CHAPTER 6

2045 Words
APHRODITE "Uh, hey? Best! You promise me magkukuwento ka about what happened so don't you dare magpanggap na wala kang maalala, alright? Okay?" Pangungulit ni Athena. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon dahil lunch time na at kanina pa ako kinukulit ni Athena. "Athena naman. Tigilan mo muna yan, okay? Chill. I already promise you, didn't I? Maghanap muna tayo ng table, gutom na ako." Paninigurado ko kay Athena. Napapalakpak siya sa tuwa at sumang-ayon sa akin. I sigh in relief. Buti nalang. Nakahanap kami ng puwesto malapit sa entrance ng cafeteria. "So anong nangyari ba? Ba't andun kayo sa clinic ni Kiehl? Did you engage physical fight with him or what? At bakit niyo kasama si Cyan? I remember him telling me he's going early to his classroom though." Pang-uusisa ni Athena. Inubos ko muna ang kinakaing macaroni bago sumagot kay Athena. "Natamaan kasi ako ng bola ni Cyan sa ulo. He insisted na pumunta kami ng clinic to check if I'm okay then we saw Hechanova. He's already there when we arrive at the clinic so I don't know what happened to him. I just saw the nurse tending his knuckles." Walang ganang sagot ko sa tanong nito at nilantakan ang carbonara ko. "Oh! Akala ko kung ano na. Baka galing siya from his boxing practice. I heard tito and Kiehl started boxing as a new bonding activity together." Ani Athena. Seems like he's pretty close with his dad. "Anyways, how are you? You said natamaan ka sa ulo? May bukol ba?" Hagikhik na tanong nito. I rolled my eyes on her. She don't like she's concerned. "I'm definitely fine. Salamat sa pag-aalala, ah?" Sarkastikong sabi ko rito. Natawa naman ang bruha kumindat pa. "No problem." Ani Athena at ngumisi. I make face na siyang ikinahalakhak niya ng malakas. Napatingin tuloy ang iilan na malapit sa pwesto namin. Naiiling na tinuloy ko nalang ang pagkain. "Buti Artemis hasn't confronted you yet?" Natigilan ako sa pagsubo at nag-angat ng tingin kay Athena. I sigh, "not yet. And I am hoping na hindi ko siya makita today. Ayaw kong makipag away sa girlfriend ni Hechanova." Sagot ko. "Right. Hindi mo magugustuhang makipag-away sakanya. Baka magsumbong kay Kiehl at baliktarin ang kuwento. I also hate it when girls are trying to flirt with Kiehl. Cous looks really uninterested with them pero hindi man lang sila marunong makiramdam! I sometimes pretend to be his girlfriend to shoo away those girls. But Athena, I know her. She has evil ways to deal with these girls. Kapag may lumalapit kay Kiehl, she would immediately confront them. Kiehl hates women who starts fights that's why iniiba niya ang kuwento para magmukhang siya ang kinakawawa. And Kiehl easily believes her made-up story! Unbelievable." Pagkwento ni Athena. "Seems like he's so into Artemis if it's that easy for him to believe whatever she says." Ako. Nagkibit balikat naman si Athena at nakahalukipkip na sumandal sa upuan nito at tumingin sa ceiling na parang nag-iisip. "Yeah? Well, sa loob ng dalawang taon, nakita ko kung gaano siya ka sweet na boyfriend kay Artemis. At first I thought it was only an act, but sadly cous is serious with her. He is really taking a good care of Artemis! Hay, how I wish I will found a boyfriend who's just like my cousin. Sayang lang talaga kay Artemis siya napunta." Umiling-iling pa si Athena, gustong ipakita kung gaano siya kadismaya. Natawa ako. "It's your cousin's love life. Hechanova must've saw something about Artemis that we didn't. It his choice to love Artemis so even if you don't like her, you need to accept her." Nakita kong napangiwi ito sa sinabi ko. Natatawang napailing nalang ako at napatingin sa entrance ng cafeteria. Natigilan ako ng makita sina Athena at dalawang kaibigan nito. Inilibot nito ang paningin sa buong cafeteria. 'Speaking of... Goodness!' Nang magtama ang paningin namin tinitigan niya ako. Napansin naman iyon ng mga kasama niya at tinignan ang gawi ko. Ang nakatalikod na si Athena sa gawi nila ay napalingon din sakanila. Narinig ko ang pagsinghap nito. "Shoot." Mahinang sabi ni Athena na narinig ko naman. "Well, well, well. Hello there, Aphrodite." Mataray na sabi Bettina at crossarms nang makarating sa table namin. Hindi ko pinansin ito at itinoon ang pansin kay Artemis, "ayaw ko ng g**o, Artemis. If this is all about what happened yesterday, I swear, you know I hate Hechanova, right? What happened yesterday was—" "Just stay away from him." "What?" Napaawang ang mga labi ko. Hindi makapaniwala sa narinig. That's it? "What the hell, Artemis?!" Matinis na sigaw naman ni Amari. "Shut up, Amari!" Pagpapatahimik ni Artemis kay Amari. "Hey, hey, hey, Artemis. What the hell is wrong with you, girl? You're acting weird! This is not you!" Galit na sabat naman ni Bettina. Napatingin sa gawi namin ang lahat ng tao sa loob ng cafeteria at napahinto sa pagkain. Nakiusyuso sa nangyayari. I saw Artemis sigh, "let's just go, Bettina. I'm not in the mood." Sagot ni Artemis kay Bettina. "No! Are you serious right now?!" Galit na sagot pabalik ni Bettina. "Come on." Bulong ni Athena at hinila ako. "And where do you think you are going? We're not yet done here." Napahinto kaming dalawa ni Athena at hinarap sila. Nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay na nakatingin sa amin ang tinawag ni Artemis na Amari. Sa tinig ng boses nito alam kong siya ang nagsalita. "Naman, e. Akala ko makakalusot na." Mahinang bulong ni Athena na narinig ko. "Now, don't tell me you're not in the mood, Athena. You're just going to spare Aphrodite after what happened yesterday? Don't give me that bullsh*t. Baka magulat ka nalang inagaw niya na si Kiehl sayo." Ani Amari kay Artemis. Sinamaan naman siya ng tingin ni Artemis. "Hey! Hindi mang-aagaw ang best friend ko!" Pagtatanggol sa akin ni Artemis. "Oh shut up, princess. Hindi porket cousin mo si Kiehl hindi kita kakalabanin, so stay out of here, crybaby." Pang-aasar Amari kay Athena. "I'm not a crybaby!" Galit na sigaw ni Athena at tinulak si Amari. "Oh no, princess. You just got yourself in trouble." Galit na sabi ni Amaris. Laking gulat ko ng sugurin nito sa Artemis at malakas na tinulak. "Athena!" Mabilis kong dinaluhan si Athena na napaupo sa lapag. Marahan lang ako nitong tinulak palayo sakanya pagkatapos ay sinamaan ng tingin si Amari. Narinig ako ang pagsinghap ng ilan sa mga nanonood sa nangyayari pero walang nangahas na makialam. They knew the consequences kapag nakialam sila sa grupo ni Artemis. "Aww, princess. Are you gonna cry now like you always do? Isusumbong mo na ba ako kay Kiehl?" Pang-uuyam ni Amari kay Athena. I know she's just saying this provoke Athena. Athena is not a type of person na papatol sa mga ganito. But she hates it when someone calls her 'crybaby'. Tumayo si Athena. Agad kong hinawakan ang kamay niya. Napalingon siya sa akin. Inilingan ko siya pero inalis niya lang ang kamay kong nakahawak sakanya at hinarap si Amari. "Athena." "Don't you dare call—" "Call you what? Crybaby? But it the truth though. You're a cry baby." Ani Amari at ngumisi. Laking gulat ko ng biglang sinugod ni Athena si Amari at sinabutan. "Oh my God!" "Athena!" Agad akong lumapit sakanila at inawat si Athena pero naramdaman ko nalang na may humila sa buhok ko. It was Bettina! Napadaing ako sa sakit. Inabot ko rin ang mahabang buhok nito sa sinabunutan pabalik. I seriously don't want to fight with them pero sila ang nauna! "Aww! Let go of my hair!" Hindi ko na alam kong sino ang mga nagsalita. Ang alam ko lang hindi ako papatalo dito! "Bettina! Amari! Stop it!" Nakaharap ako sa puwesto ni Amari and I saw her trying to stop her friends. And honestly, kahit nasa ganitong sitwasyon na ako, nagawa ko pang isipin na baka she's not that bad like I thought she is. "Oh my God! Girls, what the hell?!" Tili ni Artemis ng parehong hilahin ni Amari at Bettina at buhok niya gamit ang isang kamay nila. Kahit gulat sa ginawa nila hindi ko parin binitawan ang buhok ni Bettina kahit masakit na ang anit ko. Kung hindi niya bibitawan ang buhok ko, hindi ko rin bibitawan ang sakanya! Because I know, kahit gusto ko ng tumigil, sila hindi! Tilian at sigawan. Lahat kami ayaw magpatalo. "Guys! Nandito na sina Kiehl!" Pareho kaming natigilan at napalingon sa entrance ng cafeteria. Papasok ang grupo ng basketball team kung saan team captain ni Hechanova. Nagulat ako ng biglang may humila sa akin at malakas na itinulak kay Artemis. Dahil dito marahas na natumba si Artemis sa sahig. I heard everyone gasped. "Aray!" Malakas na daing ni Artemis. Itinaas nito ang braso at dahil maputi si Artemis, kita ang nagasgasang balat sa siko. Dumudugo ito. Marahas na napasinghap si Artemis. Dahil sa gulat, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Artemis fell on the broken tiles. "What the hell is happening here?" Nag-angat ako ng kay Hechanova na gulat na nakatingin kay Artemis na nakasalampak sa sahig. "Oh my God! Blood!" Nahihirapang sigaw ni Artemis. "Artemis!" Nagmamadaling dinaluhan ni Kiehl si Artemis. Tinakpan nito ang sugat sa siko ni Artemis gamit ang sariling panyo. "Hey, Artemis. It's okay, baby. Look at me and do as I say, okay? Breath in, breath out. That's it! You're doing good. Again, Artemis. Breath in, breath out." Para akong natauhan. Bigla akong nakagalaw at wala sa sariling napahamak sa dibdib. Nahihirapan akong huminga habang nakatingin kina Hechanova at Artemis. Marahan at may pag-iingat ang boses ni Hechanova kay Artemis. She's guiding Artemis to breath probably dahil biglang nahirapan ito sa paghinga matapos makita at dugo sa sugat nito. "Aphrodite!" Napalingon ako kay Athena. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko. She's nervously looking at Hechanova. "What the hell happened?!" Binalingan kami ni Hechanova habang nasa mga bisig nito si Artemis na kumalma na. Galit ang mga mata nitong inisa-isa kami. I felt Athena flinched. "They started it! Sinabunutan nila kami! Not only that, Aphrodite pushed Artemis hard on the floor!" Sagot ni Amari. Tumingin sa akin si Hechanova. I tried to talk pero walang boses na lumabas sa bibig ko. "That's not true! They're lying! Sila ang nauna!" Pagtatanggol ni Athena sa amin. "Even if they are the one who started the fight, hindi dapat humantong sa ganito!" Galit na sigaw ni Hechanova kay Athena at umiling upang ipahayag ang pagkadismaya sa nangyari. Napatingin ako kay Athena, kita ko ang pagkagulat sa mukha nito at ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. Binalingan ko si Hechanova at binigyan siya ng masamang tingin. "Hindi ko tinulak si Artemis. Someone pushed me to her kaya natulak ko siya. And I am truly sorry to Artemis. I didn't mean what happened. Pero hindi mo man lang ba itatanong kung anong ginawa nila kay Ath—" "I've heard enough. Athena, let's talk later." Sabat ni Hechanova. Hindi man lang hinayaang taposin ko ang sinasabi. Imbes na mainis, I was shocked when I felt a sudden pang in my heart. Kinarga ni Hechanova si Artemis na tahimik lang na nakamasid sa amin. Her eyes are void of emotions kaya hindi ko mabasa sa mga mata niya kung galit ba ito sa akin or what. Pero kanina, alam kong hindi siya nagpapanggap. She tried to stop her friends. I can see and sense that she has no plans of starting a fight with me. Maybe she's actually kind. Nagtama ang mga mata namin ni Hechanova pero siya na ang naunang mag-iwas nang tingin. Nang tumalikod siya at lumabas ng cafeteria saka ko lang pinakawalan ang pinipigilang hininga. Nilingon kami nina Amira at Bettina. Ngumisi ang dalawa bago sumunod kina Hechanova at Artemis. Nang mawala na sila sa paningin ko saka ko lang naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang sulok ng aking mga mata. Ipinilig ko nalang ang ulo ko at napabuga ng hangin. Binalingan ko si Athena na nakayuko at mahinang humihikbi. Inalo ko siya at inaya na ring umalis na doon sa cafeteria. Hindi nakakatulong ang mga bulong bulungan doon. Habang naglalakad napahawak ako sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga sa tuwing naaalala ko ang disappointed na mga mata niyang nakatingin sa akin. He doesn't believe me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD