Ice
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay na gawa sa kahoy na may madaming halaman sa bakuran. Siguro mga 20 mins ang byahe papunta dito kasi may pagkamalayo na to sa syudad talaga at wala namang traffic dito sa province. Kung sa manila siguro ito ay aabutin ka talaga ng isang oras o mahigit pa.
Mula sa bahay ay lumingon ako kay tito habang nasa loob pa kami ng sasakyan. "Tito, where are we?"
"Ah darling, dito nakatira yung sinasabi ni tito Ariel na tutor mo."
Tumango nalang ako kahit walang natandaan sa sinabi ni tito Ariel kasi 'di naman na ako nakinig kanina. Tumingin ako pakanan tanaw ang bahay. Simple lang ito at halos lahat ng materyales ay gawa sa kahoy ngunit kahit gawa sa kahoy at ordinaryong bahay lang talaga ito ay makikita mo naman ang kalinisan nito. Ang bakuran na punong-puno ng namumukadkad na mga bulaklak ay nakaka-ingganyong tingnan. It's like a ghibli house!
"Let's go iha?" Tumunog ang pintuan ng driver seat hudyat na lumabas na si tito kaya't napagpasyahan ko na din na lumabas.
"Tao po." Nakabukas na ang pintuan ng bahay kaya 'di na kailangan pang kumatok.
Nakatatlong tao po si tito bago may lumabas na babae. Isang maputi at napakahinhin na babae ang bumungad sa amin. Hula ko kasing edad ito ni tito.
"Sino po sila?" Napakalumanay ng boses niya.
Kung sa isang mall mo siya nakita ay masasabi mong isa siyang anak ng CEO o kaya'y galing sa marangyang pamilya dahil sa kanyang kutis na kasingputi ng kanyang suot na bistida, matangos na ilong, at mapupulang labi. When you look into her eyes, it's a combination of brown and a little green depende sa araw na sumisinag dito.
How can someone be this beautiful? may skincare kaya siya? or does she go to aivee clinic? She can even pass in modeling industry!
"Ah,ikaw pala yan George... anong sadya mo at naparito ka?" Ngiti niya kay tito.
She knows him?
"Ah oo... ah i-ikaw pala yan Lilia. Dito ka pala nakatira?" Utal na sabi ni tito tila di mapakali.
Ba't may pag-utal tito?
"Eto nga pala ang pamangkin kong si Tasha. Tasha, tita Lilia" Sabay tingin sa akin.
Bumaling sa akin ang babae.
Nginitian niya ako. "Masyadong banyaga naman ang tita, tawagin mo nalang akong Nanay Lilia."
Naglahad siya ng kamay kaya't tinanggap ko ito.
"Tasha po...Na-nay Lilia." Sinuklian ko siya ng matamis na ngiti.
" Ah oo lumipat na kami ng tirahan. Ano ang sadya niyo rito at pano niyo nalaman ang bahay namin?" Aniya kay tito.
"Si Ariel ang nagturo samin papunta rito kasi itong pamangkin ko magpapatutor sana sa math subject niya. Dito ba nakatira si Is... a- hays? Hice ata yun?" Nagkamot ng ulo si tito.
"Hice?...
Ah baka Ice?" Sabi ni Nanay Lilia.
"Ah oo yun nga Ice. Ice pala yun ha-ha. Anyway, dito ba siya nakatira?"
Ice? As in malamig na matigas? Ang weird naman na name nun para sa isang lalaki na kasing edad ni tito.
Tito Ice? Sir Ice? Kuya Ice?
weird.
"Oo dito nga, pasok kayo at tatawagin ko lang." Iginiya niya kami sa isang maliit na sala. May upuan na kahoy na kasya ang apat na tao, may dalawang single chair sa bawat gilid nito, at may maliit na lamesa sa gitna na gawa din sa kahoy.
Sinuri ko ang buong bahay at isa lang ang nakita kong picture frame medyo malayo sa inuupuan ko ngunit makikita parin naman iyon. Isang nakangiting napakagandang babae habang bitbit ang isang batang nakanguso ang bibig tila aamba ng halik sa babaeng nakahawak sa kanya. They look so genuinely happy.
"Sila yung naghahanap sayo. Si George kakilala ko dati at ang pamangkin niya" Sabi ni Nanay Lilia sabay turo sa amin.
Mula sa picture frame ay napabaling ako kay tito na tumayo kaya't tumayo na din ako. Sinundan ko ang kung saan nakatingin si tito.
"Just call me Tito Geor..."
Galing sa kamay ni Tito ay tumingin ako sa kinamayan niyang kamay pataas sa mukha nito. Dahan- dahang umawang ang labi ko. Naging parang bula ang lahat ng ingay sa paligid.
Makapal na kilay, madilim na mga mata na syang nagpapamisteryuso, matangos na ilong, mapupulang labi, at ang pangang perpekto. Napatingin ako ulit sa kanyang mga labi. Napalunok ako.
Tumikhim siya.
"Iha?"
Galing sa kanyang mga labi ay lumipad ang aking mga mata sa kanyang mga mata. Seryuso at nagkasalubong ang dalawang kilay nito.
"Darling? Iha?" Walang pag- alinlangan ay napabalik ako sa aking huwesyo.
"A-ah... ye-yes tito?" Sinabayan ko ito ng ngiti upang 'di mahalata ang kanina'y nakakahiyang asal.
"Are you alright?" Pag-aalalang tanong ni tito.
"Ofcourse tito!" I immediately answered.
"Okay, anyway as I was saying..."
Napabuntong hininga ako. Muntik na yun ah!
"Iha this is Ice, your tutor."
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan at agad din namang bumaling kay tito, ayaw ng tumingin ulit.
Shet natutulala talaga ako. It's like I'm drowning in his eyes.
"I also didn't expect that your tutor would be this young, Iha a-ha-haha" Sagot niya sakin sa pag- aakalang kaya ako tumingin sa kanya ay dahil nagtataka ako about sa tutor ko.
Well, I lowkey didn't expect it too! I thought it would be tito's ka level!
"Hi, I'm Ice." Pareho kaming napatingin ni tito sa biglang nagsalita. Napatalon pa ako ng slight sa gulat.
Damn, that deep voice though.
Napatingin ako sa nakahilera niyang kamay, nag- aantay na tanggapin ko.
Dahan- dahan kung inangat ang aking kamay na nanginginig pa kaya't nung nahawakan ko na ang kamay niya'y agad na akong bumitaw. Wala man lang 1 minute ata yun.
Shet kumalma ka atashallaine at mababatukan na talaga kita!
Bumalik na kami sa inuupuan namin kanina at pinag- usapan na ang negosasyon tungkol sa pag tu-tutor sakin. Ako naman ay panay tango at pekeng ngiti lang ang ginagawa kahit 'di na nasusundan ang pinag- usapan. Bahala na si tito.
Ayuko talagang tumingin sa kanya kasi ewan ko ba yung puso ko kumakabog ng malakas lalo na pag nakatingin din siya sakin.
Pagkatapos ng ilang minutong pag- uusap na wala akong ideya sa napag- usapan ay iginiya na kami papuntang labasan. Papalubog na din kasi ang araw.
"Thank you so much for accommodating us Lilia, at pasensya na sa abala." Ani tito.
"Nako George walang problema iyon, ako nga dapat ang hihingi ng pasensya dahil 'di ko man lang kayo naalok ng meryenda kanina habang naghihintay." Lumipat ang tingin ni Nanay Lilia sakin galing kay tito. Nginitian niya ako. Tipid din akong ngumiti sa kanya ngunit ang mapanlinlang kung mga mata ay lumipat pa talaga ng tingin sa katabi. Nakatitig na siya sa akin. Agad akong yumuko at tinutok nalang ang mga mata sa paanan.
Shit.
"Sige, we'll go ahead na Lilia, thank you again. Ice..." Tumingin si tito kay Ice sabay ngiti at tumango naman ito kay tito at tipid na ngumiti.
Walang pag- aalinlangan akong nangunang maglakad ng 'di tumitingin pabalik sa may pintuan kung saan sila nakatayo. Nang nasa tapat na ako ng kotse ay huminto ako sa paglalakad habang si tito ay umikot na papuntang driver's seat. Narinig kung tumunog ang pintuan ng driver's seat hudyat na pumasok na si tito. Nakatayo pa 'din ako. Nang napansin kung aambang bubukas ulit ang driver's seat ay agad ko nang iniling ang ulo ko at binuksan na ang pintuan ng ranger upang makapasok.
"Next time na nga lang." Bulong ko sa sarili.
Ano ba tong iniisip ko.
Mula sa sasakyan ay tumingin ako sa bintana tanaw ang kanina'y iniiwasan. Wala na si Nanay Lilia ngunit nanatili parin siyang nakatayo habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa, tinatanaw ang kotse namin. Muling bumilis ang pintig ng puso ko.
Damn
How could someone be this attractive and can make me feel this way?