayon!" Itinaas n'ya ang baso n'ya at nakipag-cheers sa amin. "Congratulation din sa exclusive ni Ms. Reporter!" "Kailangan talaga natin ng mahimbing na tulog ngayon. Sayang wala sina Sir at Austine," dagdag ni Ren. "Ano bang nangyari pagkaalis ko kanina?" Hindi ko napigilang tanong. Nilagok muna ni Nick ang laman ng baso n'ya. "Madaming trabaho si Austine sa prosecution office. Bukod pa sa masasabon din s'ya. Mabuti na lamang at ma-attitude ang taong iyon, hindi s'ya masisindak nang ganoon na lang. Isa pa ay naghahanda s'ya sa hearing n'ya bukas." Tumango ako at hinarap ang nananahimik na si Brixx. "Kailangan ko bang pumunta sa hearing bukas? For follow up sa exclusive ko?" Umiling lang ang lalaki. "Magpahinga ka na lang bukas. Ibang team ang papupuntahin ng KST doon," sabi n'ya na ikinasimangot ko. "Oo nga pala, Ms. Reporter, magkasing edad si Sir Joseff at s'ya." Itinuro ni Ren si Brixx. "Ilang taon ka na Ms. Reporter?" "Twenty-four na ako, kayo?" balik-tanong ko. "Twenty-four din ako," wika ni Ren. "Parehong twenty-five sina Nick at Silver. Twenty-seven naman si Nathan. Si Sir Joseff ay twenty-eight, same age ni Captain Brixx." Itinaas lang ni Brixx ang baso n'ya at tinungga iyon. "Ah... Paano pala kayo na-assign sa cold case department?" pagtatanong ko. Tinawanan ako ni Nick. "Na-assign? Hindi kami ini-assign. Ipinatapon kami doon." Nangunot ang noo ko. Binigyan muli ako ni Nick ng beer at natatawang tinapik si Silver. "Hindi naman namin alam na mapupunta kaming lahat dito. Nasa Criminal Investigation Unit kami. Pero itong si Sir Joseff, pinasakit n'ya ang ulo ng mga nasa itaas kaya s'ya ipinatapon dito. At dahil accomplice n'ya kami, damay kaming lahat." "Hindi ko maintindihan," sabi ko. Tinigilan ni Nick ang iniinom na alak. "Pamilyar ka ba doon sa rape-murder case na nangyari noong 1996?" Natigilan ako. Parang pamilyar ang kasong binanggit n'ya pero hindi ko maalala. "Isa iyon sa kasong tinalakay n'yo noong final interview n'yo," pagpapa-alala sa akin ni Brixx. "Ah, that one. Naalala ko na." Agad na napatango ako nang maalala ang sensitibong krimen. "Noong isang buwan kasi ay sinubukan ni Sir Joseff na buksan ang imbestigasyon tungkol doon. Isang buwan na lang kasi at matatapos na ang statue of limitation kaya gusto n'yang subukang lutasin iyon. Lihim nga lang iyon kasi confidential ang tungkol doon. Ewan ko ba kay Sir, bigla na lang nagkakalkal ng kung ano-ano..." Naiiling pa si Nick nang sabihin iyon. "Anong nangyari at paano kayo nadamay?" tanong ko. "Hindi namin alam ang dahilan ni Sir Joseff pero nang ipaalam n'ya sa amin iyon ay sumali kami sa imbestigasyon. Iisa ang dahilan namin nina Silver. Promotion. Syempre kung maiisara namin iyon, boom! Aangat agad kami. Ito namang si Nathan, kapareho ng wavelength ng utak ni Sir kaya sumali din," paliwanag ni Nick. "How about Ren?" curious na tanong ko. Umismid lang ang tinukoy ko at nagpatuloy sa pagkain at pag-inom. "Nasabit lang ako Ms. Reporter. Nagkataon kasing nakipagkita sa akin si Sir Joseff para hingin ang tulong ko. Ayon, ipinatapon din ako dito. Kawawa naman ako." "Kaya hindi pwedeng gamitin ni Ren ang kakayahan n'yang mang-hack ay dahil sa isa iyon sa ipinagbawal ng mga nasa itaas. Kapag ginamit n'ya iyon ay tuluyan na s'yang matatanggal sa serbisyo. Kaya hanggang paglo-locate lang ang magagawa n'ya," pagpapaliwanag ni Nathan. Kinalabit ako ni Silver. "So ito nga, nalaman ng higher ups na nagkakalkal kami tungkol doon sa cold case ng 1996. Napagkasunduan nilang bigyan kaming lahat ng disciplinary action at salary cut. Kaso biglang nangyari nga ang pagbabago sa sistema... Kaya sa halip na bigyan kami ng punishment, ipinatapon kami sa Cold Case Division. Ewan ko ba, punishment din naman ang ginawa nila..." "Pumayag kayo?" Biglang tanong ng nananahimik na si Brixx. "Mahirap tumanggi," si Nick ang sumagot. "Pinagkaisahan kami ng iba pang detective at mga officer. Badtrip sila kay Sir Joseff kaya gusto nilang mailayo si Sir sa Crime division..." Nagbigay ulit ng beer si Nick. Hindi ko akalaing mauubos ko ang kaaabot n'ya lang kanina. "Si Sir Joseff kasi ang pinakabatang detective na nagiging in charge sa mga malalaking krimen. Imagine, twenty-seven years old pa lang si Sir pero nauungusan na n'ya ang mga kasabayan n'ya at ang mga mas matanda pa sa kanya. Sa madaling salita, inggit sila kay Sir. Ang masama pa, hindi sa background ni Sir sila naiingit kundi sa kakayahan nito." "Background? Ano bang background ni Detective Joseff?" interesadong tanong ko. Hindi ko alam pero parang mas gusto ko pang makilala ang aroganteng detective na iyon. Ngumisi si Ren. Tinigilan n'ya ang pagkain ng meat. "Tatay n'ya ang Director General. In short anak s'ya ng may mataas na posisyon sa buong kapulisan. Ang masama pa, bukod sa background, isang matalino at magaling na detective si Sir kaya ayon ang ibang detective ay badtrip sa kanya so mas napabilis ang pagkakatapon sa amin dito." "Whoa!" I even sensed admiration on my own voice. "Overwhelming naman pala ang background n'ya. Pero parang mas nakakapagtaka na pumayag s'yang ma-stuck sa mga cold cases." Umiling si Nick. Sinabayan pa n'ya iyon ng hintuturo n'ya. "Hindi magkasundo si Sir at ang tatay n'ya. Hindi ko alam kung nagre-rebelde si Sir pero trip na trip n'yang galitin 'yong tatay n'ya. At alam ni Sir na inaasahan ng ama n'ya na tatanggihan n'ya ang paglipat sa kanya kaya tinanggap n'ya. Naisip din kasi ni Sir na mas magkakaroon s'ya ng access sa iniimbestigahan n'ya kung mapupunta s'ya dito, iyon nga lang, timing na bago pa n'ya tuluyang ma-imbestigahan 'yong kasong 'yon ay natapos na ang statue of limitation. Kaya wala ding nangyari." Tumango-tango ako. So, ganoon pala ang kwento ng pagkakabuo ng team nila. "Oh, libre ko na ito." Si Tito Jeff na may dalang hilaw na hipon. Inilagay n'ya iyon sa grill. "Hindi ko naiintindihan ang mga pinag-uusapan n'yo pero kayo na ang bahala dito sa alaga ko, ha?" Bilin pa ni Tito at ginulo ang buhok ko. Sumaludo naman sina Silver. "Huwag po kayong mag-alala, poprotektahan namin si Ms. Khylle!". Natatawang tinapik ni Tito ang mga lalaki. "Mabuti naman. Sige maiwan ko na kayo at madaming customer," paalam ni Tito. "Sayang, hihingi sana ako ng ninety percent discount." Kumakamot sa ulong hinabol ng tingin ni Nathan si Tito bago nilagok ang laman ng baso. Tinampal ko ang lalaki sa braso. "Hoy, business is business." Nagtawanan lang ang mga lalaki. Nag-paalam na din si Captain dahil sa may kailangan pa s'yang gawin sa KST bukod pa sa lakad n'yang hindi naman n'ya sinabi. Magbibigay din sana s'ya ng ambag, tinanggihan nga lamang ng mga kasama ko iyon. "Bakit hindi n'yo tinanggap?" tanong ko pagkaalis ng superior ko. "Hindi iyon matatahimik." Ipinunas ni Nick ang mga kamay n'ya sa jacket n'ya at may kinuha sa bulsa. Inilapag n'ya sa lamesa ang isang credit card. "Dahil dito... Sir Joseff's credit card!" Nag-apir pa ang mga lalaki. "Bakit nasa inyo iyan?"nyanong ko at chineck ang credit card. Joseff Cortez. May pangalan nga iyon ng lalaki. "Hindi s'ya makakasama kaya s'ya na lang daw ang magbabayad ng magagastos natin." Ibinulsa ulit ni Nick ang card at hinarap ako. "Alam mo Ms. Reporter, kahit na masungit iyon, mabait din iyon, hindi nga lang halata." Tumango naman ang iba. "Tama. Tama," Ren agreed. "Saka palampasin mo na lang kapag tinotopak iyon. Lahat naman ng pulis, galit sa media." Tumango ako. Alam ko naman iyon. Halata naman. May ilan nga lang na pinapakita ang disgusto nila sa mga katulad ko. "Minsan kasi, kaya pumapalpak ang imbestigasyon ay dahil sa pakikialam ng media. Kaya nga ipinatupad nila ang embargo sa bawat division ng cold case," dagdag ni Nathan. "Pero huwag kang mag-alala, kahit naman badtrip iyon sa mga reporter. Kahit paano ay may tiwala s'ya sa KST kaya nga iyon ang pinili n'ya para sa presinto namin." Muli akong tumango at tinanggap ang beer na iniabot n'ya at ininom iyon. "Ms. Reporter..." Namumulang tiningnan ako ni Nathan. Tiningnan n'ya pa ang mga kasama naming busy sa paghaharutan. "Ang hindi ko maintindihan ay kung kanino nanggaling ang tip na 'yon." Umiling lang ako at ininom ang beer. "Hindi ko talaga alam. Kahit ako ay nag-iisip din. Pero naisip ko na lang, maganda ang rating ng KST when it comes to facts and nangunguna din kami sa pinagkakatiwalaang broadcasting company. Baka kaya sa amin ipinadala iyon at nagkataong ako ang reporter na kasama sa imbestigasyon ng kaso kaya sa akin ipinadala." Nathan waved his finger. "No. Dahil sigurado akong kilala ka noong informant na 'yon." Medyo lumapit pa s'ya sa akin. "And maybe... Kilala mo din iyon". ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD