CHAPTER 1

1665 Words
APHRODITE "Gotta go, Ma, Pa!" I happily bid my goodbye to my parents and kissed then on their cheeks. "Have a good day at school, sweety." Nakangiting sagot ni mama pabalik. "Huwag na munang maghanap ng boyfriend, okay? Kung meron man, tell him to court me and your mother first bago ikaw." Biro naman ni papa at ginulo ang buhok ko. Napasimangot nalang ako na siya'ng ikinatawa nila mama at papa. Lumabas narin ako sa sasakyan matapos ang ilang paalala mula sakanila. Kumaway ako sakanila at pinasibad na ni papa ang sasakyan. Bumuntong hininga muna ako bago nakangiting akong humarap sa gate. Ngunit agad ring napawi ang ngiti ko at napasimangot na lamang nang makitang nakasandal sa labas ng gate si Hechanova. Napairap ako. First day of school pero mukha niya agad ang bubungad sa akin. Parang nasira na rin buong araw ko niyan. Kung hindi niyo naitatanong, si Khione Kiel Hechanova lang naman ang tinutukoy ko, na siyang nag-iisang pinakaiinisan kong tao na nabubuhay sa mundong ito since elementary pa, magpahanggang ngayung fourth year high school nalang kami siya parin talaga. Ewan ko ba, pero kumukulo talaga dugo ko kapag nakikita ko yang mayabang niyang mukha. Napahinga na lamang ako ng malalim at labag sa loob na naglakad papasok ng campus. Ano pa bang magagawa ko? Eh mukhang ang baliw hinintay pa ata ang pagdatong ko. "Esh!" Kung minamalas ka nga naman oo. Yumuko nalang ako umaasang matatabunan ng bangs ko yung ko at nagkunwaring may hinahanap sa loob ng bag ko para di niya ako mamukhaan. Magdidiwang na sana ako nang papalagpas na sana ako sakanya pero napatigil dahil sa may naramdaman akong tumama sa ulo ko. Napahawak ako sa ulo kong natamaan at tumingin sa nahulog sa baba. Lollipop? "I know you saw me though." Nanggagalaiting nilingon ko so Hechanova at sinamaan ng tingin. "Woah! Relax, Scottish. Good morning?" Kitang kita sa mukha at klase nang ngisi nito ang pang-aasar. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong good sa morning kung yang mukha mo agad bubungad sa akin pagpasok ko palang nang school. Clown mo talaga." Pangbabara ko rito. "Easy there, tiger! Nakakasakit naman yung mga sinabi mo. Tagos dito sa puso ko oh." Pag-iinarte nito. May pahawak pa sa dibdib na nalalaman na para bang nasasaktan! "Ang overreacting mo, baliw!" Sigaw ko rito at nagmadaling naglakad papasok ng campus. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya kaya naman mas nairita ako at mas binilisan pa ang paglalakad. Halos mag half run na ako pero ang loko pa-chill chill lang na naglalakad sa tabi ko. Walang ka effort eforrt. Palibhasa matangkad. Advantage masyado sa binti kaya naabutan ako. "It's a good day to start with a smile, you know? Pero ikaw nakasimangot diyan." Napahinto ako at agad kong hinila ang kwelyo ng polo niya. Hinila siya palapit sa akin at tinignan siya ng masama, pero ang loko ngumisi lang! Para bang nagustuhan pa ang ginawa ko. "You know what Khione Kiehl Hechanova? Just so you know, you're the most super duper annoying person I've ever meet." Nanggagalaiting sabi ko sakanya. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "You know what Aphrodite Scottish? Just so you know, you're the most super duper ugliest person I've ever meet." Panggaya nito sa sinabi ko at boses ko kaya naman di ko na napagilang sabunutan siya. "Gaya-gaya, walang originality! Nakakainis! Uubosin ko talaga 'tong buhok mo makikita mo!" Sigaw ko at patuloy siya sinasabunutan. Pilit niya namang inaalis ang kamay ko buhok niya kaya mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa buhok niya. "A-aww! Stop it! It hurts!" Sigaw ni Hechanova, peero hindi ko siya pinakinggan. Maya palang ay naramdaman ko narin ang paghila nito sa buhok ko. Napa aray ako at nilakasan pa ang paghila sa buhok niya. "Dang it, Scottish! Let go of my hair. Now!" Pang-uutos nito. "Let go mine first!" "So annoying! I'll just count 1-3. At the count of 3, we'll both let go of each other's hair. Understand?" Napairap ako. Look who's annoying! "Hey! Sumagot ka bilis!" Hechanova. "Fine!" Inis na sagot ko. "Okay! 1... 2... 3!" At the count of three walang bumitaw sa amin. I knew it! "What now? Sabi ko sabay tayong bibitaw, right?!" Sinamaan ako nito ng tingin. Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya, "so it's my fault pa na hindi ako bumitaw? Hindi ka nga rin naman bumitaw ah!" Galit ko sigaw sakanya at sinaaman din siya ng tingin. Anong akala niya sa akin? Magpapa-api? Ha! Over my dead body. "Because I know hindi ka bibitaw! Look, sobrang higpit parin ng hawak mo sa buhok ko. Dang it!" Iritadong sagot nito. "Well, it's not my fault! Nananahimik ako kanina pero ikaw itong pasikat!" Sigaw ko ulit. Pakiramdam ko sobrang pula na ngayon ng mukha ko sa sobrang inis ko sakanya. "If only you didn't ignore me, then-!" "Ms. Scottish! Mr. Hechanova! Kayo na namang dalawa?! Ki ga-aga pa away na naman ang inaatupag niyo. Not to mention today's your first day of school, at graduating in Senior High School pa naman kayong dalawa!" Automatic na binitawan naming dalawa ni Hechanova ang buhok nang isa't isa. Kabado akong lumingon sa direksyon ni Mr. Principal "Siya po ang nauna!" Magkasabay na sigaw naming ni Hechanova at nagturuan. "Anong ako?! Ikaw kaya?!" "Gaya-gaya? Walang originality?!" Magkasabay ulit na sigaw naming dalawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Tinaasan niya lang ako ng kilay at umirap. Aba! Sarap hampasin ng bag. "Enough! The both of you go to the principals office, now!" Galit na sigaw ni Mr. Principal. Iritadow kong inirapan si Hechanova at nagmartsa papunta sa principals office. @The Principals Office Sobrang sama parin ng tingin ko kay Hechanova habang siya naman pachill-chill lang na nakaupo, para bang wala lang sakanya ang klase ng tingin na binibigay ko sakanya. "Paulit-ulit nalang nangyayari to simula pa nung Junior High pa kayong dalawa. Hanggang kailan niyo ba balak mag-away at magsisigawan na dalawa? Para kayong mga aso't pusa." Sermon sa aming dalawa ni Mr. Principal at nahilot sa sentido nito. Napayuko nalang ako. Kung hindi lang naman dahil kay Hechanova hindi naman mangyayari to! Kung hindi lang sana siya kulang sa pansin edi sana wala kami ngayun sa principal's office! "You two are overdoing it. Imbes na um-attend kayo sa flag ceremony, andun pa kayo malapit sa gate, nag-aaway na para bang mga Elementary students! You know what? Since palagi nalang man kayo natatawag dito sa office, pero hanggang ngayon hindi parin magtatanda, I'll be giving you your punishment." Tila napantig ang tenga ko sa narinig at gulat na nag-angatw ng tingin kay Mr. Principal. "Po/What?!" Sabay na sigaw namin ni Hechanova at nagkatinginan. Inirapan ko lang siya at binalik ang tingin kay Mr. Principal. "Pero po Mr. Principal may klase pa po ako." Katwiran ko. "Don't worry about that Ms. Scottish, ako na ang bahalang mag-excuse sa inyo for the whole day. Yes. The whole day. For your punishment, the both of you will be cleaning the boys and girls cr." Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at nanlalaki ang mga matang tinignan si Mr. Principal. "I demand for consideration! Mr. Principal! You, above all knew that there's nothing good that will happen if pagsasamahin niyo kaming dalawa. There's no way na papayag akong makasama yang si Hechanova. Over my dead body! Atsaka okay po sana kung doon niyo lang po ako paglilinisin sa girls cr, pero wag naman pati sa boys cr!" Todo alma at katwiran ko. Because that can't possibly happen! Ang makasama nga lang siya ng ilang minuto 'di ko na kinaya, paano pa kaya yung buong araw?! Oh geez! I think hindi ko na kakayanin! "Will you shut up? Kaliit mong tao, napaka ingay mo. May speaker ka ba sa loob ng katawan? And just so you know, ayaw ko ring kasama ka kung ganyan ka lang din naman kaingay. Mababasag pa eardrums ko sa'yo pagnagkataon." Ani Hechanova at umismid. "Abat-?!" "That's enough, both of you! Kaya kayo hindi nagkakasundo na dalawa dahil diyan sa walang tigil na pagbabangayan at barahan niyo. Walang nagpapaawat. Bago pa nga lang nagstart ang school year, pero ngayon palang sumasakit na ang ulo ko sainyo. Tatanda ako ng maaga dahil sainyong dalawa!" "It's final. Hindi ko na babagohin ang desisyon ko. Lilinisin niyong dalawa ang boys and girls cr dahil 'yon ang sabi ko. 'Wag na 'wag niyo ring tatangkaing magpatulong kahit kanino. Sa oras na malaman kong nagpatulong kayong dalawa, dadagdagan ako pa iyang pusnistment niyo." Mahinahong sabi ni Mr. Principal. "And I'll be expecting that you'll reflect on your actions after this punishment. And oh, of course, don't forget to eat your lunch on time, take rest, and take snacks breaks while doing your punishment." Napabuga nalang ako ng hangin. Pilit na kinakalma ang sarili. Kahit saang anggulo talaga tignan, hindi katanggap tanggap itong punishment na ito. "Fine! Mauuna na ako." Pagsuko ko. Tumango tango naman si Mr. Principal na para bang nasa tamang desisyon ako. Napasimangot nalang ako at nagmadaling lumabas na nang office. Napabuntong hininga nalang ako nang makalabas na. Ano pa bang magagawa ko? "Nakakainis talaga!" Naiiritang sigaw ko at napapadyak. Biglang may nag whistle kaya napalingon ako rito, just to see the grinning face of Hechanova. Tila ba tuwang tuwa na nasira niya ang buong araw ko. Great! Just great. Gosh! Sinamaan ko siya nang tingin. Nagkibit balik siya, "nice hair, by the way." Aniya at nakakalokong ngumisi. Tinaasan ko siya ng kilay. Giving him my "what do you mean?" look. And he pointed my hair innocently. Hinawakan ko naman ang buhok ko at napasinghap ng may maalala. Goodness gracious! Muntik ko ng makalimutan yung sabunutan namin kanina. "Whatever!" Sigaw ko sakanya at inirapan siya bago inis na nagmartsa paalis. Narinig ko ang maingay na halakhak nito. Baliw lang? Anyways, I care no more. Wala na akong lakas pa para makipag bangayan sa loko na 'yon. It'll just waste my precious time and saliva. Kabagin nalang sana siya pala o di kaya mabilaukan sa sariling laway. Hmph!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD