Chapter 43- A Dotted Case

2940 Words

Khylle's Pov: Pinilit kong ikurap-kurap ang mga mata ko nang ilang beses para itaboy ang antok. Namimigat na ang talukap ng mga mata ko at kaunti na lang ay pipikit na ang mga iyon. Kulang na nga lang ay tukudan ko ang mga iyon para lang manatiling nakabukas. "Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong sa akin ni Nathan. "Hindi ka ba nilalamig?" Namumungay ang mga matang sinulyapan ko ang lalaki. Tumango lang ako bago muling hinarap ang tambak na mga papel na nasa ibabaw ng lamesa ko. Alas tres y medya na nang madaling araw at hanggang ngayon ay nandito pa din kami sa Precinct 5. Kakatapos lang mag-usap ng mga detective sa plano nila tungkol sa kaso ng mga nawawalang babae. Mabuti nga at kahit paano ay naintindihan ko pa ang mga pinag-usapan nila kanina. Nakabalik na din sina Nick at Ren

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD