"Aga mo naman nagising?" tinanggal ko ang headset ko para marinig ng ayos ang sasabihin ni Raven. "Oh, kape!"
Sumimsim muna ako ng kape dahil kanina pa ako nauuhaw.
"Eh, ikaw? Bakit ang aga mo nagising?" tanong ko rin rito.
"Ang ingay mo kasi, hindi na tuloy ako makatulog!"
Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi niya.
"Kanina ka pa gising?"
"Uhm, hindi mo nga namalayan na lumabas ako ng kwarto."
Iinom na sana ulit ako ng kape ng may tumulo na tubig sa balat ko. Umuulan na naman.
"Umuulan na naman!" sabi ko at pumasok na ulit kami sa loob ng kwarto.
"Kanta ka kasi nang kanta, yan tuloy umulan!" pag-bibiro ni Raven.
When I finish drinking my coffee, pumasok na ako sa banyo para maligo. Bumaba na rin kami ni Raven ng matapos kaming mag-ayos. Kami na lang pala ang hinihintay nila.
"Tita, pwede ba kaming mamasyal ngayon?" excited na tanong ni Raven kay Mommy. Pinanganak siguro 'to para lang mag-gala.
"Syempre naman basta kasama nyo kami!" nakangiting sabi ni Mommy.
Pagkatapos naming kumain ay nagbihis na rin kami ni Raven.
"Excited na me!" sabi ni Raven.
"Palagi naman, HAHAHA." pag-bibiro ko rito.
Wala akong maisip na susuotin kaya nag black dress na lang ako. Pag nahihirapan akong mag-hanap o mag-isip ng susuotin ay black na damit na talaga ang kukunin ko.
"Ano ba yan, Monique! Black na naman suot mo?" reklamo ni kuya Kiro.
"Eh, ano naman sa'yo?" tumingin muna ako sa paligid bago siya inirapan.
Baka mamaya dumating na naman si Kuya Shawn, hindi na naman ako makakabawe sa isang 'to. Hinintay namin si Kuya Shawn dahil siya pala ang magdridrive ng van.
Malayo pa daw ang pupuntahan namin kaya natulog na lang ako buong byahe. Nagising ako at wala na silang lahat sa lob ng van, siguro ay nagsimula na silang mamasyal.
Alam namam nila na hindi ako mahilig gumala kaya iniwan na lang nila ako dito. Kinuha ko ang headset at cellphone ko para hindi mabaliw sa van na ito. Kinuha ko na rin ang bag ko na may lamang pagkain.
Pagkain naman talaga lagi ang laman ng bag ko. Kahit saan ako magpunta pagkain lang talaga. Kanina pa kaya sila lumabas? Nanood ako ng mga videos sa youtube habang wala pa sila. Ilang oras ang lumipas at bumalik na silang lahat.
Hindi na kami kumain sa fast food chain dahil magluluto daw sina Mommy at Tita Lorraine. Tumigil kami sa isang super market dahil bibili daw sipa ng ingredients para sa lulutoin nila mamaya.
"Pahingi!"
Nagulat na lang ako ng biglang kunin ni Kuya Kiro yung chips na nasa bag ko.
"Ano ba akin yan!?" pilit kong kinukuha kay Kuya Kiro ang chips pero mas malakas siya kesa sa akin.
"Ang damot mo naman, Monique! Sharing is caring, you know!?" porket mas matanda siya sa akin, ha.
"Kuya Shawn, oh! Si Kuya Ki–"
"Oh, sa'yo na yang chips mo! Pag ako bumili wag kang manghihingi!" siniringan pa ako ng puta.
"Ang ingay niyong dalawa d'yan!" hindi na ako nakapagzalita dahil galit na si Kuya Shawn.
Ewan ko ba dito kay Kuya Kiro, napakabully hindi naman gwapo. Kaya siguro wala 'tong jowa dahil isip bata. Sarap ikuling sa morgue, takot pa naman yun sa multo. May naisip tuloy ako, HAHAHA.
"Kuya, sino yan?" tinuro ko ang salamin ng van kung saan siya nakasandal with natatakot effect pa yan.
"Aahh!"
Halos mawalan na ako ng hininga sa kakatawa dahil sa reaksyon niya. Nalaglag pa sa kinauupoan niya. Tiningnan niya ang salamin na tinuro ko kanina tsaka siya masamang tumingin sa akin.
"Aray!"
Hinawakan ko ang tenga na piningot niya at hindi ko siya pinansin. Lumayo ako sa kanya at sinuot ang headset sa aking magkabilang tenga. Hindi ko siya pinansin buong byahe.
Umakyat na agad ako sa kwarto ng maka-uwu na kami. Naligo ako saglut at umupo sa kama ko. Tsaka na ako bababa pag hapunan na. Ayaw kong makita ang mukha ng gong-gong na yun. Bwiset s'ya!
Nanood lang ako ng kung ano-ano sa youtube para mawala ang init ng ulo ko. Bumaba na rin ako ng tawagin ako ni Raven sa kwarti. Ramdam ko namang nakatingin sa akin ang gong-gong. Tusukin ko mata niya eh.
Nagkwentuhan lang sila tungkol sa paggagala nila kanina. Hindi ako makarelate kazi hindi naman ako lumabas sa van. Tapos may gong-gong pa na sumira ng araw ko. May pasok pa pala kami bukas.
"Oh, may pasok na naman kayo bukas!" Tita Lorraine said.
"Oo nga pala, kasali si Monique sa Math Bee bukas!" ay, buti na lang at naalala ni Raven.
"Talaga? Dapat pala ay nag-aral ka na lang kanina," Kuya Shawn said.
"Sana nga!" bulong ko.
"Ha?" tanong sa akin ni Kuya Shawn.
"Sabi ko pag may dumaang bingi sumama ka na!" pagbibiro ko rito. "Peace, bro!"
Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay umakyat na ako sa kwarto para makapag-aral. Nawala rin kasi sa isip ko na ako pala ang representative ng university namin.
Kinuha ko lahat ng mga libro na may kinalaman sa Math. Una kong binasa ang Algebra book na hiniram ko pa sa library. Sa tingin ko ay puro meaning at formula ang itatanong sa Math Bee.
Inuna ko ang mga meaning bago ang formula. Hindi ko rin alam kung bakit. Para sa akin kasi ay mas madali yun. Naramdaman ko rin na pumasok na si Raven at hindi niya na ako inabala pa.
Mga hindi familiar na word ang sumalubong sa alin sa ibang libro na binasa ko. Lalo tuloy sumakit ang ulo ko sa mga nababasa ko. Mga importanteng mga words lang ang sinaulo ko.
Sinilip ko si Raven na mahimbing ng natutulog. Dapat pala ay hindi na lang ako sumagot sa tanong nung professor namin nung nakaraang araw. Tuwang-tuwa sa katalinuhan ko, yan tuloy Math Bee ang bagsak ko.
Maaga akong gumising para makapagayos at makapagreview kahit kaunti. Nang gising na silang lahat ay naligo na ako at sinuot ang school uniform ko.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapansin si Kuya Kiro. Bahala siyang maglupasay d'yan, echos lang! Kumain ako ng marami para hindi ako mastree mamaya. Maraming tao ang manonood sa akin 'no.
Manonood daw silang lahat sa akin para daw may supporters naman daw ako. Pagdating namin sa arena kung saan gaganapin ang Math Bee. Punong-puno ang buong arena dahil sa mga students na susuportahan ang pambato nila. Kinakabahan tuloy ako.
"Kaya mo yan!" bulong sa akin ni Raven.
Naupo ako sa section ng mga contestant at sila naman ay naupo kasama ang student ng Harvard University. Kinabahan ako lalo ng sabihin ng host ang mechanics ng Math Bee.
Padamihan lang naman ng tanong na masasagot sa loob ng isang oras. Dapat ay wala ni isang error sa sagot na sasabihin mo. Nyay, paano kung wala akong matama sa mga tanong?
The quiz begin! Pang-lima pa akong aakyat kaya chill chill muna tayo. Bumunot ang unang contestant ng letter na saaagutan niya. Napakabilis naman niyang sumagot. Yung tipong wala akong maintindihan sa mga sinabi niya.
Natapos ang oras at sumunod na ang sunod na contestant. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila dahil sa bilis nilang magsalita. Siguro ayvnaprepressure sila sa oras.
Nilibot ng paningin ko ang buong arena. Lahat sila ay nakatutok sa oras at sa sinasabi ng mga manlalaro. Hinahanap ko ang mga ka-grupo ko at natanaw ko sila sa bandang gitna.
Hindi ko makita sina Raven dahil sa dami ng tao rito. Ako na ang sunod! Hinanda ko ang aking sarili at inalala ang mga pinag-aralan ko.
"No. 5"