Halos dalawang buwan din kaming nanatili ni Ralph sa kanyang rest house, ni hindi na kami naka-attend pa sa kanyang sinasabing anniversary ng ospital ng kanyang lolo dahil nagbago na ang kanyang isip, mas gusto niya raw kasing makalakad muna siya ng maayos bago umuwi ng mansyon. So pumayag na lang din ako kaysa kumuntra pa, at baka hindi na naman kami magkasundo kapag ginawa ko 'yun. Sa pagbisita naman ng kanyang Ina sa amin ay naging maganda naman ang pakikitungo nito sa akin at nakangiti na kung kausapin ako, pero alam kong sa likod ng pekeng ngiti nito ay nakatago roon ang inis sa akin, hindi lang mailabas dahil nga nasa harap kami ng kanyang anak, sa harap ni Ralph. At makalipas ang halos dalawang buwan ay sa wakas, pumayag na rin si Ralph na umuwi na kami ng mansyon. “Ralph,” pagta
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


