Mabilis na nagpunas ng pisngi niya si Allana at pagtakbong lumabas para tingnan kung sino ang taong nag do-doorbell. Iniintay niya ang pag-uwi ni Graham. Malapit ng dumilim kaya alam niya na pauwi na ito. Iyon ay kung wala na itong gagawin sa opisina. Excited niyang tinungo ang gate. Nang makita niyang hindi si Graham ang naroon ay bahagyang siyang nakaramdam ng pagka-dismaya. "Maam package po para kay Mr. and Mrs. Quinn," sigaw ng lalaking nakatayo sa labas ng gate. May hawak itong kulay itim na kahon. Sa isang sulok ng kahon ay may naka-pintang gintong ahas na magkaharap; a sign of Quinn family. Iyon ang logo ng business nila. Binuksan ni Allana ang gate nang nakakunot ang noo. "Kanino galing iyan?" "From 'The Quinn's Mansion' po maam. Pirmahan ninyo nalang po ito," sagot ng delive

