SIRIUS “Anong meron?” Bungad sa kanya ni Apollo. Nahuli siya nito na bahagyang nakangiti. Diretso pasok ito sa opisina niya at saka umupo sa couch. Siya naman ay iniwas ang paningin sa isang babasagin na jar kung saan may mga baryang nakalagay sa loob. Tumikhim siya habang inaayos ang suot na necktie. Niluwagan niya 'yon dahil mukhang mag-iinit na naman ang ulo niya sa pangbu-bwesit ng kaibigan niya. “Masama bang...i-advance sa pag celebrate nang successful na dinner meeting namin ni Mr. Chua mamaya?” Kumpyansa sa sarili na pagkakasabi niya. Tila sang-ayun din naman si Apollo kaya umangat ng bahagya ang dulo mga labi nito. “Well, when it comes to you we don't need to manifest the outcome of your business deals. Masyado kang mataas para hindi maging successful sa lahat ng bagay. Instead

