"Tangina ka 'raw, hahaha!" pag-bibiro ni Raven.
Nginitian ko silang lahat kahit deep inside ay gusto ko ng humagalpak sa kakatawa. Ano na lang kaya ang sasabihin nila pag nalaman nila ang totoong meaning ng tangina? Problena na nila 'yun, bijj!
Nagpasalamat lang naman sila sa akin dahil sa karangalang ibinigay ko sa kanilang unibirsidad. Pagkatapis ng sandaling selebrasyon ay umuwi na 'rin kami. Agad akong pumunta sa kwarto para mag-bihis ng pang-swimming.
Magpo-pool party 'daw kasi kami. Hindi naman totally swim suit ang suot ko. Simpleng t-shirt at dolphin short lang ang suot ko. Hindi kasi ako komportable pag one-piece o 'di kaya two-piece ang suot ko.
Naglagay lang ako ng kaunting sun block sa katawan ko at nagpasya na 'ring bumaba. Naabutan ko sina Kuya Kiro at Kuya Shawn na nag-iihaw ng barbecue. Ang iba naman ay nasa pool na, naliligo.
Kumuha ako ng barbecue bago ako tumalon sa pool. Hanggang ngayon ay hindi pa 'rin kami nagpapansinan. Bahala siya, choice na niya kung papansinin niya ako o hindi. Tsaka, siya naman talaga ang may kasalanan at hindi ako.
Naglaro lang kami ni Raven sa pool hanggang sa tawagin kami nina Mommy na kakain na 'daw. Agad kaming umalis sa pool at pumunta na sa cottage kung saan kami kakain.
Mukhang mapapakain ata ako nang marami. Kumuha na 'rin ako ng kanin para ipares sa ulam ko na barbecue. Bigla namang umihip ang napakalamig na hangin dahilan kaya napayakap ako sa aking sarili.
Napatingin naman ako sa tuwalya na biglang lumitaw sa harapan ko. Tiningnan ko kung sino ang may hawak ng tuwalya na 'yun. Wala siyang ni isang salitang iniwan at umalis na sa harapan ko. Agad 'kong nilagay sa buong katawan ko ang tuwalya na ibinigay niya at sinundan siya ng tingin.
Nag-aalala pa 'rin siya sa akin kahit hindi kami nagpapansinan. Ako na lang kaya mag-sorry? Hindi naman kasi ako ang may kasalanan 'eh. Hay, bahala na! Lumapit ako kay Kuya Kiro na kasulukuyang naglalaro sa cellphone niya.
Kumuha ako ng isang mono block at ipwinesto sa tabi niya.
"Kuya, are you mad at me?" malumanay na tanong ko sa kanya. Nagu-guilty tuloy ako.
"Hindi, why?" nasa cellphone pa 'rin ang atensyon niya. Nagmukha tuloy akong attention seeker.
"Eh, why did you not talking to me, this fast few days!?"
"Paano kita kakausapin, 'eh, ikaw mismo ay ayaw mo akong kausapin!?"
Naiwan akong mag-isa at tulala. Hinihintay ko lang naman na kausapin niya ako 'eh. Pabayaan ko muna siyang mag isip-isip. Tumalon ako ulit sa pool at lumangoy saglit.
Hindi ko na kinaya ang lamig kaya umakyat na ako sa kwarto para magpalit. Pinatuyo ko muna ang aking buhok bago nahiga sa kama. Kamusta na kaya ang mga mokong? Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag sa group chat namin.
"What's up, Monique!" masayang bati ni Jade.
"Long time no see!" nakangiting sabi ni Carlos.
"How's your day?" tanong sa akin ni John Fred.
"Aba, spokening dollar na kayo ah!?" pag-bibiro ko sa kanila.
"Uy, si Monique nasa tv!" sigaw ni Jade.
Pinakita nila sa 'kin ang mga tv nila at nandun nga ako sa tv.
"Unang pinay na nag-aral sa Harvard University, nakasungkit ng isang gold medal sa Math Bee."
Nasa tv nga talaga ako. Eh, bakit walang nag-interview sa akin kanina? Badtrip naman!
"Totoo ba 'yun, Monique?" napanood na nga nila ako magtatanong pa kung totoo. Parang ano 'rin 'tong si Carlos 'eh.
"Well, punong-puno ang brain cells ko." pag-bibiro ko sa kanila. "Wala kayong pasok?"
"Suspended dahil sa bagyo!" malungkot na sabi ni John Fred.
"Wow, kunware ayaw ng walang pasok pero, tuwang-tuwa naman." pang-aasar ko rito. "Oh sya, mag-ingat kayo dyan!"
"Ikaw 'rin!"
Hindi pa 'rin umaakyat si Raven sa kwarto kaya pinatay ko na ang ilaw para matulog. Weekends na bukas kaya makakapagpahinga na ang utak ko.
Tanghali na ako nagising dahil na 'rin siguro sa pagod ko sa paglangoy kagabi. Bumaba na ako para kumain pero, wala ni isang tao ang narito. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng makakain. Nakita ko naman ang nakadikit na notes sa ref kaya agad ko 'yung binasa.
'May pupuntahan lang kami saglit anak. Hindi ka na naman ginising dahil ang himbing ng tulog mo.'
Lagi naman akong naiiwan. Ang daya nila! Kumuha na lang ak ng dalawang cup noodles at dinala sa kwarto ko. Umupo ako sa study table ko at binuksan ang laptop. Wala naman akong ibang magagawa dito sa bahay kundi ang manood.
Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng may mag-text sa cellphone ko. Hindi ko yun pinansin dahil nagparamdam na naman ang mokong. Lagi niya na lang sinisira ang panonood ko.
Bumaba ako para itapon ang cup noodles na ginamit ko. Anong oras kaya sila umalis? Sinilip ko ang garahe at wala pa 'rin sila. Bakit naman ang tagal nila!?
Nagbihis ako at naglakad-lakad sa labas. Nakakita ako ng isang playground kung saan may bata na umiiyak. Naliligawa siguro. Nilapitan ko ito para kausapin.
"Bata, nawawala ka ba?" tanong ko rito.
Imbes na sagutin ay tiningnan niya lang ako. Napatampal na lang ako sa noo ko nang maalalang nasa ibang bansa pala ako. Umupo ako sa harap niya at pinunasan ang pisnge niya na basang-basa dahil sa luha.
"Are you lost, baby boy?" nakangiting tanong ko rito.
"My big brother buy an ice crean then, i'm lost! I don't know the way back home." umiiyakna sabi nito.
"Shh, don't cry! I'll help you!"
"Are you sure?"
"Why not? Let's go?"
Inalalayan ko siyang tumayo at naglakad na. Hinawakan ko ang malambot at maliit niyang kamay. Baka mamaya nalingat lang ako mawala na naman 'to.
"By the way, what's your name?"
"I am Stephen Vourge!"
"How old are you?"
"Five."
Habang naglalakad kami ay kumakanta siya ng Twinkle, Twinkle Little Star (Oh, bakit mo kinanta yung title?). Napatigil kami sa paglalakad ng may humintong kotse sa tapat namin.
"That's my big brother's car!" natutuwang sabi ni Stephen.
"Are you sure!?" paninigurado ko.
"Yazz!" ang arte naman ng batang 'to.
Ang tangkad, ang gwapo at ang puti naman ng isang 'to.
"Hey, why are you starring at me in that way?" sungit naman ng isang 'to.
"Are you the brother of this kid?" tama ba sinabi ko?
"Yazz, let's go Stephen!" yazz-yazzin ko kayong dalawa dyan eh. Kinuha niya sa akin ang bata na hindi man lang nagthathankyou.
"Thankyou!" pagpaparinig ko rito.
"Welcome!" walang ya, abay, matindi ang isang 'to. Hindi ko na lang siya pinansij at nagsimula ng maglakad pauwi.
Hindi ko alam kung anong trip ng dalawang 'to at sinusundan pa rin ako hanggang ngayon. Bumaba si boy sungit at pinagbuksan ak ng pinto. #Assuming.
"I'll drive you to your home!"
Sa back seat ako umupo kasi ayaw ko siyang katabi.
"I think i saw you on telivision." Stephen said.
"Where?"
"You're the 1st runner up on Math Bee, right!?"
"Yeah!"
Nagkwentuhan lang kami ni Stephen nang kung ano-ano hanggang sa makarating na kami sa bahay. Wala pa yung van kaya wala pa rin sila. Nagpaalam ako saglit kay Stephen at lumabas na ng kotse.
Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang biglang bumisina yung kotse. Tumingin ako sa kanila at ngumiti.
"Thankyou!"