PROLOGUE

1031 Words
Sumasabay sa huni ng mga ibon ang ihip ng hangin na humahampas sa mga puno. Lumilikha iyon ng paghahampasan ng mga sanga at pagbabagsakan ng mga tuyong dahon. Kasabay din ang pag-ingit ng mga tuyong sangang natatapakan. Mapayapa ang parteng ito ng kabundukan. Tahimik sana kung hindi lang sumasabay sa kanta ng kalikasan ang iyak at sigaw ng isang babae. Mahaba ang buhok n'ya na sumabog na sa mukha n'ya. Ang iba ngang hibla niyon ay kumapit na sa mukha't leeg n'ya dahil sa pawis at luha n'yang naghalo na. Nasa dalawampu hanggang dalawampu't dalawa ang edad n'ya kung titingnan ng mabuti. Maganda, maputi at matangkad. Makinis din ang balat n'ya na namantyahan ng natuyong dugo, mga pasa at galos. Sira na din ang suot n'yang puting uniporme na pang-nurse. Nag-iiwan ng langitngit at mahihinang tunog ang mga yabag n'ya. Walang direskyon ang mga paa n'ya. At walang makikita sa mukha n'ya kundi takot at desperasyon. Desperasyon na makalayo mula sa kung anong kinakatakutan n'ya o tinatakasan n'ya. "Emily! Nasaan ka na? Yuhoo!". Kasabay ng boses na iyon ay ang pagbakas ng takot sa mukha ng dalaga. Nadapa siya at lumagapak ang katawan sa lupa. Umingit s'ya sa sakit na nararamdaman. Agad din s'yang tumayo pero bago pa muling makatakbo ay agad na s'yang nasubsob sa lupa. Naiiyak na napatingin s'ya sa bagay na nasa kanang paa n'ya. Doon lang rumehistro sa isip n'ya na hindi na s'ya makakaalis sa lugar na iyon. At posibleng dito na din s'ya sa kabundukang ito ilibing. Walang makakakita at makakaalam. Humihikbing inabot n'ya ang bagay na nasa paa n'ya. Isa iyong kadena. Kadenang halos bumakat na sa paa n'ya at sumusugat sa balat n'ya. Nayakap na lang n'ya ang sarili n'ya nang tuluyang hilahin ang kadenang nasa paa n'ya. Saka lang n'ya naalala na hangga't nakakabit iyon sa paa n'ya ay hindi s'ya makakaalis sa impyernong kinasasadlakan n'ya. Tatlong binata ang pumaligid sa kanya at ang isa ay hinawakan ang panga n'ya. Ang isa pang binatilyo may hila sa kadenang nasa paa n'ya ay bahagyang tumigil at natatawang tumingin sa mga kasama. "Sinabi ko naman sa'yo Emily my love, mag-eenjoy pa tayo. Napakadaya mo naman, porke masaya ka na, lalayasan mo na kami..." Nagtawanan ang apat at ang isa pa nga ay gigil na gigil na hinawakan ang braso ng dalaga. Walang nagawa ang dalaga kundi magpipiglas at umiyak. Sinaway naman sila ng binatang may hawak sa dulo ng kadena. "Tigilan n'yo na 'yan, paniguradong andoon na ang iba." Nag-apir pa ang tatlo at nanguna na sa paglalakad. Ngumisi lamang ang may hawak ng kadena at nilapitan ang dalaga. "Gusto sana kitang hilahin na lamang pero kailangan mo nga palang maging malinis". Iyon lang at parang sako ng bigas na binuhat ang dalaga at sumunod na sa mga kasama. Mula sa binuhat na dalaga ay nahulog ang isang name plate. Emily Park. Hindi ganoon kalayo ang parteng iyon ng kabundukan sa tinungo nilang direksyon. Nasa limang minuto lang yata ang nilakad ng mga lalaki bago marating ang isang cabin. Nag-iisa lang iyon sa parteng iyon ng kabundukan. Walang ibang makikita bukod sa mga punong pumupuno sa kabundukan. Medyo maluwag nga lamang ang parteng nasa harapan ng cabin. May mga lalaki din doon na nagtatawanan. Lahat sila ay nagtatawanan at nagkakasiyahan. Punong-puno ng pagkain at mga alak ang lamesang nasa gilid nila. Ang ilan nga sa kanila ay may kung anong tableta na iniinom, ang iba ay may hawak na tila tawas. Kung titingnan ng mabuti, lahat sila ay lango sa alak at droga. Halatang hindi na nila alam kung ano ang tama sa mali. Mula sa cabin ay may apat na lalaki pang lumabas. Magkakatulong na dinala nila ang isang bath tub sa mga kasama. Maya-maya pa'y pinunan nila iyon ng tubig at nilagyan ng iba't-ibang uri ng pabango. Kumalat ang halimuyak sa buong paligid. Mas nagsigawan ang mga lalaki nang makita ang mga paparating na kasama ang babae. Tuwang-tuwang sinalubong nila ang mga kasama. Labinglima ang bilang ng mga lalaki. Lahat sila ay mukhang galing sa mga prominenteng pamilya. Iisa din lamang ang disenyo ng mga unipormeng suot nila. Iba nga lang sa unipormeng suot ng dalaga. Nasa dalawampu hanggang dalawampu't tatlo ang edad ng mga lalaking lango sa alak at droga. Muli silang nagsalin ng alak. Ang dalawa naman ay tuwang-tuwang hinila ang dalaga. Mabilis nilang hinubadan ito at wala silang itinirang saplot. Walang nagawa ang dalaga kundi umiyak at magmakaawa pero walang naririnig ang mga nasa paligid n'ya. Tila gutom na gutom nilang tiningnan ang katawan ng dalaga. Ang isang binatilyo ay agad na lumapit sa babae at binuhat ito at inilagay sa bath tub. Dalawang lalaki pa ang naghubad ng kasuotan at sumakay sa bath tub. Dalawang uri lang ng tinig ang maririnig sa parteng iyon ng kabundukan. Isang iyak ng pagmamakaawa at samot-saring boses na tila natutuwa. Maya-maya pa'y umahon mula sa bath tub ang dalawang binatilyo. Ang iba namang nag-aabang ay tuwang-tuwang pinanood ang kahalayang nangyayari sa kanilang harapan. Ni hindi kababakasan ng takot at konsensya ang mga mukha nila. Paulit-ulit ang eksena. Bumalik sila sa pag-inom ng alak at paggamit ng droga. Ang iba ay naglabas ng lamesa. May kahabaan iyon. Binuhat ng isang binatilyo ang katawan ng dalaga at inihiga sa lamesa. Muling pumalibot doon ang mga binatilyo at tuwang-tuwang binuhusan ng alak ang nanghihinang katawan ng dalaga. "Ryan, tapos na ang dalawang araw natin dito. Kailangan na nating bumalik sa lungsod. Anong gagawin natin dito kay Emily my love?" Nakangising lumapit sa grupo ang tinawag na Ryan. Tinapik niya ang mga kamay na nagbubuhos ng alak sa dalaga. Itinaas ni Ryan ang isang itak. "Kailangan natin s'yang hatiin. Para lahat tayo meron." Agad na nagkatawanan ang mga kasama n'ya at mabilis na kumilos. Maya-maya pa'y muli silang nagtipon-tipon at pinanggitnaan ang lamesa. "H-huwag..." Iyon lang ang tanging salitang nasabi ng dalaga bago n'ya naramdaman ang pagbaon ng matulis na bagay sa katawan n'ya. Ang mabining ihip ng hangin at ang maaliwalas na langit ang huling nakita n'ya bago s'ya tuluyang nilamon ng kadiliman. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD