Chapter 9- Detective Joseff Cortez

2335 Words

Khylle's Pov: "Nasaan na ba 'yon?" mahinang tanong ko sa sarili habang hinahanap ang report na kailangan ko. Halos baliktarin ko na ang table at upuan ko pero hindi ko iyon makita. Kahit nga ang mga gamit na nasa lamesa ko ay natanggal at naayos ko na pero hindi ko pa din nakikita ang kailangan ko at hindi na ako natutuwa dahil may sampung minuto na yata akong naghahanap. Wala naman akong mapagtanungan dahil naka-off ang mga detective. Hindi ko nga inaasahan na bibigyan sila ng pare-parehong rest day. Akala nga ko ay nagbibiro lang sila kagabi dahil hindi naman madalas na nangyayari iyon sa kapulisan. "Hays..." Napahinga ako nang malalim at naupo. "Nasaan na kaya 'yong report na 'yon?" Kung sana ay nandito ang kahit isa sa kanila ay baka may napagtanungan ako. At sino ba naman kasing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD