Chapter 11- The Province of Simbañan

2300 Words

Khylle's Pov: Pilit na iminumulat ko ang mga mata ko habang tinatanaw ang hindi pamilyar na kapaligiran. Mapuno at kahit pumikit ako ay ang mala-gubat na tanawin sa magkabilang gilid ng daan ang nakikita ko. Hapon na nang makarating kami dito sa lalawigan ng Simbañan dahil na din sa literal na layo nito sa lungsod ng Ildefonso. Pagkaalis namin sa Precinct 5 ay kaagad kaming bumyahe ni Detective Joseff. Hindi nga lang nakatulong ang traffic kaya ilang oras din kaming naipit sa kahabaan ng expressway bago kami nakalabas mula sa lungsod ng Ildefonso. Sa daan na din kami kumain ng tanghalian. Well, ako lang talaga ang kumain dahil ni hindi man lang tumigil si Detective Joseff para magpahinga o kaya ay kumain. Tubig lang ang iniinom n'ya at sobrang seryoso s'ya sa pagmamaneho kaya hindi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD