Chapter 2

3873 Words
Chapter 2 "Yes--what!? Ok, I'll be there at eight just make them calm. It's your job and not mine! Settle it!" The day wasn't good for Troy. Umaga pa lang ay sira na ang araw nito ng maisip na wala siyang gagamiting sasakyan dahil sa naka coding iyon ngayon, idagdag mo pa ang masamang balita sa kaniya ng mga kasamahan niya sa law firm na nagkaroon sila ng problema sa kliyente at iyon ang pinaka ayaw niya, ang matalo sila sa mga kasong hawak nito. "Bwisit!" Inis nitong pinara ang jeep na dumaan pero mukhang minamalas si Troy dahil puno na iyon. Napatingin siya sa relo nitong suot at bente minutos na lang ay mag aalas otso na, samanatalang kinse minutos pa ang kailangan niyang i-biyahe para makarating sa opisina kung walang traffic. Ah! Tang ina! Ini-iyot ata ako ng kamalasan. Singhal nito sa isip at tila ba hindi na maipinta ang mukha nito sa sobrang inis. Kilala siya ng mga malalapit na kaibigan bilang pinaka-makulit at puno ng kalokohan pero lingid sa kaalaman ng mga ito, siya ang taong pinaka-seryoso pag dating sa trabaho. For him, Life is like a battle and in order for you to survive you must know your enemies weaknesses and strengths, dahil kung hindi aapihin at gagamitin lang nila ang kahinaan mo para sa sarili nitong kapakanan. Iyon ang natutunan niya sa mga pinagdaanan niya simula noong bata pa siya kaya ganoon na lamang nito pahalagahan ang trabaho at propesyon niya bilang abogado. Sa wakas naman ay may dumaan na ulit na jeep at kahit puno na iyon ay ipinilit pa rin ng driver na pagkasyahin ang mga pasahero. "Oh sampuan 'yan magkabilaan. Dumasog nga lang po tayo. Konting dasog lang diyan para makaalis na tayo." Tang ina naman talaga! Jeep lang ata ang araw araw na ginagamit pero kahit kailan 'di lumuluwang. Inis man at hirap si Troy na maka upo ay pinag tiyagaan niya pa rin iyon. Ayaw niya naman mahuli sa trabaho at sanay naman din siya sa hirap. Hindi tulad ng mga kaibigan niya na mula sa mayayamang pamilya kaya nasusunod ang lahat ng gusto at hindi man lang yata naranasan ng mga ito ang sumakay at makipag siksikan sa jeep. Ngunit hindi talaga siya kasya dahil bukod sa malaking tao siya ay ginawang pang sampuan ni manong ang pang waluhang tao lang. Mga driver nga naman, akala ba nila parang babae ang jeep, pag ginamit mo ng pa ulit ulit bukas luluwag na. Tss! Kabanas! "Makikidasog ho." Matamis pa rin siyang ngumiti sa katabing babae na kinapula ng pisngi nito na halatang kinilig sa mga ngiti niya. Sa isip ni Troy ay iba pa rin talaga ang advantage ng pagiging gwapo dahil kusang dumasog ang babae pero hindi sapat iyon dahil hindi naka upo ang kalahati ng pwet niya. Kung kalahati lang din kaya ibayad 'ko? Tutal kalahati lang ng pwet 'ko ang naka upo. Tss! "Miss, pwede bang padasog pa ng konti?" Napansin kasi nito na may dadasugan pa ang babaeng katabi niya. Malaki laki pa kasi ang space sa pagitan nito at nang isa pang babae na nakayuko at naka suot ng itim na cap, itim na damit at itim na ripped jeans. Tang ina! Galing ba siya sa lamay? Pakiwari ni Troy ng makuha noong isang babae ang atensyon niya pero agad din niyang ibinalik ang tingin sa katabing babae at ginamit na naman nito ang natatangi niyang charm. Konting pag papa-cute lang ay makaka upo na siya ng ma ayos. Landiin niya lang ang babae ay magiging komportable ang buong biyahe niya bukod doon ay may napangiti na naman siyang isang babae. May additional points ulit ako sa langit dahil nakapag pasaya na naman ako ng babae. "Kasi--ano--" "Please?" Maamong paki-usap ni Troy ng sa tantiya nito ay mag rereklamo ang babae na ngayon ay alanganing napatingin sa may espasyo sa tabi nito. Napakagat labi ang babaeng dumasog kasabay nun ay napatingin ang lahat ng tao sa kanila ng bigla na lamang may umiyak na pusa. "meow~" Teka? May pusa? Bakit may pusa sa jeep? Marunong na rin bang sumakay ng jeep ang mga pusa ngayon? Nag tataka siya sa narinig na pag ngiyaw ng isang pusa at dahil likas siyang usisero ay sinisilip pa niya ito. Hindi niya masyadong matanawan pero obvious naman na kulay puti iyon. "Sorry, may bayad kasi 'yung pusa." What the f**k! Pati pusa ngayon ka-agaw na rin sa upuan? Nag babayad na rin ba sila ng tax at nag ta-trabaho? Hindi makapaniwala si Troy na hindi siya maka upo ng ma ayos ng dahil lang sa isang pusa. Nangangawit na ang pwet niya at namamanhid na rin ang isa niyang binti. Bwisit! Hindi pa kaya bababa ang babaeng ito? Nang ma isama niya na ang pusa niya. Nangangawit na talaga ako. Naiinis man siya ay matamis niya pa ring ngini-ngitian ang katabing babae, nag babaka-sakali kasi siya na baka makuha ito sa ngiti niya para naman makaupo na siya ng maayos. Sa tantiya naman niya ay nag papa-cute rin ito sa kaniya pero walanghiya! Hindi pa rin nito binubuhat ang alagang pusa. Tang ina! Tabingi na bayag 'ko nito mamaya. Kulang na lang ay murahin niya na sa isip ang babae at ang alaga nitong pusa. Kaya ilang minuto pa siya nag tiis bago nag preno ang driver. "Sorry." Tang ina! Sa wakas makaka upo na rin ako. Nag didiwang naman ang kalooban niya dahil sa wakas ay makaka upo na siya ng maayos. Bumaba na ang katabi niyang babae pero laking gulat niya ng ma-iwan ang pusa. Nag aalangan siyang tawagin ang babae at nag papalit palit ang tingin sa pusa. Napatingin siya sa mga kasakay at halos sabay sabay silang nilingon ang babaeng nakadukdok at mahimbing na natutulog. Huwag niyang sabihin na pusa niya ito? Hay! Ikakaunlad ba ng ekonomiya ang pag sakay ng isang pusa sa jeep? Geez! Hayaan na nga lang. Ang mahalaga, hindi na tatabingi ang bayag 'ko at makaka upo na ako ng ma ayos. Inis man siya dahil sa katabi nito ang pusa ay mas ma-ayos naman na ang kalagayan niya ngayon. Naka upo na siya ng maayos at good luck na lang talaga sa sumakay na lalaki at tumabi pa iyon sa kaniya. Hindi naman siya makadasog ng maayos dahil baka maipit nito ang natutulog na puting pusa kung saan ay nakahiga pa ito sa isang itim na panyo. Sosyal na pusa 'to. Nakasakay na nga sa jeep, may higaan pa. Takot na takot ba siya sa germs at may pa black handkerchief pa siya. Tss! Naasiwa siya sa katabi nitong lalaki, panay kasi ang dasog nito sa kaniya at siya naman itong walang magawa kaya dumasog din siya at sa di ina asahan ay aksidente niyang na tabig ang puting pusa na kinagalit nito. "MEOW~" Umangil iyon at galit siyang sinalubong ng asul nitong mga mata. "Peace!" Alanganin niyang sabi rito pero tinalikuran siya ng pusa at tumalon doon sa katabi nitong babae na hindi man lang natinag at nanatiling tulog. Taragis na pusa na 'yun marunong mag sungit! Nag salubong naman na ang kilay ni Troy ng dumasog pa lalo sa tabi niya ang lalaki na tila ba ini-ipit siya nito. Halos sakupin na nito ang hinigaan ng pusa pero mas nagulat ito ng maramdamang may nakatutok sa tagiliran niya at kasabay nun ay ang hiyawan ng ibang pasahero. "Holdap 'to! Ilabas niyo lahat ng pera niyo pati cellphone." Anak ng! Naiyot ata ako ng kamalasan at nanganganak na rin. Bwisit! Pakiwari niya ay napaka-malas ng araw niya ngayon. Nawalan na nga siya ng legal assistant sa law firm kanina kaya nag kagulo sa opisina, coding pa ng sasakyan niya at mukhang male-late talaga siya ngayon at isa pang kamalasan ay