Scarlett. 3

2043 Words
3. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari ang insidente kay Matthew. Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng makatanggal ako sa GCash ng 50k. Hindi ko alam kung bakit ganun kalaki ang perang ibinigay sakin samantalang kahit limang daan lang ay sapat na. Napag-alaman ko ring sa Smith sila nag-aaral. Nakita ko kasi sila last Friday na nakauniform at lumabas sa College gate. Mas ahead sila sakin ng ilang taon. Ngayon ay andito ako sa bleatcher, wala na kasi sa library. Vacant namin for 3 hrs kaya nag-aadvanced reading na'ko para hindi ako mahuli sa topic at para na rin makasunod. May mga ilang prof kasi na bigla nalang nag papaactivity kahit wala pang dinidiscuss, mali-mali tuloy ang sagot na nilalagay ng mga student. Natigilan ako sa pagbabasa ng lumapit sakin ang isang freshmen student. May inaabot siyang sobre. "Ano yan?" turo ko sa inaabot niyang sobre gamit ang kamay kong may hawak na libro. "May nagpapabigay lang po. Ang sabi po kasi sa babaeng nagbabasa ng libro ko ibigay." halata ang pamumula ng mukha niya habang nagsasalita sa harap ko siguro dahil sa init. "Kanino galing?" tanong ko pa. "Si kuyang gwapo po!" ngiting-ngiti na sabi niya, para pa siyang kinikilig. Nakita niya siguro ang pag-aalangan kong kunin kaya lalo siyang ngumiti. "Sigurado po akong sa inyo ito kasi po kayo lang po ang nan dito sa bleacher 5. Ang sabi niya po ay sa babaeng nagbabasa ng libro sa mah bleacher 5 kaya siguradong kayo po ang tinutukoy niya." Tumango nalang ako at kinuha ang sobre mula sa kaniya. "Salamat." Tumango-tango siya at nagpaalam ng aalis. Napalingon ang sa paligid dahil baka andiyan lang sa tabi-tabi ang nagpaabot. Pinagmasdan ko ang sobre. Maitim ito at katulad siya ng sobre pag nagpapadala ng email. Kapansin-pansin ang pulang sticker sa baba ng sobre na nakalagay ang "Open later". Ehhh? Napailing nalang ako. Inipit ko siya sa libro ko. Nagsimula akong mag ligpit ng gamit ko dahil nakakalat yung pencils. Pencils lang ang ginagamit ko sa pang highlights. Wala akong extrang budget para sa highlighters. I mean pwede ko namang guhitan lang ang parts na importante at yun rin ang nakasanayan ko. Pwede rin ng ballpen since may iba't-ibang kulay naman kung gusto mo ng substitute ng highlights. Napag pasyahan kong silipin ang library baka may seats na available. Madami ring pakalat-kalat kahit class hour. Ang mahal-mahal ng tuition pero hindi naman marunong magturo ang iba. Buti na nga lang nakaabot ako sa cut off ng scholarship. Sobrang laking tulong nun kahit nga miscellaneous ay hindi ko na binabayaran pati lab fees at iba pa since kasama rin ako sa Dean's List ay bawas na yun. Pero bago pa'ko makarating ng library ay nakasalubong ko ang ilan sa mga kaklase ko. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. "Saan tayo kung hindi tutuloy sila Claire?" "Sa BGC nalang tayo nakakaumay sa Clark." "Pero sure bang wala si Sir Aguilar? Nakakaantok sa klase niya grabe." "Oo ang sabi ay may emergency daw kaya hindi tayo mamemeet at talagang nakakaantok sobrang hina ng boses niya hahahha Nakatulog nga si Justin kahapon gagong yun." Habang palayo sila ng palayo ay humihina naman ang tawa nila hanggang sa makaalis sila. Si Sir Aguilar ang huling subject namin ngayon araw at kung wala nga si Sir Aguilar ay wala ng dahilan para mag stay ako rito. Napakapag pasya akong pumunta agad sa Coffee Shop para may OT ako. Hindi na ako umuwi dahil may dala naman akong pamalit. Kung hindi ko pa pala sila narinig ay hindi mag hihintay lang ako sa wala. Meron isang beses suspended ang klase dahil sa bagyo kaso hindi ko nabalitaan dahil wala namang nagsabi sakin. Basang-basa akong nakarating sa school that time. Pagpasok ko palang ng shool ay takang-taka na ako bakit walang mga estudyante pero ang inisip ko ay maaga lang akong pumasok pero nakalipas ang ilang oras ay pumasok sa classroom namin yung guard at sinabing suspended ang klase. Sinend daw ng school admin sa email namin, tinanong pa niya kung wala daw ba akong natanggap at ang sabi ko ay wala dahil wala nga akong phone ng mga panahon na yun. Yung araw na rin na yun ay nagkasakit ako at ilang araw na hindi nakapasok sa trabaho. Masama rin ang loob kong bumili ng phone dahil bawas sa ipon ko yun pero kailangan. Pag karating ko sa shop ay nakasara to. Wala namang memo sila Ma'am Tricia at sinabi niyang may emergency kaya hindi inopen. Napaisip ako kung uuwi muna ba ako o diretsyo na sa resto. Naglakad ako pabalik sa school dahil may malapit lang na park dun. Sa park muna ako ng isang oras since 1 palang naman. Itatawag ko muna sa resto kung okay lang mag OT since hindi ako nakapag-paalam. Konti lang ang tao ng makarating ako sa park, class hour pa kasi. Nakita ko ang malaking puno sa di kalayuan malapit sa swing na walang tao. May narinig akong usap malapit sa puno so I assume may tao sa likod nito. Para hindi ko sila marinig ay sinuot ko ang earphone ko. Naupo ako sa damuhan at sumandal sa puno. Sa laki ng puno ay pati ang mga ugat nito ay pwedeng sandalan at upuan. Buti nga at may mga dahon ito ngayon. Minsan kasi ay nalalagas lahat at walang kahit isa. Napapanahon lang siguro. Itinali ko ang buhok ko dahil masakit pag tumatama sa mukha at nabubuhol din. Inilabas ko ang libro ko at pati na rin lapis. Medyo mahangin kaya ang sarap lalo sa pakiramdam. Ngayon nalang ulit ako nakapunta rito. Ang huling punta ko rito ay ng ipasyal ko sila nanay at tatay dito. Habang nagbabasa ay nag tetake down notes din ako kaso nahihirapan ako dahil sa hangin. Buti nalang naka jogging pants ako. Walang masisilip. Napapikit ako at dinama ang malakas na hangin. Iniisip ko tuloy kung may bagyo ba dahil medyo makulimlim din pero mukha namang hindi uulan. Iniligpit ko ang mga gamit ko dahil hindi ako makasulat at makabasa ng maayos sa lakas ng hangin. How can I be strong when all of these songs does memories~~ A memory of how we used to be~~ Napanguso ako dahil sa lyrics ng kanta. Naisip ko lang. Kapag ba talaga nag mahal ka, mahirap mag move on? Marami kasi akong naririnig at nababasa na sobrang hirap daw na kahit ilang taon na silang wala ay mahal pa rin nila. Is that possible? Sabi ng iba "Time will heal us" If that so bakit may mga taong kahit matagal na nasasaktan pa rin? Naaalala ko pa noong humingi ng tulong si Sir Christian yung manager namin sa resto dahil gusto na niyang mag propose sa girlfriend niya. Kita ko yung effort niya kahit hindi kami close ay masasabi kong mahal na mahal niya yung girlfriend niya. Lahat ng favorite na kainin ng girlfriend niya ay pinaluto niya, maging ang kulay, design, drinks ultimo damit na suot niya ay ang favorite ng girlfriend niya. Andoon sa event lahat ng close friend nila at both families. Sobrang laki ng gastos niya noon. Pero lahat ng effort niya ay hindi nag pay off. His girlfriend told him in front of everyone that she's not ready yet. Kita ng lahat kung pano nasaktan si Sir Christian pero he still smiled and told her that it was okay and he understand that she's not ready yet. Pero nalaman nalang niya a week after ay buntis pala siya at hindi siya ang ama ng dinadala niya kundi ang kaibigan niya. I'm not sure if he already moved on or if his okay now. I also heard na kinuha siyang ninong ng bata. Pumayag naman siya. Psh. If you wonder bakit alam ko, andun kasi ako ng mga oras na nag propose at andun din ako ng mga panahong naglasing siya at umiiyak siya. Kahit hindi kami close at nag-uusap lagi ay sinasamahan pa rin namin siya noon. Free foods and drinks din so why not. Lels But you see. Love really sucks. That's why I don't get it why people want love. Love isn't my thing and it's a good thing. Inilibot ko ang paningin ko dahil kailangan ko ng paglilibangan. Ayoko matulog kahit parang ang sarap matulog dahil sa lakas ng hangin. Nakita ko ang mag boyfriend and girlfriend sa swing mukhang nag-aasaran. Mag-hihiwalay din naman. Tsk. Tsk. Tsk. May mga students din na nakatambay sa di kalayuan, nagtatawanan at nag kwekwentuhan. I'm happy for those people na may mga kaibigan. They have someone who can make them happy even just for a while. In this world, you really need those. I may not have someone but I have my self. I only have my self and it's okay. I also prefer to be alone, I'm in peace when I'm alone. I don't know. I feel like I'll be toxic if I have friends. Imagine, you have friend and she was telling someone she hates and you need to agree because if not you might be the one who she's gonna backstab at back? She hates someone you don't even know and you might gonna hate that person too because of what she said? Nahh mabuti ng mag-isa kaysa may tapakang ibang tao. Napalingon ako sa bola ng volleyball na gumugulong papunta sa paanan ko. Tinignan ko ang pinang-galingan nito at nakita ko ang pamilyar na mukha. Lumapit siya at kinuha ang bola, may sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil sa full volume na music ko. Tumakbo siya pabalik sa mga kasamahan niya at doon ko lang napagtanto kung sino siya. Siya si singkit na nagtanong kung girlfriend ba ako ni kissable lips. Hindi ko na maalala ang pangalan niya. Kasama niya ang mga kasama niyang kumain sa resto, may dumagdag din pero wala si kissable lips. Tinignan ko silang nag-lalaro at nagtatawanan. Ang ilan ay nanonood lang sa mga nag-lalaro at inaasar pag hindi nasasalo ang bola. Itinago ko na ang earphone ko at pinagpag ang pwetan ko ng mapag-desisyusan kung pumasok na ng trabaho. Sa direksyon nila ang daan ko pero nag-iba ako ng daan dahil baka mamukhaan nila ako, tho hindi naman ata ako namukhaan ni singkit. Paalis palang ako sa pwesto ko ng mapansin kong hindi lang ako ang tao sa ilalim ng puno. Halos apat na metro lang ang layo niya sakin. Bakit hindi ko siya napansin? Nakatayo habang suksok ang kanang kamay sa bulsa at ang isa ay nakahawak sa bag habang nakasabit sa kaliwang balikat, diretsyong nakatingin sakin na parang kanina pa ako pinagmamasdan. Sa maikling segundo ay na pagmasdan ko siya. Hinahangin ang buhok niya dahil sa lakas ng hangin. Ang itim niyang mga mata na walang kaemo-emosyon. Ang labi niyang mapula, wala na ang sugat dito. Wala na rin ang mga galos niya. Pinutol ko ang tinginan namin at tinungo ang daan sa mga kaibigan niya. Doon dapat ako daraan sa kabila kung saan siya direksyon niya. Malas. Pero laking gulat ko ng makitang nakatingin sakin ang mga magkakaibigan. Imbes tuloy sa pwesto nila ako daraan ay lumiko ako kung saan mapapalayo ako ng sobra pero mas okay na kaysa sa mga werdong yun. Pero laking gulat ko ay nakatayo doon yung lalaking boss sa bar. Nangunot ang noo ko at nilingon ang mga kasama nila. Nakatingin pa rin sila sakin. What the? Ano bang problema nila? Tinignan ko si kissable lips at nakitang palapit siya sakin. Nilingon ko ang lalaking boss sa bar at tinahak ang gitna gitna nila singkit. Gets niyo ba? Parang yung dulo ng dalawang ito < sa gitna nila ako dumaan since medyo mag kalayo naman sila. Pero natigilan din agad ako ng pumunta dun si boss bar. Umatras ako ng bigla nalang humakbang si boss bar na agad kong pinag-sisihan ng maramdan kong may nabangga ako mula sa likuran. Agad akong umabante at nagsimulang tumakbo patungo sa unang pwesto ni boss bar. Rinig ko ang mura nila ng tumakbo ako. Hindi ko sila nilingon dahil alam kong hinahabol nila ako. Ang hindi ko alam ay kung lahat ba sila o si kissable lips lang at wala na akong pakealam basta ang alam ko ay hindi nila ako dapat mahabol. Ano bang kailangan nila sakin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD