Tutor hunting
"Mom, please help me! I don't know what to do now! mamamatay ata ako kakaisip. Humingi na ako ng tulong kay Tito George pero nakalimutan niya na daw."
Pagrereklamo ko kay mommy na nasa kabilang linya.
Hayop na math to! Ba't pa kasi kailangan ko tong itake ha?
Humingi na din ako ng tulong sa mga kaklase ko dati nung highschool na stem ang strand sa senior high kaso ayaw din nila kasi nahihirapan din daw sila dati.
Sabado ngayon at namomoblema ako makalipas ang isang linggong pag- aaral sa online class. Real talk lang nahihirapan talaga ako kasi yung attention span ko kasing liit ng boobs ng anak ng kasambahay namin. Dagdagan pa na architecture is not related sa humss strand ko nung shs. Ang swerte lang ng iba kung kaklase at wala silang precal this sem!
Haynako!
"Anak, chill ka lang okay? don't stress too much. Mygosh! Do you want to have wrinkles? Oh no darling, please take care of your beautiful face like mommy." Sabi niya habang nakatingin sa salamin, ini-examine ang mukha niya.
Nakakainis, ang relax niya sa cam ta's ang anak niya eto mukhang natatae sa kabilang linya.
I live in manila and studied there but because of what's happening in the world right now, my family decided to let me go home in our province which is in Mindanao, where I am right now. I also agreed with their decision since less lang ang cases sa province namin na may covid so it's safer there and I can't also just go out and hangout with friends in manila because it is prohibited and classes are going online so I agreed with their decision.
"Mom, please I need tutor." Pagmamakaawa ko.
" Okay, we'll get you a tutor. I will chat your Tito George para samahan ka maghanap."
Nagpaalam na si mom dahil may lakad pa daw sila ni tita. Magshoshopping na naman yun for sure.
Few minutes after ay may kumatok na sa kwarto ko.
"Ma'am Tash nandyan na po si sir George, hinahanap ka", sabi ng kasambahay namin sa labas ng pintuan.
"Okay, I'm coming!" Sigaw ko.
Walang pag-aalinlangan ay agad na akong nagbihis at lumabas ng kwarto upang salubungin si tito.
"Hello darling, how are you?"
Nakangiting bati ni Tito George sakin habang tinatanaw ako pababa ng stairs. Agad akong lumapit sa kanya at yumakap.
"I'm very fine and pretty Tito." Biro ko sabay kindat.
"Ofcourse darling, you always been the prettiest", kurot niya sa pisngi ko.
"But I heard that you needed some help? hmm?" He put his finger on the lower part of his lips like he's thinking.
"Ummm, kind of... tito... hehe" Sabay yuko dahil nahihiya umamin.
"Okay then, we'll make solution to your problem! I have a friend in college before and he was so good in math. He's an engineer now." Proud niyang sabi.
Bigla akong tumingin kay tito, nanlalaki ang mata sa tuwa
"Really tito? Oh myyyy thank youuu!" Yung ngiti ko abot hanggang tenga. Agad ko siyang niyakap.
"A-hahaha you're too cute darling." Sinuklian niya ang yakap ko.
"So let's go?". Sabay bitiw niya sa yakap.
"Yes, tito let' do this!" Tinaas ko ang dalawa kong kamay.
Sabay kaming lumabas ng bahay at nandun na mismo sa harapan nakapark ang puting ranger ni tito. Agad akong binuksan ng pintuan ni tito bago siya umikot papunta sa driver's seat.
Mabilis lang ang byahe namin kasi hindi naman masyadong malayo ang bahay nung friend ni tito kaya agad kaming nakarating. Nung nagstop na ang sasakyan sa tapat ng gate ay agad na akong lumabas at ganun din si tito.
The house is an industrial design. Malaki ang bahay nila at siguro nasa tatlo o apat na palapag. It's so contrast to ours na white and browns ang colors. Our mansion is an italian architecture inspired with a fountain that has human figures where the water flows in the middle of our facade.
"Ay sir George good morning po."
Pinagbuksan kami ng kasambahay.
"Yes, good morning too nandyan ba si Ariel?"
"Ah opo nasa office niya po. Pasok po kayo at ipapaalam ko kay sir na nandito kayo."
Pagkapasok namin ay sakto naman ang paglitaw ng isang lalaking kasing edad ni tito.
"Oy pare! what's up?" Salubong ng lalaki kay tito sabay appear.
"Yes pare!" sabi ni tito sabay appear sa kanyang kaibigan.
Magkasing tangkad lang sila ni tito. They almost have the same features. The only difference is that Ariel's head doesn't have a hair.
Kalbong inhenyero.
Natawa ako sa salitang naisip.
"May ipapakiusap sana ako tungkol dito sa pamangkin ko sana."
"Ah sige dito tayo sa terrace mag-usap." Nilahad niya samin ang papuntang foyer.
"Upo kayo." Aning lalaki ng nasa malaking balcony na nila kami.
"Manang maglagay ka nga ng snacks dito." Lumapit ang isang babaeng nakakulay grey na uniform.
"So what is it about again pare?" Baling niya samin pagkatapos utusan ang kasambahay.
"My pamangkin need some help with her math subject." Sabay tingin sakin.
Napabaling ng tingin sakin ang kaibigan ni tito.
Tipid akong ngumiti sa lalaki na a-awkward sa masuri niyang tingin sakin.
"Oh wait... is this Grey's daughter?" Kunot noo niyang sabi. Tila sinusuri akong mabuti.
"Yes, Ariel. She is your crush's daughter." Naghahamong sabi ni tito, pinipigilan ang tawa.
"A-ha-ha-ha I see... You are so beautiful iha." Puri niya sakin, 'di pinatulan ang biro ni tito.
"You mean like her mother?" Mapanuksong tukso ni tito. Sinipat siya ng lalaki at inignora ang sinabi.
"I am your tito Ariel." Sabay lahad niya ng kamay sakin.
"Ah hello po... tito Ariel. I am Tasha." Ngiti ko sabay tanggap sa kamay niya.
"Bakit ka ba nahihirapan iha?" sa malumanay na boses.
"Ah because tito Ariel... I am a humss student and I don't have precalculus way back. The math that I only took was genmath. I'm really having a hard time understanding it."
Nag-recall sa utak ko yung one week na diniscuss sa zoom ay parang guguho na ang ulo ko dahil sa kalituhan.
"To be honest with you tito, I really don't understand math in general. Tinutulugan ko nga lang yun since elementary up until shs eh." Pabulong ang huling mga salita.
Too much of being ashamed with my kalokohan ha?
"As much as I wanted to help iha, I'm sorry but I am kind of busy because I have many projects in other countries. Actually tomorrow I have a flight to dubai and I can't go home quickly because of the situation we have right now."
"Oh." Napayuko ako.
Kung kanina'y parang naulanan ng biyaya sa sobrang pag-asa ngayon naman ay parang nabagsakan ng kamalasan.
"But don't worry iha, I know someone who is free and can really help you. He is so intelligent iha, hindi ka mabibigo." Pangungumbinsi ni tito Ariel na para bang winawala ang kalungkutan ko.
Ngumiti lamang ako sa kanya.
Hindi na ako aasa ngayon at hindi na mag- eexpect pa ng kahit ano. Takot na mapalitan na naman ng kalungkutan ang masayang nadarama.
Sinabi ni tito Ariel kay tito George ang detalye at kung saan ang bahay nung nirekomenda niya. Hindi na ako nakinig at tinuon ko nalang ang aking atensyon sa view ng kanilang bahay.