Pagkatapos umalis ni Graham ay naging masyadong tahimik ang bahay. Dahil mag-isa lang ay nakaramdam ng pagkainip si Allana. Wala naman siyang magawa para aliwin ang sarili niya kung hindi ang manuod ng TV. Nang magsawa sa panunuod ay nagkulong nalang siya sa kwarto niya.
Pagdating nang hapon ay bumalik na ang sigla niya. Alam niya kasi na anomang oras ay darating na si Graham. Masaya pa siyang naghanda ng hapunan. Pero lumipas ang mahigit limang oras ay wala parin ito. Pasado alas-diyes na. Malamig na ang iniluto niyang ulam. Aakyat na sana siya para magpahinga ng marinig niya ang paglangitngit ng front door kaya napatigil siya sa gitna ng hagdan para lingunin iyon.
Lumatay ang matamis na ngiti sa labi niya ng makita ang hinihintay na asawa. Pero, bigla ding napalis ang ngti niya ng makita na hindi lang ito nag-iisa. May kasama kasi itong babae. Gusto niya sanang sugurin ang dalawa pero agad din naman siyang natigilan.
Siguro nga ay nasasaktan siya sa nakikita niya. At alam niyang mali ang ganoong gawain kapag may asawa na pero iba naman kasi ang sitwasyon nila ni Graham. Baka mamaya ay ipamukha na naman nito sa kaniya ang lugar niya sa buhay nito.
"Kumain ka na ba?" tanong nalang ni Allana habang papalapit sa kaniya ang dalawa.
"Who is she?" tanong naman ng babaeng kasama ni Graham. Tila nandidiri itong nakatitig sa kaniya.
"Katulong ko," sagot naman dito ni Graham. Binangga niya lang si Allana at dumaan sa gilid nito. Ganoon din ang ginawa ng babae. Nakangisi nitong nilampasan si Allana at sumunod sa pag-akyat ni Graham.
"Alam mo, dapat sesantihin mo na 'yang katulong mo. Hindi kasi marunong gumalang eh," narinig pa niyang sabi nang babae.
Tawa lang ang isinagot dito ni Graham.
Para namang dinudurog ang puso ni Allana dahil sa paraan ng pagtawa nito. Parang ang sakit marinig na nagagawa nitong makipagtawanan sa iba, samantalang parang hirap na hirap itong tumawa kasama niya.
Nang marinig niyang bumukas at sumarado ang pinto ng kwarto ni Graham ay tsaka siya malungkot na nagpatuloy sa paglalakad paakyat ng hagdan. Pagtapat niya sa pintuan na pinasukan ng dalawa ay dinig na dinig pa niya ang patuloy na tawanan ng mga ito.
Kahit masakit ay pikit-mata nalang na pumasok sa kwarto niya si Allana. Wala naman siyang dapat na ika-selos eh. Wala naman siyang karapatan kay Graham. Iyon nalang ang paulit-ulit niyang isinasaksak sa utak niya. Imbes na muli na namang umiyak ay pinilit niya nalang ipokus ang atensyon niya sa mga magagandang bagay.
Katulad nalang ng pagbubuntis niya. Ang baby niyang parating. Ito na lang ang dapat niyang pagtuunan ng pansin. Makakasama dito ang palagi niyang pag-iyak, kaya dapat niyang iwasan iyon. Higit sa nararamdaman niya ay ito ang dapat niyang unahin.
"Baby, pasensiya ka na kung palaging umiiyak si mommy ha. But I promise. Para sa'yo pipilitin kong maging strong," aniya habang hinahaplos ang tiyan niya.
Pangako iyan. Magpapakatatag ako para sa'yo.
-----***-----
Kinabukasan ay maagang naghanda si Allana para sa kaniyang pre-natal checkup. Naka set na iyon sa OB gyne na pinupuntahan niya. This is for the second month. Plano niya sanang magpasama kay Graham pero sa kalagayan nito ngayon, alam niyang hindi ito papayag kaya magpapaalam nalang siya.
"Graham." Kinatok niya ang nakasarang pinto ng kwarto ni Graham.
Dahil mabilis na binuksan ni Graham ang pinto ay bahagyang napa-pitlag si Allana. Kahit nagulat ay pinilit niyang hindi magmukhang kahiya-hiya sa harapan nito kaya mabilis din siyang umayos ng tayo.
"What?" cold nitong tanong.
Halos lumuwa ang mata ni Allana ng makitang nakatapis lang ito ng tuwalya. Halatang kagagaling lang nito sa banyo. Naaamoy pa niya ang ginamit nitong sabon.
"Magpapaalam lang kasi ako. Ngayon kasi iyong—" napatigil sa pagsasalita si Allana ng mapatingin sa loob ng kwarto ni Graham. Mula kasi sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang babaeng nakahiga sa kama nito. Natatabunan ng malambot na kumot ang katawan nito at sa tantiya niya ay wala itong anomang saplot.
Nang mapansin naman niGraham ang ginagawa niyang pagtitig sa babae ay napasulyap din ito doon at nakangising binalik ang tingin sa kaniya.
"Ngayon ang?" tanong nito. Parang tuwang-tuwa pa ito dahil nasasaksihan niya ang kalokohan nito.
"Iyong schedule ko sa OB ko," malungkot na sagot ni Allana. Napayuko siya ng ulo. Kahit tila may bumabayo sa dibdib niya ay nagawa niya namang makapagsalita ng maayos.
"Alam mo, kung gusto mong lumayas napakaluwag ng pinto. Sana nga 'wag ka na ring bumalik e," sagot naman ni Graham sabay talikod sa kaniya.
Hindi na siya nagulat ng ibalibag nito ang pinto. Natawa nalang siya ng pilit. Marahil ay nasasanay na siya sa mga pagdadabog nito.
Pagkatapos magpaalam kay Graham ay matamlay na naglakad palabas ng subdibisyon si Allana. Wala namang pumapasok na tricycle sa lugar nila kaya kinakailangan pa niyang gawin iyon. Pagdating sa bukana ng subdibisyon ay doon na siya pumara ng taxi.
Habang nasa byahe ay tahimik lang siyang nakatunghay sa labas ng bintana. Hanggang sa nagulo ang pananahimik niya ng malakas na tumunog ang unahang bahagi ng taxi. May kung ano itong nabangga. May pag-aalala tuloy siyang hinarap ng driver.
"Miss, ayos ka lang ba?"
"Ok lang po ako. Ano po ba iyon manong?"
Biglang napakamot ng ulo ang driver. Maya-maya lang ay kinakatok na sila ng isang nakaputing lalaki. Pinagbuksan naman ito ng pinto ng driver.
"Bulag ka ba? Nakita mo na ngang kumakaliwa ako di'ba? Ba't nagtuloy-tuloy ka pa rin?" singhal ng lalaki.
Halatang nagsisimula na itong ma-high blood.
"Pasensiya na po boss. Huli ko na po kasi nakita iyong signal light ninyo eh," pagdadahilan naman ng taxi driver. Wala parin itong patid sa pagkamot ng ulo.
"Huli mo ng nakita? May problema ba ang mata mo? Hala. Bumaba ka d'yan at tatawag tayo ng pulis," bwesit na sigaw pa rin ng lalaking nasa labas.
Halatang punong puno nang pag-aalala ang mukha ng taxi driver. Ngali-ngali itong humarap kay Allana at humingi ng pasensiya.
"Maam, pasensiya na po. Baka matagalan pa 'to, humanap nalang po kayo ng ibang masasakyan," magalang nitong sabi.
Tumango-tango naman si Allana. Agad siyang kumuha ng pera sa wallet niya at iniabot niya iyon sa matandang driver.
"Ayos lang po manong. Eto na po ang bayad ko. Huwag ninyo na po akong suklian," aniya.
"Naku, salamat po," masayang sabi naman ng driver.
Nginitian lang ito ni Allana. Dahil nakatingin pa siya sa driver habang binubuksan ang pinto ng taxi ay hindi niya napansin ang lalaking nagja-jogging na dumaan mismong gilid ng taxi. Aksidente niya itong natamaan ng pinto. Bigla tuloy napangiwi ang mukha niya. Taranta siyang bumaba ng taxi para tingnan ang kalagayan ng lakaking natamaan niya.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya." paghingi niya ng paumanhin sa binatang pawis na pawis. Halatang kanina pa ito nag ja-jogging. Tinanggal nito ang suot na malaking bluetooth headset at isinabit iyon sa kaniyang leeg bago nag-angat ng tingin.
Halos ma-amuse si Allana sa ganda ng mukha ng binata. Matipuno kasi itong lalaki. Kitang-kita sa katawan nito ang resulta ng ginagawa nito.
"It's my fault. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko e," paghingi rin nito ng pasensiya.
"Pero may kasalanan rin ako. Sorry."
"No I insisted. Kasalanan ko talaga." pagpipilit nito.
Napangiti nalang tuloy si Allana. "Ok, pareho nating kasalanan."
Natawa naman ang lalaki. Mukhang sang-ayon din naman ito sa sinabi niya.
"Sige. Dahil mukha namang ok ka lang, mauuna na ako. May pupuntahan pa kasi ako eh," paalam na rin ni Allana dito. Gustuhin man niyang magtagal pa ay inaalala niya ang checkup niya.
"Wait. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo? Just in case na kailangan kong magpa-doctor. Para may masisisi ako," nakangising awat sa kaniya ng lalaki ng papatalikod na sana siya.
Natawa naman siya. Kahit pasimple ay alam naman niyang gusto lang nitong malaman ang pangalan niya, "I'm Allana."
"I'm Raven." He stretch his arm kaya naman tinanggap iyon ni Allana.
"Ok Raven, tatandaan ko 'yan," naka smile sa wika ni Allana.
Nang bawiin niya na ang kamay niya ay kinawayan niya pa si Raven bago ito tuluyang tinalikuran.