2.
"Finally found you, wife."
Alam kong hindi ako ang 'wife' na tinutukoy niya kaya naman napag-pasyahan kong wag nalang siyang pansinin at pumasok nalang ng school. Kasi the last time I remember mali ang hinala ko kaya baka mapahiya lang ulit ako.
Paano kaya sila nakakahanap ng oras para sa mga love life nila? Sa trabaho palang ay kulang na kulang na ako, kung idadagdag ko pa ang love life ay baka wala na akong tulog. Sana all nalang.
"Where are you going?"
Natigilan ako sa pag lalakad ng may humawak sa braso ko. Kagabi pa ako nadadamay sa mga bagay na wala naman akong kinalaman. Paglingon ko ay si kissable lips nanaman. Oo kissable lips, parang ang sarap kagatin sa sobrang pula eh. Dinaig pa akong babae. -3-
"Excuse me? Hindi kita kilala." feeling close naman kasi. Hindi porket tinulungan ko siya kagabi ay lalapitan nalang niya ako tuwing makikita niya ako kung saan-saang lugar.
"Come on wife."
Bahagya pa niya akong kinunutan at iginawi ang mukha sa gilid kaya napatingin ako sa bandang likuran niya. Napansin ko ang tatlong lalaki at isang babae na parang pinagmamasdan ang ginagawa namin. Mukhang kanina pa sila roon.
Lumingon ako kay kissable lips at napataas ang kilay ko dahil baka may masabi akong hindi niya magustuhan at bigla akong sugurin ng mga kasama niya. Kung sana babayaran niya ako kagaya ng sinasabi niya kagabi pero wala naman akong natanggap na call or text kagabi maliban ngayong umaga.
"I won't do it again, okay!? So stop f*****g ignoring my f*****g calls and texts! You're f*****g making me worried!"
Gusto ko siyang suntukin dahil bigla-bigla nalang siyang sumisigaw. Ang dami pang mura ang binibigay niya sakin at lalong hindi niya kailangang sumigaw dahil magkalapit lang kami. Kung gusto niyang mag-eskandalo sana sa ibang lugar nalang at hindi sakin dahil wala naman akong ginagawang masama.
"Sorry?" Ano bang gusto niya? Nananahimik ako rito tapos bigla nalang siyang tatawag at lalapitan ako para tawaging wife? Bungol ba toh?
"Just f*****g act like my f*****g girlfriend. I'll pay you." mariin at pabulong na wika niya.
Kagabi pa niya nababanggit ang pagbabayad pero wala naman. Scammer.
Kung nakakayaman lang pagmumura bilyunaryo na siguro siya pero sabagay mayaman naman siya. Baka myembro siya ng cursing society? Meron bang ganun? Ang corny ko.
Hindi naman ako myembro ng 911 emergency, bakit sakin siya lagi humihingi ng tulong, nako naman. Napabuntong hininga nalang ako.
"Umuwi ka na at magpahinga saka na tayo mag-usap and please, stop calling me wife. Hindi tayo kasal."
Hindi ako marunong umarte kaya sana effective. Sa konti ng dumaraang estudyante bakit kasi ay ako pa. Gwapo naman siya kaya siguradong maraming gugustuhing umarte para sakaniya baka nga may mag volunteer pa.
"How can I? when your f*****g mad! And your my f*****g wife so stop f*****g denying to anyone that I'm not your f*****g husband."
Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Ang pinaka ayoko talaga ay yung nagmumura. Tusukin ko kaya yung pasa niya para magtigil siya kakamura. Kagabi pa toh eh.
"Lasing ka pa ata. Saka mo na'ko kausapin pag marunong kanang magsalita ng walang f*****g. And If I'm your wife, bakit hindi mo yan sabihin sa babaeng kasama mo kagabi."
Kita ko kung pano nagbago ang expression ng muka niya hahahaha. Ano ka ngayon? Act pala ha? Sige pag bibigyan kita.
Lumingon ako sa mga kasamahan niya. Tutal ginusto niya to lulubos-lubusin ko na. Bahala siyang magalit, siya naman ang humingi ng pabor.
"Paki-uwi na toh. Pakainin niyo dahil hindi pa yan kumakain. Kung ayaw pa rin niya ay pakidala nalang siya sa babae niya at ipaalaga niyo roon."
Tinapunan ko pa ng huling tingin si kissable lips bago ako tumakbo paloob ng school. Baka kasi pag nagtagal pa ako roon ay dumami ang mga estudyanteng pumasok. Mag 7 palang naman kaya nakakapagtaka. Pano naman nalaman ni kissable lips na dito at ganitong oras ako papasok?
Weird.
Maagang natapos ang klase ko dahil first day of school palang naman kaya agad akong umuwi para sana umidlip muna tutal mamayang 4:30 pa ang simula ng shift ko sa isang coffee shop hanggang 6:30 tapos sa weekends naman ay 7 am to 6 pm ako dahil sa gabi ay sa restaurant ang trabaho ko whole week yun.
Mahirap noong una pero nasanay na rin ako. Pinag-iipunan ko kasi ang pang-college ko kaya araw-araw kayod. Kailangan ko rin ang pera pambayad ng upa at pangkain ko.
Mag-isa nalang ako sa buhay. Simula ng maghiwalay si mama at papa ay parang bigla nalang din akong nawalan ng mga magulang. Iniwan nila ako kila nanay at tatay sa father side pero ng mag high school ay narinig kong nahihirapan na rin sila kaya naisipan kong bumukod nalang at lumuwas ng Manila sa tulong ng kapit bahay namin sa probinsya. Dati ay dinadalaw nila ako pero ngayong taon ay sa tawag nalang dahil matanda na sila pareho at hirap mag byahe kaya minsan ay ako na ang lumuluwas para hindi sila mapagod. Pinapadalhan ko rin sila minsan para may gastusin din sila. Namimiss ko na sila pero kailangang mag-tiis para sa kinabukasan.
Grade 3 ako ng maghiwalay ang mga magulang ko. Ang sabi sakin dati ni mama, magtratrabaho lang siya at babalikan niya rin ako kila nanay at tatay. Pero ng ilang buwan siyang makaalis at makapag-abroad ay hindi na ulit siya nagparamdam o tumawag man lamang samin.
Maaga akong namulat sa mundong ito. Nagsimula yun ng lagi nag-aaway ang mga magulang ko hanggang sa maghiwalay sila. Nag papasalamat nga ako dahil wala akong kapatid. Hindi dahil ayoko kung hindi dahil para hindi niya maranasan ang walang tumayong mga magulang sa murang edad. Kung may kapatid ako gusto kong maranasan niya ang magkaroon ng may buong pamilya at may maganda siyang kinabukasan.
Hindi ko namalayan ay nakaidlip na pala ako. Pagkagising ko ay hindi na ako naligo dahil malalate na ako sa coffee shop. Malapit lang din siya dito sa tinutuluyan ko at sa Amore kaya mas convenient sakin yun.
Alice Coffee Shop....
"Good Afternoon Scarlett!"
Pagkapasok ko ay ang ngiting-ngiti na si Kuya Josh agad ang bumungad sakin. Maliban sa anak siya ng may-ari ng coffee shop, siya rin ang isa sa mga barista namin. Pareho sila ng mama niya, sobrang bait at winelcome talaga nila ako rito kaya sobrang laking pasasalamat ko dahil kahit papano ay may tumutulong pa rin sakin.
Dati ay nag hahanap ako ng trabaho pero walang kumukuha sakin kasi sobrang bata ko pero ng makita ako ni Ma'am Tricia na basang-basa sa labas ng shop nila ay pinapasok at binigyan ng pamunas at pinakain niya pa ako. Tinanong niya noon kung bakit ako nasa labas ng shop at sinabi kong naghahanap ako trabaho, noong una ay nagdadalawang isip siya kung tutulungan ba niya ako pero ng malaman niyang sarili ko nalang ang inaasahan ko doon niya ako napag pasyahang kunin. Bakas ang awa sa mukha niya ng mga panahong yun at laking pasasalamat ko dahil hanggang ngayon ay dito pa rin ako nagtratrabaho. Mag-aapat na taon na ako rito sa shop at wala pa akong balak umalis dahil wala akong ibang mapapasukan.
"Good afternoon Kuya Josh." nakangiting bati ko rin sakaniya. Sinuot ko muna ang apron at hairnet. Nasa patakaran kasi namin yun dahil baka may buhok na mapunta sa mga pagkain at inumin, idemanda kami.
Ipinangalan daw nila sa namayapang anak ni Ma'am Tricia ang coffee shop. Hindi ko lang alam kung anong ikinamatay, hindi ko na rin tinanong. Chismosa lang ang peg?
"Scarlett dalhin mo 'to dun sa babaeng nakashades. Thanks."
Kinuha ko kaagad yung tray dahil hindi naman ako pwedeng tumanggi. Boss ko pa rin naman si Kuya Josh kahit na katrabaho ko pa siya. Noon Sir ang tawag ko sakaniya pero pinapagalitan niya ako. Tawagin ko nalang daw siyang Kuya Josh.
Bahagya akong napalingon sa left corner dahil doon lang may nakashades. May table names kasi rito which is fruits. Lemon for two tables, Apple for four, Orange naman para sa table sa labas. Nasa lemon ang tinutukoy ni Kuya Josh. Pamilyar ang babae pero hindi ko kilala.
"Here's your strawberry lemon cake and frappuccino with whip cream." Matapos kong ilapag ang orders ay tipid ko nalang siyang nginitian kahit hindi ko alam kung nakatingin siya o hindi.
"Welcome to Alice Coffee Shop."
Nagpatuloy lamang ang trabaho ko hanggang matapos. Binaunan pa ako ng cookies at cake ni Kuya Josh dahil baka masira raw kasi malapit na mag-expired Kahit matagal pa ang expiration ay binibigay niya sakin hinahayaan ko nalang para bawas gastusin.
Natuto ako magbake dahil kay Kuya Josh, minsan ako ang nagbabake sa mga itinitinda namin at nauubos naman bago magsara ang caffe which is 8 ng gabi o kaya sinasabi lang nila dahil hindi ko naman nakikitang nagsasara shop.
Palabas na ako ng shop ng makita ko ang dalawang lalaking kasama ni kissable lips kanina. Bahagya akong napalingon sa lemon section dahil bigla kong naalala ang babaeng kasamahan din nila. Hindi na ako nagulat ng makitang nakalingon ito sa gawi ko. Kanina pa kasi siya nakatingin sakin simula ng pumasok ako rito kahit nakashades siya ay dama ko ang bawat tingin niya.
Ano namang ginagawa nila dito?? Imposibleng pumunta sila rito para sakin. Sa halip na mag-alala ay dumeretsyo na ako patungo sa Amore. Kung ano man ang kailangan nila sakin ay hindi ako sigurado kung meron ba talaga.
Hindi pa ako nakalalayo sa shop ng mapansin kong nasa kabilang daan ang mistisong lalaki, lumingon ako sa likod ko at nakitang nasa hindi kalayuan ang singkit na lalaki kasama ang babaeng akala mo nagfafashion show sa gilid ng kalsada. Suot kasi niya ang Coat na pink tapos naka bootts pa siya with matching LV bag at shades. Sana all fashionista.
Kaya ko naman silang labanang tatlo basta hindi sabay-sabay. Marunong ako ng mag self defense, hindi man ganun kagaling pero pwede na para ipagtangol ko sarili ko. May dala rin akong tools na pwedeng gamitin kung sakali. Sa panahon ngayon delikado kapag hindi ka marunong magself defense masyadong marami ang mapagsamantala kaya mas mabuti ng handa.
Malapit na ako sa restaurant ng mapansin kong wala na sa kabilang kalsada ang mistiso kaya naman tumawid na ako. Parang dalawang kanto ang kailangan mong lakarin pag pupunta ka ng Amore if galing kang Alice.
Matapos kong makatawid ay nilingon ko ang babaeng fashionista kasama na pala nila si mistiso. Nagsiiwas pa sila ng tingin ng lingunin ko sila samantalagang halatang-halata naman sila. Hindi man lang nag-atubilang magsitago para hindi masyadong halata. Napailing nalang ako.
Tsk. Tsk. Tsk.
Mahina.
Nakarating ako sa Amore ng mapayapa. Sana nilapitan nalang nila ako kung may kailangan sila sakin. Hindi naman sila mukhang sindikato. Kung tutuusin mas muka pa akong sindikato sakanila.
Sa kitchen area ako ngayon dahil Monday. Toka ko ang kitchen area tuwing MWF. Nagsimula ako sa pag didispose ng mga tirang pagkain at medyo nakikinig sa reklamo ni Ate Lorna, assistant cook siya rito. Nagrereklamo siya dahil siya ang napapagalitan ng manager kahit si Chef naman daw ang nagluto nun. Close nga sila eh kasi nagagawa na niyang magreklamo mismo kay Chef.
Ang hirap alisan ng sebo ang mga plato at kutsara kaya kailangan ko talagang kuskusin. Ang lalaki pa ng mga kaldero at palayok. Maingat kong hinuhugasan ang bawat gamit dahil kapag nabasag o nasira ko, bawas sa sahod ko yun.
Natigilan ako sa paghuhugas ng nilapitan ako ng manager namin.
"Ikaw ang request na kumuha ng order sa VIP3. Si Ken muna diyan."
Kinuha sakin ni Ken yung sponge at inabot yung pamunas ng kamay. Sino naman ang magrerequest sakin? May ideya ako kung sinong pwede pero bakit?
Hindi na ako nagulat ng madatnan ko ang tatlong pinaghihinalaan ko sa VIP room. Isang hilaw na ngiti ang ibinigay ko bago ko sila tinanong ng order nila.
"Welcome to Amore. May I take your order?" ngunit sa halip na order nila ay isang katahimikan ang ibinigay nila sakin. At dahil nasa trabaho ako, kailangan kong habaan ang pasensya ko. Ilang minuto pa ay nakatingin lang sakin na animoy pinagmamasdan ako.
"I can explain every dish in the menu so you can decide what you'd like to order"
Kinuha ko ang isang menu at iniharap sakanila.
"We have our pastas here. The Bucatini al' Amatriciana which---"
"You're not his girlfriend, are you?"
Pasiring na tanong ni fashionista. Tungkol ba talaga to kay kissable lips? Sana kanina pa nila tinanong hindi yung ng iistorbo sila sa trabaho.
"Sorry but we don't have that on the menu" halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. Isang hilaw na ngiti ulit ang binigay ko pagkatapos ay ibinaba ko ang menu.
"I think you already know what on our menu. Just press the bottom when you already decided what you want to eat."
Umalis kaagad ako at nagtungo sa area ko. Sana lang ay hindi na nila ako I request na magdala ng pagkain nila. Parang tanga lang kasi. Kita nilang nagtratrabaho tapos yun lang itatanong nila? Pero ilang saglit pa ay hindi naman na nila ako tinawag pa. Salamat naman.
Makalipas ang ilang oras na pag kikiskis ng kaldero ay nilapitan ako ni Ken at sinabing request ulit sa VIP3. Inabot pa niya sakin ang isang tray ng pizza order daw nila. Napalingon ako sa orasan at nakitang mag-alas 11 na pala.
Bakit andito pa sila?
I just sighed. Ang sakit na kasi ng mga kamay ko. Ramdam ko na rin ang pagod.
Nagulat ako ng madagdagan madami na sila. Yung hindi nila kasama kanina ay andito na may nadagdag pang dalawang babae at kasama na rin nila si kissable lips na siyang katabi ni fashionista.
Lahat sila ay nakatingin sakin maliban sa dalawang babae na hindi nila kasama kaninang umaga. Halatang tinitignan nila ang kabuoan ko. Siguro ay may dugyot ako tignan ngayon kesa kanina. Inilapag ko nalang sa table nila ang pizza, inayos ko pa dahil puno ang lamesa nila. Mukbang yern??
"Since you request me to take your order, I assume may kailangan po kayo sakin?" isang hilaw na ngiting sambit ko. Hindi ako pwedeng maging rude dahil costumer namin sila.
"Excuse me? We didn't request you." mataray na sabi nung babaeng katabi ni mistiso samantalang ang isa naman ay katabi ni kissable lips na siyang nasa gitna nila fashionista. Pabilog kasi ang lamesa.
Pero agad na kinaway ni singkit ang kamay niya sa babae bilang saway.
"We did Patricia."
Tumango ako at inilabas ang ballpen at maliit na notebook ko mula sa bulsa ng apron ko, baka kasi may order pa sila.
"Do you want anything else Sir?"
"We just want to asked if you are really Matthew's girlfriend, we can't trust Matthew's words. You know." sabay tawa niya.
Tinignan ko siya ng ilang segundo baka kasi nagbibiro lang siya pero napansin kong pati ang mga kasamahan niya ay nakatingin sakin at naghihintay ng sagot.
Seryoso ba sila? Talagang inabala nila ako at pinatawag para lang itanong kung talaga bang girlfriend niya ako?
Hindi ko nga mapigilan ang sarili ko sa pagtawa. Pinang paypay ko pa ang maliit na notebook ko. Kita sa mga taka sa mukha nila dahil sa bigla kong pag tawa.
Si kissable lips naman ay blanko pa ring nakatingin sakin.
Hindi nagtagal ay ang tawa ko napunta sa buntong hininga. At isa-isa silang tinignan hangang sa tumigil ang tingin ko kay Matthew kung yun man ang pangalan niya. Nakasandal siya sa upuan at nakalagay ang kanang kamay sa lamesa samantalagang ang kaliwa ay nasa sandalan ng upuan ni fashionista.
"Pumunta ba talaga kayo rito para lang malaman kung girlfriend niya ako?" hindi makapaniwalang tanong ko at isa-isa ulit silang tinignan.
"We come here to eat. Your just----" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita.
"Then just eat and stop bothering someone who's working." mariin na pagkakasabi ko kay miss fashionista.
Sinamaan naman niya ako ng tingin at isang blankong tingin naman ang ibinigay ko.
"If you don't believe Matthew's words then why bother to asked?" pagpapatuloy ko pa tsaka ako lumingon kay singkit.
"And sana tinanong niyo na yan kaninang sinusundan niyo ako papunta rito. Hindi yung pupunta kayo rito para lang itanong yan. Nakakaistorbo kayo sa trabaho ko. Paniwalaan niyo ang gusto niyong paniwalaan at kung wala na kayong order, then enjoy your meal."
After ng nangyare ay hindi na nila ako pinatawag pa. Wala na rin akong pakealam.
Pagkatapos ng shift ko ay para akong binubog. Ang sakit ng likod at mga braso ko. Ramdam na ramdam ko ang pagod ko. Pero siguradong mas pagod sila Ken dahil nag-overtime sila, sila ang magsasara ng restaurant which means sila ang mag lilinis ng buong restaurant. Iniisip ko palang ang gagawin nila ay napapagod na ako.
Nagugutom na rin ako pero itutulog ko nalang. Bukas nalang ako kakain.
Habang naglalakad ay ini-stretch ko ang kamay at balikat ko. Para akong nag-gym. -.-
Napatingala ako dahil medyo maliwanag at hindi ko maiwasang mapangiti.
Hi there luv. ^_^
Malapit na mag full moon. Sabi sakin dati ni mama pwede ka raw mag wish tuwing full moon. Ewan ko ba kung saan napulot ni mama yun kasi diba sa shooting star lang naman ata pwede mag wish. Pero nag-wiwish pa rin ako tuwing full moon.
Napatingin ako sa club ng makarinig ng tawanan galing doon. Kung minamalas ka nga naman.
Sila na naman.
Kinuha ko ang earphone gamit ang isang kamay ko dahil ang kabila ay hawak ang mga cookies na bigay ni Kuya Josh. Ikinabit ko lang sa tenga ko ang earphone pero hindi na ako nagplay ng music.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sila naman ay nagtatawanang patungo sa parking lot.
Napatingin ako kay Matthew. He's not laughing like the others instead he looked bored. He wasn't even smiling. The others looked like they are having fun while him, he looked unhappy.
Well, don't judge a book by its cover sabi nga nila. Baka masaya naman siya hindi lang halata.
Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla siyang mapalingon sa gawi ko at mag salubong ang mga mata naman.
Bumagal ang paglalakad niya hangang sa hindi na niya kasabay ang mga kasama niya. Para kaming ewan na nakatingin sa isa't-isa.
His black eyes looked blank. I can't read him at all. There's no emotion in his eyes.
Ang mga mata palang niya ay mukha ng mapanganib.
Nagawa ko siyang pagmasdan ng buo.
His wearing a black wrist watch on his left hand and a black suit with his loosen tie and his messy black hair. Wala na rin ang benda sa noo niya pero may mga gasgas at putok pa rin ang labi niya.
Buti hindi sumasakit ang mga galos niya? Halatang fresh pa ang mga ito.
Hindi ba siya nadala at pumunta pa siya rito. Baka makita ulit siya ng mga bumugbog sakaniya? Well may kasama naman siya.
He looked more descent now than last night but still looked like a mess.
Ilang metro lang ang layo niya sakin ng tumigil siya sa pag lalakad. Bago pa siya mapansin ng mga kasama niya ay agad akong tumahak papunta sa eskinita at hindi na ulit siya nilingon.
Ayoko ng madamay sa kahit na anong gulo.
Lalong-lalo na kapag involve si Matthew dito. Dahil mukhang delikado.
-------------------------------------
Please support me :^
-gymrs