Kinaumagahan mayroon silang P.E., nagpunta sila sa basketball gym at doon nila ito ginanap. Sa oras ng kanilang P.E., nagpahinga muna sila sa gilid at nag-usap.
Nakita nila ulit si Hiro na kausap si Monica. Nagtaka sila dahil hindi naman nila ito kaklase pero nandun na naman at nakabuntot kay Hiro. At tila ba kinikilig at nagpapacute habang kinakausap si Hiro.
"Tingnan mo ulit ang malanding babaeng yun!" sabi ni Jeff.
"Seryoso? Kahit sa P.E. natin sumunod siya? Grabe na 'to." sabi ni Karen habang pailing-iling ng ulo.
"Alam mo kung gaano siya nakakainis! Palagi siyang nakahawak sa braso ni Hiro at nagpapacute! Tsk!" sabi ni Jeff habang nakanguso.
"Dahil gusto niya talaga si Hiro makuha!" sabi ni Karen.
"Tsk! Ano ba kayong dalawa? Itigil nyo na nga yan, baka magkaibigan lang talaga sila!" sabi ni Aya.
"Ang balita ko po, dito siya lumipat mula sa ibang bansa." sabi ni Jeff.
"Ah talaga? Pero parang matagal na silang magkaibigan ni Hiro?" sabi ni Karen.
"Tama ka, balita ko matagal na silang magkaibigan. Kaya Aya, may pakialam ako sa ka-loveteam mo! Maaaring hindi mo namalayan, eh napunta na si Hiro sa iba!" sabi ni Jeff.
"Hoy, okay lang sa akin yun! Mabuti yun, para hindi niya na ako kulitin." sabi ni Aya.
"Ha?! Susuko ka na lang agad? Paano si Hiro?" malungkot na sabi ni Jeff.
Maya-maya pa ay tinawag na sila ng kanilang guro.
"Oo, basta masaya siya! Halika na, si Sir tumatawag na sa atin!" sabi ni Aya.
Pagkatapos ay lumapit na sila sa kanilang Guro at hiniling sa kanila na makisama sa pangkat.
Ang kailangan lang nilang gawin ay tumakbo mula sa kalahating court at bumalik sa kanilang koponan. Nag hati-hati muna sila para makabuo ng apat na grupo.
Ang grupo nila Hiro ang unang naglaro, laban sa grupo nila Karen. Mabili tumakbo ang grupo nila Hiro, kaya naman ang nanalong koponan ay kala Hiro!
Pagkatapos nilang makapagpahinga, muling lumapit si Hiro kay Monica na nakatayo sa gilid. Inabutan siya ni Monica ng tubig.
Sumunod naman na naglaro ay ang grupo nila Aya, laban sa grupo nila Jeff. Pinagmamasdan ni Hiro si Aya habang naglalakad sa pila. Habang umiinom si Hiro ng tubig, napansin niyang hindi nakatali ang tali ng sapatos ni Aya.
Agad na binigay ni Hiro ang inuming tubig kay Monica at tumakbo papalapit kay Aya.
"Pakihawakan mo muna." sabi ni Hiro.
"Ha? San ka pupunta?!" gulat na tanong ni Monica.
Ngunit hindi siya pinansin ni Hiro, at tumakbo na ito sa grupo nila Aya. Tamang-tama naman ay maghuhudyat na ang kanilang guro para mag start na ang game.
"Wait!!" Malakas na sigaw ni Hiro.
Huminto naman ang lahat at tumingin sa kanya. Agad na lumapit si Hiro kay Aya. Nagtataka si Aya kung bakit ito lumalapit sa kanya.
Nang nasa harapan na siya ni Hiro, bigla siyang lumuhod at tinali ang sintas ng sapatos niya, kasama na ang isa pang sapatos. Nagulat silang lahat sa ginawa ni Hiro. Lalo na si Aya at Monica! Kinilig naman ang ibang nakakita sa ginawa ni Hiro, lalo na ang mga kaibigan niyang sila Jeff at Karen.
"Ah, salamat!" mahinang sabi ni Aya, nang tumayo si Hiro at nginitian siya.
"Goodluck!" sabi ni Hiro at hinaplos ang ibabaw ng kanyang ulo.
Tapos umalis na si Hiro at bumalik sa pwesto ni Monica. Naramdaman ni Monica ang pagbilis ng t***k ng puso niya, nang titigan siya ni Hiro at haplosin ang ibabaw ng ulo niya. Ang ibig sabihin lang nito na nag-aalala siya para sakanya.
Tiningnan niya papalayo si Hiro habang pabalik sa pwesto ni Monica. Nagtataka si Monica sa ginawa ni Hiro, na nakadama din siya nang pagseselos dito. Tila ba na parang importanteng babae ito, para kay Hiro para lumuhod at itali niya mismo ang sintas ng sapatos nito.
Na kailanman ay hindi ginawa sa kanya ni Hiro. Naalala niya pa dati, na natanggal din ang sintas ng sapatos niya habang naglalakad silang magkasama, pero sinabihan lang siya ni Hiro na itali ang sintas niya, at mag-isa siyang tinali ito.
"Hmm, sino yun babaeng yun?" tanong ni Monica sa kanyang sarili.
Nais niyang malaman kung sino ang babae at kung ano ang relasyon niya kay Hiro.
Pagkatapos ay nagsimula na ang laro at ang nagwagi ay ang pangkat nila Aya. Tuwang-tuwa ang kanilang koponan sa pagkapanalo.
Matapos ang kanilang P.E., muli silang pumunta sa canteen upang kumain ng tanghalian. Habang pumipila sa food counter, nakita nila sila Hiro at Monica sa isang lamesa. Ang pagkain ni Monica na dinala ni Hiro at sabay silang kumain.
Napansin ni Aya na nasisiyahan si Hiro sa pagkain kasama si Monica.
"Wow, tuwang tuwa sila, parang mga love bird ah!" Biro ni Jeff kay Aya.
"Parang sila lang, pero hindi naman sila! Kita mo ang ginawa ni Hiro kanina, ang sweet diba?" sabi ni Karen.
"Naku, korek ka dyan, super kakakilig. Para siyang prinsipe na lumuhod sa harapan ng prinsesa. Hay, kakakilig talaga!" sambit ni Jeff habang naglalakad sila.
"Tama... Hahaha!" masayang sabi ni Karen.
Habang masayang naglalakad papunta sa kanilang mesa ay biglang...
May isang paa sa daanan at hindi ito napansin ni Aya, bigla siyang napatid nang dahil dito. Natapon lahat ng dala niyang pagkaen na nasa tray niya at nagkalat ito sa sahig. Pati siya ay natapunan ng pagkain.
Napadapa siya sa sahig at maraming tao ang nakatingin sa kanya. Hindi inaasahan ni Aya ang pagkapahiya niya sa ganitong sitwasyon. Lalo na sa tapat mismo ng lamesa nila Hiro.
Nagulat din si Hiro sa nakita at hindi niya alam ang sasabihin.
"Ikaw! Nakita ko ang paa mo na hinarang mo!" galit na sabi ni Jeff kay Monica.
"Ako?! Hindi ah, dito lang ako kumakain!" Nagsinungaling si Monica.
"Talaga? Napakagaling mong umarte!" sabi ni Jeff.
"Hindi ako nagsisinungaling, dahil hindi siya tumitingin sa daan, kaya't nadapa siya! Hindi ko kasalanan na siya ay tanga!" sagot ni Monica at tumingin siya kay Aya na nasa sahig.
Nagsimulang manginig ang taenga ni Aya nang marinig ang sinabi nito sa kanya. Ang iba pang mga mag-aaral ay sumulong upang maging mausisa.
Biglang nagsalita si Aya at kinumpronta si Monica.
"Anong pinagsasabi mo?! Baka ikaw ang tanga! Hindi ako!" sigaw ni Aya at pilit na tumayo.
"Ikaw - " hindi matuloy ni Monica ang gusto niyang sabihin dahil biglang sumigaw si Hiro.
"Itigil niyo na 'yan!" sigaw ni Hiro.
Lumapit siya kay Aya at inalalayan siyang tumayo. Si Karen at Jeff ay tumulong sa paglilinis ng sahig.
Kumuha si Hiro ng isang tisyu at pinunasan si Aya.
"Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Ang dumi-dumi mo tuloy." sambit ni Hiro habang pinupunasan ang mukha ni Aya.
"Tsk! Ako na, salamat. Ako na magpupunas nito!" sabi ni Aya at sinubukang hilahin ang tisyu kay Hiro, ngunit hindi niya ito ibinigay, at nagtitigan sila ng masama.
Pagkatapos ay niyaya siya ni Jeff na umupo sa mesa, ngunit sa kanyang paghakbang ay bigla niyang naramdaman ang sakit sa kanyang paa.
"Aaahhh." sabi ni Aya na naramdaman na sumakit ang kaliwang paa niya.
Bigla niyang hinawakan ang balikat ni Hiro at nag-alala siya.
"O bakit?" pag-aalala ni Hiro.
"Masakit ang paa ko, hindi ako makalakad." sabi ni Aya.
"Ha, ihahatid na muna kita sa clinic." sabi Hiro saka biglang binuhat niya si Aya gamit ang mga braso na parang bagong kasal.
Nagulat ang lahat nang makita ang pagbuhat ni Hiro para kay Aya.
"Teka, Hiro saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain!" sigaw ni Monica, ngunit hindi siya pinansin ni Hiro at nagpatuloy lang ito sa paglakad papalabas ng canteen.
Nagkatinginan sina Karen at Jeff at pinagtawanan ang kilos ni Monica.
Tiningnan din nila ng masama si Monica.
"So, ano ang masasabi mo ngayon? Loser!" sabi ni Jeff habang inaasar niya si Monica.
Nakipaglaban din sa kanila si Monica ng tinginan, nakatingin sa kanila mula ulo hanggang paa! Naiinis siya, kung bakit ganun na lamang ang pag-aalala ni Hiro sa babaeng 'yun!
Sino ba talaga ang babaeng 'yun? Tanong ni Monica sa sarili habang naiinis na naiwang mag-isa sa lamesa.