Kabanata 14: Bagong Kaibigan

1223 Words
"Kainis! Asan na ba iyong cellphone ko?" stress na sambit ni Allana. Kanina pa siya hindi magkandaugaga sa paghahanap ng telepono niya sa loob ng bag niya pero hindi niya talaga iyon makita. Alam niyang dala niya iyon kaya sigurado siyang naiwanan niya iyon sa taxi na sinakyan niya kanina. Muli siyang sumandal sa back rest ng inuupuan niya at sinubukang mag relax. Tiningnan niya ang mga tao sa paligid niya at ngumiti. May ilan kasing buntis na naroon na medyo malaki na ang tiyan. Bigla niyang naisip ang sarili niya. Malapit narin kasi siyang maging ganoon. Bigla tuloy siyang na-excite. "Allana?" awtomatikong napalingon si Allana ng may tumawag sa pangalan niya. Sinalubong naman siya ng ngiti ni Raven. Iyong lalaking nakilala niya kanina. "Raven?" surprise niyang tawag sa pangalan nito. Tagatak ang pawis ni Raven, bunga ng pagtakbo. Hinabol kasi nito si Allana. Akala nga niya ay nakawala na ito sa paningin niya. Mabuti nalang at nasilip niya ito mula sa salamin ng clinic. "Anong ginagawa mo dito?" dugtong na tanong ni Allana. Agad namang itinaas ni Raven ang kamay niya para ipakita kay Allana kung ano ang hawak niya. "Ang phone ko." Iniunat ni Raven ang kamay niya para iabot kay Allana ang cellphone nito. "Ah, no'ng sinabi ng taxi driver na naiwan mo iyong phone mo ay nag-offer ako na ako nalang ang magsasauli sa'yo." "Mabuti at ipinagkatiwala niya ito sa'yo?" nakangising tanong ni Allana. "Naman! Sa gwapo ko ba namang 'to. Tsk. Mukha ba akong manloloko. Hehehe..." sagot naman agad ni Raven sabay tawa ng mahina. "Sabi mo eh. Well, salamat ng marami." "Salamat lang? Ano ba iyan. Hindi mo man lang ba ako ili-libre ng meryenda?" tila paghihimutok nito. "Iyon lang ba? Hayaan mo, next time." "Next time pa? Hindi ba pwedeng ngayon na?" "Alam mo kasi. Hindi ako pwedeng umalis dito e." "I can wait," maikling sagot nito sabay upo sa tabi niya. Natawa nalang si Allana. Kung makapag request naman kasi ang loko, akala mo super close na sila e. "Ah next na po kayo," anunsiyo ng babaeng nurse na sa front desk habang nakatingin kay Allana. Agad naman siyang tumayo. Nang tingnan niya si Raven ay nag wave pa ito sa kaniya habang nakangiti. "I'll just wait here." Pagpasok ni Allana sa loob ng pinaka clinic ay sinalubong siya ng doktor na may hawak na syringe. Agad iyong nakapagpalambot sa tuhod niya. Ayaw na ayaw kasi niya ng karayom na bumabaon sa katawan niya. Kaya kapag nakakakita siya ng ganoon ay para siyang nanghihina. "Kukuhaan muna kita ng blood sample para ma-check ko ang kalusugan mo ha," paalam ng doktor. Habang pinagmamasdan niya ang dulo ng karayom ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Para siyang nauubusan ng lakas. Parang gusto niyang magtatakbo palabas ng kwartong iyon. Akala niya dahil sa baby niya ay tatapang na siya, pero mukhang ganoon parin pala. Takot parin siya sa karayom. Nai-imagine niya palang na didikit iyon sa balat niya ay nakararamdam na siya ng sakit. Ano pa kaya kung tuluyan na iyong bumaon sa laman niya. "Maupo ka muna dito Mrs. Quinn," utos ng doktor. Pakiramdam nga ni Allana ay kailangan niyang maupo dahil kung hindi niya iyon gagawin ay baka tuluyan na siyang matumba. "Ano ba sir, pumasok na po kayo. Huwag na po kayong mahiya." Napalingon si Allana at ang doktor sa may pintuan ng marinig ang boses ng nurse na nasa front desk. May lalaki itong pilit na itinutulak papasok sa loob. Lihim na napangiti si Allana. Naisip niya kasi na mukhang si Raven iyon. "Ahhh, hindi mo kasi naiintindihan miss. Hindi naman kasi ako iyong..." "Raven?" Biglang napatingin kay Allana si Raven. Tila nahihiya itong napakamot ng ulo. "Iyong nurse kasi eh. Akala niya ata ako iyong..." "Please. samahan mo naman muna ako oh," putol ni Allana dito. Itinuro naman ni Raven ang sarili niya na parang hindi sigurado sa narinig niya. "Ako?" "Oo. Thank you." Ngumiti ang nurse na nasa likod ni Raven. Bago pa muling makapagsalita ang lalaki ay muli itong itinulak ng nurse. Nang tuluyan na siyang makapasok sa kwarto ay dali-dali ng isinara ng nurse ang pinto. Wala na tuloy choice si Raven kung hindi ang maupo sa tabi ni Allana. Nang muling mapatingin si Allana sa syringe ay mabilis niyang kinapitan ang braso ni Raven. Kahit hindi naman talaga sila close ay kinapalan na niya ang mukha niya dahil kailangan niya talaga ng makakasama ng oras na iyon. "Sorry. Takot kasi ako sa karayom eh," bulong niya kay Raven habang titig na titig sa ginagawa ng doktor. "Hindi mo naman kailangang tingnan iyong karayom eh. Para hindi ka matakot, ipikit mo na lang ang mga mata mo," sagot naman ni Raven. Naramdaman na lang ni Allana na hinila ni Raven ang ulo niya at tinakpan ang mga mata niya. Kahit hindi niya nakikita ang ginagawa ng doktor ay damang-dama naman niya ang pagbaon ng karayom sa gitnang daliri niya. Pero katulad nga ng sinabi ni Raven ay mas hindi na iyon nakakatakot dahil hindi niya na iyon nakikitang ginagawa. Konti lang iyong naramdaman niyang kirot. Hanggang sa hugutin na ng doktor ang nakabaong karayom sa daliri niya. Agad siyang nakahinga ng maluwag. "See. Tapos na," masayang anunsyo ni Raven. Pinakawalan na nito ang ulo ni Allana. Doon lang nakita ni Allana ang kinuhang dugo mula sa kaniya. Nakalagay iyon sa isang maliit na botelya. "Sa akin ba galing, lahat 'yon?" bulong niya kay Raven habang nakanguso sa dugong inaabot ng doktora sa tinawag nitong nurse. "Yep!" "My God! May natira pa ba sa katawan ko?" "I guess, meron pa naman," sagot naman ni Raven sabay tawa ng mahina. "Dito ka lang muna ah. Promise, sampung kape ang ili-libre ko sa'yo mamaya. Basta samahan mo lang ako hanggang matapos 'to." "Sampung baso ng kape? Seryoso ka ba? Anong gusto mong gawin sa akin ha atakihin ng nerbiyos," natatawang sagot naman ni Raven. "Basta samahan mo muna ako," naka-pout nalang niyang sagot. Wala rin namang magagawa si Raven e. Dahil hawak niya ang dulo ng suot nitong damit ay hindi siya nito matatakasan. Nang muling bumalik sa harap nila ang doktor ay pinahiga na nito si Allana. Tinabunan nito ng puting kumot ang kalahati ng katawan niya at itinaas ang suot niyang bestida hanggang sa itaas ng tiyan. Kahit hindi naman talaga nakikita ni Raven ang nakatabon ng kumot ay nahihiya parin siyang tumingin sa ibang direksiyon. Pagkalabas ng tiyan ni Allana ay pinahiran iyon ng doktor ng isang espesyal na jelly. Pagkatapos ay may isang makinilya itong ipinatong sa tiyan niya. Kasunod noon ay umalingawngaw na sa paligid ang mumunting tunog na tila isang tambol na nag bi-beat ng mabilis. "That's the heartbeat of your child," paliwanag ng doktora. Napangiti naman si Allana. Hindi siya makapaniwala na mayroon na ngang munting buhay na pumipintig sa tiyan niya. "Base sa lakas at bilis ng heartbeat ng baby mo ay mukhang healthy naman siya," sabi pa ng doktor. Nang mapagawi ang tingin niya kay Raven ay nakita niyang nakapikit ito habang nakangiti. Mukhang pinakikinggan nitong mabuti ang heartbeat na naririnig nito. Parang kahit hindi naman siya iyong daddy ng baby ay naa-appreciate niya ang buhay nito. Mabuti pa siya. Sana si Graham ay ganoon din kapag narinig nito ang heartbeat ng baby namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD