4.
"Where the f**k is she!!?"
"I don't know! You were the one who's behind her!"
"Find her!! Why the f**k she run so fast damn it!!"
"I'll go to find her somewhere else."
Pinigilan ko ang sarili kong makalikha ng ingay dahil nasa labas lang sila mismo ng box na pinag tataguan ko. Buti nalang walang laman na basura. Babaho ako kung sakali.
Ipinag-papasalamat ko talaga na runner ako simula bata.
Ano bang kailangan nila sakin? Yung pera ba na pinadala? Hindi ko naman ninakaw yun! Naasar.
Narinig ko ang mga yabag nila paalis pero hindi agad ako lumabas. Baka kasi biglang bumalik. Ilang minuto ng wala akong marinig mula sa labas maliban sa mga nagdarang sasakyan.
Sinilip ko muna bago ako lumabas. Hindi ko alam pano ako pupunta ng resto. Baka kasi nakaabang sila. Sa likod nalang siguro ako dadaan pero need ko pa rin dumaan sa gilid ng resto sa harap!
Kaasar naman oh.
Mabuti nalang at alam ko na ang pasikot-sikot dito. Napalayo tuloy ako dahil sa daming eskinitang daraanan.
Dumirestyo akong apartment ko para ibaba ang mga gamit ko. Pati phone ko ay iniwan ko na para wala akong maiwan pag-uuwi nako.
Pag labas ko ay tumakbo agad ako hanggang sa makarating ako ng resto sa kabilang kainan ay nakita ko ang ilan sa sakanila pero bago pa sila makatawid ay nakapasok nako sa daan papunta sa likod ng resto.
Bakit ba sila andito?
Pero bakit ko sila tinatakbuhan?
Ang gulo naman.
Iwinaksi ko muna sa isip ko yun at nagfocus sa trabaho. Konti lang ang customer.
Papasok na sana ako ng kusina ng marinig ko na may pumasok kaya naman nilingkn ko agad pero agad ding natigilan ng makita kung sino ito.
Kita ko ang ngisi sa mga pagmumukha nila ng makiga nila ako, well maliban kay boss bar at si kissable lips na masama ata ang timpla.
Pansin ko na puro lang sila lalaki.
Kita kong nagtatawag na sila para mag-order.
Tinignan ko si Ken na palabas ng kitchen habang may hawak na pagkain. Agad ko siyang hinarangan.
"May problema ba?" takang tanong niya.
Tumango ako.
"Pwede bang ako nalang ang magdala niyan at ikaw ang kumuha ng order ng mga yun?" sabay turo sa table nila singkit.
Nilingon niya ito at tumango.
"Yeah sure, here sa table 4 yan."
Kinuha ko agad ang hawak niya at dinala sa table 4.
"Hello Ma'am."
"Thank you."
Agad akong bumalik sa kitchen at naghugas nalang ng plano. Anim lang kaming staff ngayon kasama na si manager.
Biglang pumasok si Ken na nakakunot ang noo.
"Kilala mo ba ang mga yun?" tanong niya.
Umiling ako dahil hindi ko naman talaga sila kilala.
"Ikaw ang gusto nilang kumuha ng order, okay lang ba sayo dahil kung hindi ay sasabihin kong ayaw mo"
Napaisip ako dahil baka kasi pag tumanggi ako baka ipaabot pa sa manager namin.
"Ako na. Salamat" sabi ko
"Sigurado ka?"
Paninigurado niya pa kaya naman ay tumango ako.
Huminga ako ng malalim at lumabas na ng kusina para puntahan sila.
Habang palapit ng palapit ay naririnig ko ang usapan nila.
"So what?"
"Maybe that wasn't her?"
"Bakit kasi---"
Natigilan sila sa pag-uusap ng makita ako.
"So what's your order Sir?"
Sinabi naman nila ang order nila pero pabalik-balik ako dahil kada limang minuto ay tinatawag nila ako dahil umoorder pa sila.
"What again Sir?" naipairap nalang ako.
"Your time" to my surprise it was Matthew who spoke.
Puro kasi ang mga kasama niya ang nagsasalita sa tuwing kumukuha ako ng order.
"We don't have "your time" in our menu Sir."
"But you do. I can pay for it."
Pinaglalaruan ba niya ako? Hindi porket kaya niyang bayaran ay makukuha na niya.
"Sorry but my boss pays my time at this moment."
"I can pay---"
Bago pa siya may masabi ay inunahan ko na siya.
"Thank you but no thanks." isang tipid na ngiti ang ibinigay ko.
He didn't respond.
"If you don't need anything else, I should go. Enjoy your meal."
Good thing hindi na nila ako pinatawag ulit. I think they understand that I need to worked.
Nag-break muna ako ng mag-alas 7 na ng gabi. Pumunta ako sa may labas ng resto sa gilid kung saan ako dumaan at kumain, ang huling kain ko ay ang agahan lang.
"Bakit ka diyan kumakain? Ayaw mo ba sa loob?" napatingin ako kay Ken ng lumabas siya mula galing sa kusina.
"Ayos lang."
"Wala namang masama makihalubilo minsan Scarlett."
Hindi ako nag-bigay ng tugon sa sinabi niya.
"Tuwing lalapit kami at gusto kang kausapin huwag mo naman sana kaming iwasan at itaboy "
Sasagot sana ako ng unahan niya ako.
"Oo hindi mo kami verbally tinataboy pero pag kakausapin ka sobrang tipid mo sumagot tsaka kapag lalapit kami minsan ay bigla ka nalang iiwas."
"Sorry..."
"Hindi mo naman kailangan mag-sorry. Ang samin lang. Sana wag mong idestansya ang sarili mo samin. Sino pa bang magtutulungan kundi tayo diba? Ilang taon na tayong magkakatrabaho pero ilag ka pa rin samin."
Tumango nalang ako.
Ilang saglit pa nga ay nagkwekwento na niya. Inaaya niya rin ako na sumama sa linggo dahil birthday daw ni Chef gusto raw nila ako ayain pag may okasyon kaso raw ay bigla nalang akong nawawala at malalamang umuwi na'ko.
Malay ko ba? Hindi ko naman alam na gusto pala nila akong imbitahin. Kung alam ko sana edi pumunta ako. Sayang pagkain. Baka pwedeng mag-uwi.
Pumasok na ulit kami ng matapos ang break time at pinag patuloy ang trabaho. Mag-12 palang at himalang nagpasya ng isara na ang resto kaya naman nagligpit at naglinis na kami.
Matapos kong mag map ng sahig ay sinabihan akong okay na at isasara na raw ang resto. Samantalagang hindi pa ata nalinisan ang VIP rooms.
Sabay-sabay kaming lumabas at hinintay na malock ang resto. Nagpaalam sila sakin at ganun din ako. Sa kabilang direksyon sila kaya hindi ko sila kasabay.
Napaisip ako sa sinabi ni Ken.
Siguro nga walang mawawala kung mapalapit ako sakanila. Susubukan ko.
Tumingala ako at ngumiti.
Nang malapit nako sa eskinita ng mapansing may mga sasakyan na nakaharang doon.
Inaninag ko itong mabuti dahil madilim pero agad akong napapikit dahil sa sobrang liwanang na nang gagaling sa sasakyan. Hinarangan ko ang liwanang gamit ang kamay ko.
Biglang namatay ang liwanag kaya at ng tignan ko kung sino ang may-ari ng sasakyan ay ang mga matang walang kabuhay-buhay ang sumalubong sakin.
Napaatras ako. Babalik sana ako papuntang resto ng makitang may tao rin sa di kalayuan mula sa likuran ko.
Hindi ko sila napansin!
Nadistract ako masyado.
Huminga ako ng malalim at tinignan si Matthew na nakasandal sa kotse niya mismong malapit sa b****a ng eskinita.
Lumapit ako sakanila at ng ilang hakbang nalang ang layo nila ay tumigil ako.
"Anong kailangan niyo sakin?" kalmadong tanong ko.
I just can't run anymore.
If I keep running away.
They will just keep on chasing me.
"I have an offer." he was leaning in his car. Hands on the pocket, wearing his white shirt.
"For?" I just don't understand kung bakit? Did he though na I will accept it?
"It's a job offer."
"For?"
"I can pay double for what I've sent you."
"For?"
"We can f*****g talk somewhere."
Here he is again, cursing.
"I don't have time for your job offer. My sched is full."
"My offer is more f*****g easy than your f*****g current job."
I shrugged.
"Okay."
That what the last word I heard bago may nagtakip sa ilong ko and everything went black.