SIRIUS “Can I excuse myself for a while, Sir, Ma'am? Sunduin ko lang ang girlfriend ko, baka kasi sumama ang pakiramdam niya.” Biglang putol niya sa gitna ng kanilang kausapin ni Mr. Chua. May limang minuto na kasi ang lumipas pero hindi pa bumabalik si Lexie kaya parang nababarino na siya! Ang usapan nila ay hanggat hindi natatapos ang meeting ay hindi ito aalis pero parang tumiwalag yata sa pulong itong si Lexie. Agad namang tumango ng wagas ang mag-asawa. Hindi siya nag aksaya ng oras kaya iritado siyang nagpunta sa ladies comfort room. Walang pila kaya kinatok niya agad ang pintuan pero naka-ilang katok na siya wala paring sumasagot o mag bukas man lang. Napatiltik siya habang nagmamasid sa labas ng restaurant until he saw Lexie standing outside. Naiiling siyang pinuntahan ito sa la