ilang gabi na siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil tigang na tigang siya sa babaeng nakita sa LNB na hindi niya pa rin na hahanap at ngayon naman ay na holdap pa sila. Wala naman na gawa ang mga pasahero kung hindi ang ilabas ang mga pera nila kung saan ay bagong sahod ang nakakarami. Hindi naman makapalag ang mga pasaherong lalaki dahil sa dalawa ang holdaper. Ang isa ay na sa tabi ng driver at ang isa ay ang bagong sakay na katabi ni Troy. Habang nilalagay ng mga pasahero ang kanilang mga wallet at gamit sa isang itim na bag ay nakatutok naman kay Troy ang isang kutsilyo. Nanginginig ang mga kamay niyang dinukot ang wallet sa bulsa at inilagay iyon sa itim na bag. Sa isip nito ay kung hindi lang nakatutok sa kaniya ang kutsilyo ng lalaki ay susuntukin niya talaga ito. Wala man siyang alam sa martial arts pero kaya naman niyang protektahan ang sarili, ang problema ay mukhang mapapasama siya at ang driver pag ginawa niya iyon dahil may dalang baril ang isang holdaper. Isa pa ay kasalukuyang uma andar ang sasakyan kaya nag aalanganin siyang lumaban. "Hoy ikaw!" Bahagya pang napa-tayo ang holdaper sa gitna at sinipa ang paa ng katabi niyang babae na mahimbing na natutulog. Patuloy lang ang pag andar ng jeep at napapansin nila na papunta na ito sa isang liblib na lugar. "Hoy!" Tang inang babae 'to. Hinoholdap na kami, natutulog pa rin siya. "Hoy sabing gumising ka!" Halatang inis na ang holdaper sa hindi pag pansin ng babae sa kaniya kasabay pa nito ay ang iyakan ng ilang mga pasahero sa sobrang takot. "Tumigil kayo!" Sigaw ng isang holdaper sabay tutok nito ng baril sa kanilang lahat. "Kuhanin mo na 'yung bag ng maka alis na at baka abutan pa tayo ng mga pulis." Gigil na sabi ng isang holdaper kaya walang pag aalinlangan namang hinila ng isa pang lalaki ang itim na bag ng babae dahilan para magising ito. Halos man laki naman ang mata ni Troy ng masulyapan ang mukha ng katabi niyang babae. Kahit naka cap ito ng itim ay hindi siya pwedeng mag kamali-- ang bilog pero singkitan nitong mata, ang ilong nito na hindi gaanong katangusan pero manipis ang dulo at ang mga labing iyon na ilang gabing hindi nag patulog sa kaniya. S-Siya nga! Siya 'yung babae sa LNB. Siya 'yung kating kati 'ko ng patirikin ang mata sa sarap. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng ilang beses niyang hinihintay na bumalik sa bar ay makakasabay niya lang pala sa jeep. Tinatawanan pa siya ng mga kaibigan niya dahil pina check pa nito ang CCTV noong gabing iyon para lang mahanap ito. "Anong kailangan mo?" Parang inosenteng tanong ng babae sa holdaper na siyang dahilan ng pag gising niya. Habang si Troy naman ay napamura na lang sa isip. Tang ina! Boses pa lang nag standing ovation na si junjun medyo bobo lang siya ng konti. Hindi ba obvious na hinoldap na kami? Tss! Maganda na sana wala namang utak. Hindi niya gusto maging mapang husga sa katabing babae pero na iinis siya dahil sa sitwasyon na mayroon sila ngayon at kasalukuyan din siyang ina atake ng kalandian nang dahil sa katabing babae at hindi niya iyon mapigilan kahit na sa gitna sila ng peligro. Hindi niya tuloy natiis na hagurin ito ng tingin. Mula sa mapungay nitong mata pababa sa kabuuan nitong katawan. Cup 36-B.. Hmm? Pwede na rin-- palalakihin 'ko na lang. Napangis ito sa na isip at mas bumaba pa ang tingin nito pag katapos niya pag masdan ang dibdib ng babae. Maliit ang bewang at sakto lang ang laki ng balakang-- pwedeng pang ibabaw ang katawan. Napangisi si Troy sa na iisip nitong kapilyuhan na siyang dahilan ng paninikip ng kaniyang pantalon. Hindi niya rin ma intindihan kung bakit ganun na lang ka-lakas ang epekto sa kaniya ng babae na sa paningin niya ay naka hubad na ito gayong hindi naman mukhang bastusin ang babae. Maayos ang suot nitong damit na mukhang galing lamay dahil sa itim na itim ito. Mukha rin inosente ang mukha nito na animo'y isang batang walang ka-malay malay sa mundo. "Holdap 'to kaya ilabas mo na lahat ng gamit mo." Napatango lang ang babae sa holdaper bago nito binuksan ang bag at inabot sa holdaper ang pera niya. "Niloloko mo ba ako?" Inis nitong sigaw ng i-abot sa kaniya ng babae ang isang katutak na barya. "Mas mukha ka pang joker kesa sa akin." Kibit balikat nitong sagot at muling inabot ng babae ang mga barya. Literal naman na napa awang ang mga bibig ng ibang pasahero sa inakto ng babae. Parang hindi kasi nito alintana ang panganib ng sitwasyon. Habang si Troy naman ay nakangising napatitig sa babae. Walang utak pero may pagka sira ang ulo. Tila ba na aaliw siya sa kung paano makipag usap ang babae, sabagay ay pabalang din ang sagot nito sa kaniya noon kaya hindi na siya dapat na gulat. "Ano kukunin mo ba? May bente pesos rin lahat ng 'yan." Pigil na pigil naman si Troy sa pag tawa ng kuhanin ng babae ang kamay ng holdaper at inabot pa talaga nito ang mga barya. Mas malaki pa baon ng mga estudyante sa pera niya. Kung natutuwa si Troy ay na iinis naman ang mga holdaper kaya imbis na sa kaniya nakatutok ang kutsilyo ay ibinaling iyon sa babae. "Cellphone. Nasaan ang cellphone mo?" Inis at galit na tanong ng holdaper. "Wala akong cellphone." Seryoso? Wala siyang cellphone? Tao ba siya? Unggoy nga ngayon nag ce-cellphone na, siya pa kaya? Tipid na sagot ng babae na kina awang ng bibig ng holdaper. Sino ba naman ang wala pang cellphone sa mga panahon ngayon, kahit nga gradeschool ay may di-keypad na cellphone. "Ginagago mo talaga ako noh!" Nagulat na lang 'yung babae ng inis na hablutin ng holdaper ang bag niya kaya pilit itong nakipag agawan. "Ayoko nga!" "Ibigay mo sabi!" "A-YO-KO!" Ngunit higit na mas malakas ang lalaki kaya naman na agaw iyon mula sa kaniya at nang akmang babawiin niya ito ay tinutukan pa siya ng isang holdaper ng baril. "Akala mo maloloko mo kami. Tignan natin kung anong tinatago mo sa bag." Nakangisi pang sabi nito. Napakagat labi naman ang babae sa inis at tila ba nag titimpi siya sa mga sira ulong holdaper. Kalma lang, holdaper lang sila. Inhale... Exhale.. Inhale.. exha-- "Huw--" Napa awang ang bibig ng babae at nag init ang magkabila niyang pisngi ng itaktak ng lalaki ang bag niya. Halos bumulalas naman sa tawa ang ibang pasahero ng makita ang nahulog sa loob ng bag. Bwisit! Puro itim na panty. No doubt, black din ang suot niya ngayon. Tuwang tuwa ang kalooban ni Troy sa nakikita na para bang sinusukat niya pa sa isip kung gaano kalapad ang p********e nito, ayon sa sukat ng itim nitong panty. Napapakanta pa si Troy ng bikini mong itim sa isip niya habang salitan ang tingin niya sa babae at sa panty nitong nakakalat sa may sahig. "Haaaay! Sinabi 'ko na. Wala akong cellphone at iyang bente pesos lang meron ako." Ano bang ginagawa niya? Hindi niya ba alam na lalo niya lang ginagalit ang mga holdaper. Tss! Naiiling na lang si Troy, mukha kasing nakikipag talo pa ang babae sa mga holdaper at ginagawang biro ang sitwasyon nila. Natigilan naman si Troy at napakunot pa ang noo nito ng mapansin na malikot ang kamay ng babae. Doon niya lang na pansin na nag te-text ang babae na siyang kinangisi ni Troy. Tss! Mautak din naman pala siya. Ang totoo ay kanina pa nakapag padala ng text ang babae sa pulis kaya hindi ito kinakabahan kaso ay mukhang napikon na nito ang holdaper kaya nasapok siya nito sa mukha. "Babae 'yan gago!" Nag init ang ulo ni Troy sa ginawa ng holdaper sa babae kaya nanlaban siya pero sa huli ay na suntok siya nito. Hindi niya gusto makakita ng babaeng sinasaktan, pinapaligaya niya nga ang mga ito kaya walang karapatan ang iba na manakit ng babae. "Tara na, hayaan mo na 'yan." Utos ng isa pang holdaper at akmang aalis na ang mga ito ng may mapansin silang kuminang na bagay mula sa pusa. Napangisi pa ito at napatitig sa kwintas na suot ng isang puting pusa. "Jackpot! Ginto 'to." Isa iyong tunay na ginto at may nameplate iyon kung saan ay nakasulat ang pangalan ng pusa. Wala man silang na pala sa babae ay mukhang jackpot naman sila sa alaga nitong pusa. Kukuhanin na sana nila ang kwintas sa pusa ng tapikin ng babae ang kamay nito. "Huwag siya!" "Hindi kami interesado sa pusa, 'yung alahas ang gusto namin." Nakangising sabi nito sa babae at akmang hahablutin nito ang kwintas ng pusa ng tumalim ang mata ng babae at mabilis niyang pinilipit ang braso ng lalaki na dahilan ng pag sigaw nito. "Aaaaahh!" Nagtilian ang mga pasahero at nanlalaki naman ang mata ni Troy sa gulat ng makita ang ginawa ng babae. Akma pang babarilin ng isang holdaper ang babae ng mabilis na tinabig ng babae ang kamay nito kaya naman pumutok iyon sa may ere na kinalakas ng hiyaw ng ibang pasahero. Huminto na rin ang jeep at tila ba nag kagulo ang mga sakay nito pero hindi natinag ang babae ng tadyakan niya pa sa sikmura ang holdaper sa harapan habang pilit niyang pinipilit ang braso ng isa pang holdaper. Sumisigaw na bumaba ang mga pasahero at driver ng jeep habang si Troy ay na iwang tulala sa loob. Hindi nito malaman kung tatakbo rin ba siya pababa o tutulungan ang babae na mukhang mas malakas pa sa kaniya. "Bwisit! Suntukin mo!" Utos sa kaniya nito at parang gulat na gulat niyang nilingon ang babae. "H-huh?" "Suntu--" Biglang nayanig ang pandinig ni Troy ng bigla na lang dumapo sa mukha niya ang kamao ng isang lalaki. Doon niya lang napag tanto na nakikipag buno pa rin ang babae sa mga holdaper. Gigil na gumanti ng suntok si Troy sa isang holdaper, naiinis siya dahil sa sinuntok siya ulit nito. Nangangamba si Troy na baka masira ang natural glass skin niya kaya hindi siya tumigil sa kakasuntok sa gagong holdaper hanggang sa maligo na iyon sa sariling dugo. Sa kabilang banda ay tumalon ang pusa sa isang holdaper at tila tinulungan nito ang babae na kasalukuyang nakikipag agawan sa baril. Ilang beses iyong pumutok at laking pasasalamat ng babae dahil nakatutok iyon sa ere. "Meow~" Iyak ng pusa ng matabig ito ng lalaki at kina init ng ulo ng babae. "IKAW! WALA KANG KARAPATANG SAKTAN SIYA!" Sa inis ng babae ay buong lakas niyang sinuntok ang holdaper dahilan para makatulog ito. Hinihingal niya namang niyakap ang pusa at naka awang ang bibig ni Troy na nakatingin sa kaniya. Bwisit! Sabi na nga iwasan na pagiging war freak. Nakaramdam ng hiya ang babae sa titig ni Troy kaya isa isa niya ng pinulot ang panty sa sahig at ibinalik iyon sa bag. Nang matapos ay alanganin siyang ngumiti kay Troy at nag excuse pa ito habang bumababa ng jeep at pa simpleng ibinalik ng babae ang cellphone na pag ma-may ari ni Troy. Hindi iyon sa kaniya, dinukot niya lang iyon sa bulsa ni Troy para makapag text sa mga pulis at makahingi ng tulong pero wala siyang intensyon na nakawin iyon. "Ah, muntik ka na." Bulong ng babae sa pusa habang hinihimas niya ito at nag simula ng mag lakad palayo kasabay naman nun ay dumating na ang mga pulis kaya mas binilisan pa ng babae ang paglalakad. Hindi niya gusto gumawa at sumabit sa gulo dahil iyon ang bilin sa kaniya ng isang taong naging malapit sa kaniya pero hindi rin nito mapapalagpasan na apihin ang alaga niyang pusa at makuha nito ang nag iisang alaala niya sa taong iyon. Napansin naman ng babae na may nakasunod sa kaniya kaya agad itong napahinto at nag tatakang tinignan ang lalaki. "Anong kailangan mo?" "Ah, ano k-kasi-" Tang ina! Bakit na uutal ako bigla? Hindi naman kasi siya na uutal sa tuwing may ka-usap na babae, sila pa nga ang kinakabahan at na iihi sa kilig makita pa lang ang isang Orange Troy Sarmiento pero iba talaga ang epekto sa kaniya ng kaharap na babae. "Pre' si Troy ba 'yun?" "Nasaan?" "Ayun oh!" "Oh s**t!" Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Troy ng makita ang dalawang lalaki na matagal niya ng tinataguan. Kasama niya ang mga iyon noon sa club at ayaw niya na ulit ma-involve sa mga ito kaya mabilis siyang tumalikod ng ma alala na hindi niya na pakakawalan 'yung babae. Nag tataka naman 'yung babae ng bigla na lang siya ulit harapin ni Troy na siyang na tigilan sa pag takbo. "B--Hoy! Saan mo 'ko dadalhin!?" Bulyaw nito sa kaniya ng walang pa sabing hinila ni Troy ang kamay ng babae at sabay silang tumakbo ng mabilis. Nag protesta ito sa ginawa ni Troy at hindi malaman kung bakit siya nito kinakaladkad pero mas naguguluhan siya kung bakit sila hinahabol ng mga lalaki. "Bwisit! Aabutan ka na nila." Napakagat na lang sa ibabang labi ito ng mapalingon sa likuran na patuloy pa rin ang dalawang lalaki sa pag habol sa kanila at malapit na silang abutan ng mga ito. Dama naman nila ang pagod at walang paki alam sa mga nakakabunggo nila at sa mga nasisira nilang paninda. "Aabutan nila TAYO, hindi lang ako." Sagot naman ni Troy na nag hahanap ng ibang malulusutan para matakasan ang mga humahabol sa kanila. "Hindi 'ko sila kilala at ikaw lang target nila. Bitawan mo na nga ako!" Inis na ito dahil minumura na sila ng mga tindera at tindero na dinadaanan nila at nasisira nila ang mga paninda. Lumusot na kasi sila sa mga may prutas at gulay kung saan ay naaapakan pa nila ang ilan sa mga ito. "Hoy tumigil kayo! Bayaran niyo 'to!" "PASENSYA NA PO!" Sigaw pabalik ng babae sa mga nadadaanan nila pero mukhang hindi nakukuha sa sorry ang mga ito at nadagdagan pa ang mga humahabol sa kanila. "Aissst! Dumami na sila! Wala ka bang ibang plano kung hindi mag marathon?" "Meron." Napangisi si Troy ng makita ang sasalubungin nilang daan at napatingin doon ang babae na tila hindi makapaniwala. "H-hindi-- Hindi! Hindi!" Sinubukan nitong bumitaw sa kamay ni Troy pero mas humigpit ang kapit nito sa kaniya. "HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY!" "TALON!" Halos sabay na sigaw nila at sabay na tumalon sa may tubig kung saan ay napabitaw sila sa kamay ng isa't isa. Habol hininga naman ang babae at pilit na inaahon ang ulo nito sa may tubig para makakuha ng hangin. Bwisit! Ang bucket list 'ko! Singhal nito sa isip ng maramdaman nito ang kakulangan sa hangin at pang hihina na siyang naging dahilan ng pag lubog nito sa tubig pero bago ito tuluyan mawalan ng ulirat ay nakita niya pa ang kasamang lalaki na nakangising lumalangoy patungo sa kaniya at sa pag lapit nito ay tuluyan ng inangkin ni Troy ang mga labi niya para suportahan ang hangin sa katawan niya. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nito at sa pangalawang pagkakataon ay may nag nakaw ulit ng halik sa isang Raine Caydence Guevara. _____ SNS Account: FB Account: Ash Sandejas Twitter: CreepyPervy Wattpad: CreepyPervy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD