Chapter 16

3266 Words
Ilang oras na akong nakahiga sa kama. Inihatid ako ni Ian sa bahay sa sobrang pag aalala dahil sa hindi ko pagkibo mula sa pagtapon ni Mr Yuchengco ng dalawang cheke sa mukha namin na parang mga pokpok na binayaran. Isang alaala ang nagpalakas pa sa posibilidad ng mga gumugulo sa isip ko...... yung kwento ni Nanay. " Pakiramdam ko isa akong bayarang babae na pagkatapos makuha ang p********e ko ay binayaran ako ng malaking halaga ng pera na nakalagay sa tabi ko nang magkaroon ako ng malay...." Tumulo ang luha ko. SI MR YUCHENGCO ANG GUMAHASA SA NANAY KO!!!! SI MR YUCHENGCO AY TATAY KO!!! Ang nunal namin sa pwet ay ang pinakamalaking katibayan!!! Namana ko sa kanya ang nunal na yun! Bunso? Umiiyak ka ba? Mabilis kong pinahiran ang tumutulong luha sa mata bago bumukas ang ilaw ng bumangon si Kuya Rommel na gising pa pala. Naramdaman kong gumalaw at nagising din sila Kuya Ricky at Jeff sa taas. Kaagad akong tumagilid para ikubli ang namamagang mata at nagtulog tulogan. Gelo..... may problema ba? Hindi ako lumingon kahit pa naupo si Kuya Rommel sa tabi ko at ipinatong ang isang kamay para himasin ang likod ko. Alam kong umiiyak ka kanina. Kung ano man ang problema mo andito lang kami..... Bunso may umaway ba sayo? Sabihin mo lang reresbakan ko ang mga yan! Boses ni Kuya Ricky. Saka naman gumalaw ang bunk bed ng bumaba si Kuya Jeff sa taas ng higaan ko. Kuya Mel mula ng dumating yan kanina nang hinatid ni Ian hindi na kumikibo yan. Kahit si Ian ayaw nyang kausapin..... Nag away ba kayo ni Ian? Hindi daw. Naitanong ko na kay Ian yan. Kanina pa nga ako nag aalala ng di sya kumain ng haponan. Hindi ko kayang ipagtapat sa mga Kuya ang nasa loob ko. Bagamat malakas ang kutob kong si Mr Yuchengco ang gumahasa kay Nanay at ang tatay ko ay wala pa akong natibay na ebidensya kundi ang nunal. Naguguluhan ako lalo. Hindi ko alam ang gagawin. Kapag sinabi ko kay Nanay ay sigurado akong hinding hindi nya mapapatawad si Mr Yuchengco at baka masira ang pagiging mag asawa nila. Kapag hindi ko lalayuan si Nanay ay baka kung ano pa ang maaring gawin samin ni Ian at baka pati pangarap namin ng mga kuya ko ay mawalan ng saysay. Kapag sinabi ko sa mga Kuya ko ang problema baka makapatay sila ng tao at ayoko naman mangyari yun lalo na kung talagang tama ang hinala kong si Mr Yuchengco ang Tatay ko.... Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko...... Gelo..... sige kung hindi ka pa handang sabihin samin ayos lang yun. Pero tandaan mo na nandito lang kami at hinding hindi ka namin papabayaan. Sige na matulog na kayong dalawa. Pinatay ni Kuya Rommel ang ilaw at sa halip na bumalik sa higaan nya ay tumabi sakin at kinabig ako ni Kuya Rommel paharap sa kanya at niyakap ng mahigpit. Gumaan ang pakiramdam ko lalo na ng halikan nya ako sa ulo habang hinihimas ang likod ko katulad ng ginagawa nya kapag pinapatulog nya ako noong bata pa. Parang may magic ang yakap at haplos ni Kuya Rommel na nagdala sakin sa mahimbing na pagtulog. Nagising ako na wala na si Kuya sa tabi ko. Medyo nawala na din ang gulo ng isip ko kaya bago bumangon ay nag-isip. Napag pasyahan kong iwaksi muna sa isip ang problema. Wala naman akong magagawa sa ngayon kundi ibalik sa normal ang buhay ko. Ayoko na mag alala masyado sila Kuya Rommel Kuya Ricky at Kuya Jeff. Gising ka na pala bunso. Okay ka na ba? Sakto kakahain ko lang ng almusal tara kumain ka na kasi hindi ka naghaponan kagabi. Salamat Kuya Jeff okay na ako medyo gutom na nga ako. Aga mo nagising ah? Ano ka ba alam mo namang wala akong trabaho kapag lunes at martes ng gabi. Mamayang gabi pa uli ang pasok ko. Good morning Kuya Mel Kuya Ric.... ang sarap nitong tapsilog ah sino ang nagluto? Pilit kong pinasigla at pinasaya ang sarili kaya nawala kaagad ang pag aalala sa mukha ng mga Kuya ko. Ako ang nagluto ng tapa si Kuya Rommel naman sa sinangag.....alam mo na kung sino ang nagluto ng itlog..... sagot ni Kuya Ricky ng nakangiti. Gusto mo ba ng gatas o kape? At maliban sa itlog syempre ipagtitimpla pa kita ng.... Gatas nalang Kuya Jeff! Okay ka na Gelo? Opo Kuya Rommel pasensya na nag alala kayo kagabi. Pero huwag na kayo mag alala ginagawa nyo naman akong bata eh magtetwenty one na ako next week binebeybi nyo pa ako! Oo nga ano? Anong gusto mong gawin natin sa birthday mo? Sabihin mo lang paghahandaan namin. May balak na si Nanay na kumain tayo at magcelebrate sa isang function room ng hotel. Tayo tayo lang saka kung sino man ang gusto nyong isama. Yung mga syota nyo. Ayoko din naman ng malaking celebration. Masaya na ako na kasama ko kayo. Ayaw mo bang magswimming uli tayo bago uli kayo bumalik sa OJT? Ang bilis ng panahon akalain mo yun ga-graduate ka na at matutupad na ang pangarap natin! Makakapag asawa na kayo Kuya Mel. Gusto ko ng magka pamangkin agad yun nalang ang birthday wish ko! Pamangkin!!!! Pero bunso ha kapag may problema ka alam mo na kahit ano pa yan andito lang kami..... Balik kami sa normal ng mga Kuya ko. Ayokong mag alala sila kaya sinarili ko nalang ang kutob kong si Mr Yuchengco ang Tatay ko. Lumipas ang isang linggo na pilit kong iwinaksi sa isip ang gumulo sa aking isipan. Hanggang sa dumating ang ika 21st birthday ko. Tulad nang nappagkasunduan namin ni Nanay sa isang pribadong Thai Reastaurant ng five star hotel kami manananghalian at magdidiwang. Nauna kaming nakarating sa venue. Kung sino yung kasama doon sa bakasyon namin sa Batangas ay sya ding mga bisita. Naka set up ng buffet ang pagkain at si Nanay nalang ang kulang para makapag umpisa kami. Ring......ring...... Hello Nay nasaan na po kayo? Sige susunduin kita sa lobby. Saktong pagdating ko ay kakababa naman ni Nanay sa sasakyan at yung valet parker na ang nagpark ng kotse nya sa parking area. Happy birthday Angelo anak! Niyakap ako ni Nanay ng mahigpit hinalikan sa pisngi na ginantihan ko naman ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi nya. Thank you Nanay! Tara na po kayo nalang ang inaantay ng lahat. Nakakapit si Nanay sa braso ko habang naglalambing ng pumasok kami sa lobby ng Dusit Hotel papuntang Benjarong kung nasaan ang private birthday party ko. Nasa Mezanine ng lobby ang Thai Restaurant ☆☆☆☆☆ Hello Jack tawagan mo si Enrico. Kailangan ko ng private army NGAYON DIN!!!! Boss ano po ba ang ipapagawa nyo? MAY IPAPADUKOT AKO SA INYO!!!! Nanlilisik ang mata ni Mr Yuchengco at halos manginig ang buong katawan sa galit pagkatapos masaksihan ang pagsalubong mi Angelo kay Elaine sa lobby ng Dusit Hotel. Anong meron sa lalaking yan Elaine bakit nakuha mong magtaksil sakin?!!!! Tumutulo ang luha nya habang pinipigil ang sarili na kontrolin ang galit sa nasaksihan. Ang asawa nya at yung estudyanteng si Angelo Biglang-awa ay nakita nyang nagyakapan at naghalikan sa pisngi saka pumasok sa isang five star hotel sa tanghaling tapat. Sekreto nyang sinundan ang asawa pagkatapos sya nitong tinanggihan na maglunch sila sa araw ng kanyang birthday na ngayon lang nangyari sa tagal ng pagsasama nila bilang mag asawa. May importanteng lunch meeting ang paalam nito sa kanya subalit...... Why Elaine? Patuloy ang pagtulo ng luha nya sa nanlilisik na mata at nanginginig na kamay sa sobrang galit. What's with that boy na wala sa akin? Saan ba ako nagkulang? Buong buhay ko ikaw lang ang tanging babaing ginusto at minahal ko! Bakit????? Patuloy na dumaloy ang kanyang luha sa isang tabi malapit sa hotel kung saan makikita nya ang paglabas pasok ng mga tao sa entrance. ☆☆☆☆☆ Nay may pakiusap sana ako sa susunod naming OJT. Pwede bang ilagay mo kami sa ibang site? Yung pinaka malayo kung pwede? Bakit Gelo ayaw mo bang masubaybayan ko kayo lagi doon sa BGC? May roon pa pala akong pakiusap.... pwede ba pagkatapos nitong birthday ko ay huwag muna tayong magkita hanggang sa graduation ko? Please? Yung asawa ko ba ang dahilan? Its for the best of all of us Nay ayoko ng gulo....... I understand anak...... Niyakap ako ni Nanay para pakalmahin dahil sa nararamdaman kong tensyon. Bigla akong naka ramdam ng takot na may masamang mangyayari ng araw na yun. Here is my promise to you Angelo. On the day of your graduation I WILL INTRODUCE YOU TO MIC AS MY SON. Bigyan mo pa ako ng kunting panahon para kumuha ng lakas na loob na sabihin sa kanyang may anak ako sa pagkadalaga. Kayo po ang bahala Nay sana matapos na tong mga problemang to sa araw ng graduation ko. Yun po ang isa sa birthday wish ko ngayon. Sige andito na ang sasakyan ko pasensya na if cant stay longer to celebrate with you.... Birthday din kasi ng asawa ko ngayon. Enjoy the rest of your party anak. I LOVE YOU! ☆☆☆☆☆ Kulang nalang ay takbuhin ni Mr Yuchengco ang asawa para agawin sa lalaking kinamumuhian nya. Ang lalaking niyakap nito at muling hinalikan bago sumakay ng sasakyan. Sagad sa impierno ang galit nya. Pagkaalis naman ni Mrs Yuchengco ay syang pagbaba sa itim na SUV nang dalawang tauhan nya ni Mr Michael Yuchengco na dudukot kay Angelo. Pasimpleng inakbayan ng isa si Angelo. Malinis ang pagkadukot ng kanyang kinuhang private army para ipadampot si Angelo Biglang-awa! Ni walang may nakapansin kahit mga hotel security na nasa paligid na may nangyayari ng kidnapping. ☆☆☆☆☆ Perfect! Magugustuhan to ni Gelo! Muli kong binalik sa lalagyan ang kwentas na regalo ko kay Gelo. Sumunod ako pagkahatid nya kay Nanay Elaine para yayain at masolo sya sa swimming pool area para ibigay ang regalo ko sa kanya. Isang silver necklace na may Mechanical Gear pendant na universal symbol ng Engineering. Pinasadya ko pang ipagawa ang pendant kaya sigurado akong espesyal ang regalo ko sa pinakamamahal kong lalake. Pababa na ako ng hagdan mula sa mezamine nang makita kong may umakbay sa kanyang di ko kilalang dalawang lalake at sumakay sila tinted na black SUV. Angelo? Sino ang umakbay sa kanya? Bakit sya sumama sa dalawang lalake paakyat sa itim na tinted SUV? May mali! Pucha may baril na nakatutok sa tagiliran ni Gelo!!!! Gelo!!!!!!!! Nakaalis na ang sasakyan ng patakbo akong nakarating sa valet area. Parang walang alam ang mga security na dinukot na si Angelo. Nataranta akong bumalik sa taas para ipaalam kaagad sa mga Kuya nya ang nakita. Kuya Rommel si Gelo po dinukot ng dalawang lalake!!!! Huh???? ☆☆☆☆☆ Angelo!! Tawag sakin ng lalaking di ko kilala pero nakangiting lumapit sakin at bigla akong inakbayan. Pare kamusta?! Bago ako makapalag ay may isa pang lumapit at dumikit para pagitnaan ako saka ko naramdaman ang baril na pasimpleng nakatutok sa aking tagiliran. Huwag kang gumalaw ng masama at magpahalata kung ayaw mong paputukin ko to. Sumakay ka sa sasakyan at huwag gumawa ng eksena. Sino kayo? Saan nyo ako dadalhin? Anong kailangan nyo sakin? Sunod sumod na tanong ko ng humarurot na ang sasakyan paalis ng hotel at umikot palikong Pasay Road saka binagtas ang kahabaan ng Edsa papuntang Magallanes. Walang personalan trabaho lang! Boss saan namin to dadalhin? Yes Boss..... Hindi ako nakapalag ng makita ko ang baril na nakatago sa itim na jacket na pinantakip ng lalake na kaagad umakbay sakin. Ang bilis ng pangyayari saka ko lang na realized na na kidnapped na ako nang nasa loob na ng SUV. Apat lahat ang tao sa sasakyan dalawa sa unahan at yung dalawang bumaba na pinagitnaan ako habang tinutukan pa din ng baril. Kumabog ang dibdib ko sa takot ng mahagip sa celphone ang boses ng tinawag na Boss. Si Mr. Yuchengco! ☆☆☆☆☆ Nay si Angelo po kinidnap ng dalawang lalake pagkaalis nyo! WHAT??? OH MY GOD! Babalik ako dyan ngayon din! Lord please tell me what to do.... Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho pabalik sa hotel. Paanong???? Sino???? Uuuuhhhh Hello. Hon im on the way to the house sorry just finished with the meeting. Are you home? Okay see you at dinner then...... Hindi ko alam bakit si Mic ang unang pumasok sa isip ko pero wala ng ibang tao ang pwedeng magpadampot kay Angelo kundi sya. May kakaiba sa boses nya ng makausap ko kaya walang duda ang asawa ko ang nagpakidnap sa anak ko. I need to rescue my son!!! Christian! Nasaan ang mga Kuya ni Gelo? Sinubukan po nilang habulin at sundan ang direction kung saan papunta ang sasakyan. Call them kung nahabol nila. May gagawin lang ako. I checked out my phone's GPS para alamin kung nasaan ang asawa ko. Thanks God we have this app to track each others location. Sya na nga! Sabi nya he is at his parents home pero ayon sa GPS navigator he is in South Luzon Express Way. Yung abandoned warehouse sa Sta Rosa!!! Doon nya dadalhin si Angelo! Nay di daw nila nahabol nasa express way daw sila papuntang Alabang. Hello Ricky dumerecho lang kayo. Antayin nyo kami ni Ian sa Alabang. Alam ko kung sino ang dumukot sa anak ko at kung saan sya dadalhin!!! ☆☆☆☆☆ Hindi na ako nagulat ng makitang paparating si Mr Yuchengco habang nakagapos ang kamay kong nakataas at nakatali sa metal beam ng lumang warehouse. Yung dalawang lalake na nasa harap ng sasakyan kanina ay bodyguards ni Mr Yuchengco! Enrico ...Jack iwan nyo na ako dito. Antayin nyo nalang ako doon sa labas. Let me handle this alone..... Mr Yuchengco ano ang kailangan mo sakin? Uuuuhhhhhh....... Halos mamilipit ako sa sakit sa malakas na unday ng kamao nya sya tyan ko. Hindi ba binalaan na kita last week? I warned you to keep away from my wife!!!!!!!! Nanlilisik ang mata nya sa galit habang nakasabunot ang isang kamay sa buhok ko at halos iuntog na nya ang mukha sa sobrang lapit at ramdam ko ang kulog ng malakas nyang boses na halos ume-echo sa loob ng bodega dahil sa galit. Nanlilisik ang mata. Naglalabasan ang litid ng ugat sa leeg. Wala na sa katinuan ng isip at handang pumatay! What's with you that made my wife betrayed me? ANO!!!!!!?????? Nagkakamali po kayo Sir......uuuuuhhh..... Hindi ko na natapos ang sasabihin ng isa nanamang malakas na suntok sa mukha ang nagpamanhid sa pisngi kong tinamaan ng kanyang matigas na kamao. HUWAG MO AKONG GAWING TANGA ANGELO!!!!! KITANG KITA NG DALAWANG MATA KO ANG YAKAPAN NYO AT HALIKAN SA LOBBY NG DUSIT!!!! ☆☆☆☆☆ Apat na goons ang nakita kong naka bantay sa labas ng warehouse mula sa pinagkukubliang talahiban.. Kilala ko ang dalawa mga personal security bodyguard ni Mike. May mga baril na sukbit. Rommel meron ba kayong kahit na anong sandata? Tita etong double blade lang ang dala kong nakatago sa ilalim ng upuan ng taxi ko. Anong gagawin natin? Wait.......eto gawin mo akong hostage kapalit ni Gelo! May sarili akong security firearm sa sasakyan ibinigay ko kay Rommel para itutok sakin at gawin akong hostage. Eto lang ang tanging paraan para mapigilqn namin si Mic. Mga professional shooter at martial arts experts ang bodyguards nya. Jack! Enrico huwag kayong magpapaputok! Itapon nyo ang baril nyo sa malayo!!! Mula sa malayo ay inunahan ko na ang mga tauhan ni Mic. Napatigil sila ng nakitang nakatutok sa ulo ko ang baril habang gapos ng kaliwang kamay ni Rommel ang leeg ko para mas kapani paniwala. Nakalapit kami na di nakagawa ng ingay. Hawak pa din ng apat ang mga baril na kanya kanyang tutok sa mga kuya ni Gelo at kay Ian. Please itapon nyo ang mga baril nyo! Di kayo mapapatawad ng asawa ko kapag may nangyari sakin! Kaagad namang sumunod ang apat at itinapon ang baril sa malayo. Kunin nyo ang mga baril nila. Problema naming mag asawa to pakiusap hayaan nyong ayusin namin to ng di kayo nakikialam. Opo Maam.....pero kayo po? Ayos lang ba kayo? Huwag nyo akong aalahanin gusto lang iligtas ng mga to ang kapatid nila. Hindi nila ako sasaktan kaya papasukin nyo kami ng maayos. HINDI BA SINABI KO NA SA INYONG AKO MISMO ANG TUTUMBA SA ORAS NA MAHULI KO KAYO!? Napapikit ako ng maramdaman ang malamig na dulo ng baril na dumikit sa bunbunan ko. Nagdasal at humingj ng himala na sana matauhan si Mr Yuchengco. SUBUKAN MO LANG IPUTOK YAN PAPASABUGIN KO ANG BANGS NITONG ASAWA MO!!!! MIC!!!!!! STOOOOOPPPPP P!!!! Maghunos dili ka!!!! Pleaaaaasssssseeee spare Angelo's life!!!!!! ELAINE????? (NAY? KUYA ROMMEL? Ang mga Kuya ko at si Christian!?) Mic please listen to me! DONT DO THAT! IM BEGGING YOU........ Huwag nyong sasaktan ang asawa ko! Itapon mo ang baril mo sa malayo at kalagan ng tali ang kapatid ko kung ayaw mong mawalan ng asawa!!! Okay il do it just dont hurt my wife! Elaine bakit mo nagawang pagtaksilan ako? Bakit???? Lumuluha at di alam ni Mr Yuchengco ang gagawin. Ngayon ko nakita kung gaano nya ka mahal ang Nanay ko. Nabalewala ang galit nya sakin at napalitan ng pangamba na baka mapahamak ang asawa nya. NAGKAKAMALI KA MICHAEL. KAHIT MINSAN DI AKO NAGTAKSIL SAYO! DAHIL ANG BATANG YAN AY.... ANAK KO!!!! WHAT??????!!!!!!! What did you say???? Oo si Angelo ay anak ko!!!! Naalala mo ba noong isang taon akong tumigil sa pag aaral? Dahil ginahasa ako at nabuntis! Itinapon ko sa basurahan ang anak ko at habang buhay kong pagsisisihan yun. Ngayong nakita ko na sya hindi ko na hahayaang mawala sya uli....... YOU MEAN TO SAY..... MY GOD WHAT HAVE I DONE????? Anak mo si Angelo????? Eto na ang sagot sa gumugulo sa isip ko. Alam ko nang totoo ang hinala ko...... sa wakas nasabi din ni Nanay ang katotohanan at mukhang si Mr Yuchengco naman ngayon ang magugulantang..... Anak mo si Angelo???? Huhuhu Yes Mic..... Im sorry I am supposed to tell you the truth after he graduates nag aantay lang ako ng tamang pagkakataon..... Angelo is your son!!!!! Lord!!!! What have I done????? Huhuhu Angelo..... My God...... Angelo..... Nagtaka ang lahat sa nakitang reaksyon ni Mr Yuchengco. Lalo na si Nanay. Umiiyak. Nanginginig ang buong katawan. Niyakap ako ng napaka higpit...... ANGELO!!!!! MY SON!!!!!! Oh Angelo YOUR MY SON!!!!! MIC???? IKAW????? Ikaw ang gumahasa sakin ng gabing yun? Elaine I'm so sorry..... PAAAAAKKKKK!!!!!!!! Isang ubod lakas na sampal mula kay Nanay ang dumapo sa mukha ni..... Itay..... DONT EVER EVER CALL MY SON YOUR SON!!!!! HOW DARE YOU!!! Nakalagan na ako nila kuya ng tali at nakawala sa pagkakagapos ng lumuhod si.... Tatay sa harap ni Nanay ng hindi tumitigil sa kakaiyak. Elaine im so.... so..... sorry..... huhuhu I never knew na nabuntis kita..... patawarin nyo ako...... I never knew..... Lord please forgive me...... Elaine.... You are everything to me thats why I did it....... Nakatayo lang si Nanay na tumutulo ang luha pero bakas pa din sa mukha ang galit sa mukha ng lumapit ako at napayakap sya sa akin habang pareho kaming umiiyak. Hindi lang ikaw ang may kasalanan Mic pareho tayong may malaking kasalanan at pagkukulang kay Angelo! Pero sa ngayon.... HINDING HINDI PA KITA MAPAPATAWAD!!!! Lets go Angelo!!!! Waaaaaaahhhh.... Lord please forgive me...... and im begging you.... Diyos ko please help me get back my son and my wife...... huhuhuhu....... Naiwan si Mr Yuchengco..... ang Tatay ko na nanatiling nakaluhod at umiiyak..... Na aawa ako kay Tatay..... Pero sa ngayon mas maige muna sigurong hayaan muna naming maghilom ang mga sugat na dulot ng REVEALATION sa araw na eto. Itutuloy.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD