NAKAHINTO ang paligid at tanging kami lang ang nakakagalaw. Ang daming nangyayari ngayon, sa hindi kalayuan ay may naririnig kaming pagsabog and we must avoid that part lalo na't hindi pa alam ni Mild ang ability niya samantalang si Josephine naman ay walang ideya sa mga nangyayari.
"Hindi kayo normal lahat," sabi ni Josephine, huminto kami sa isang kanto upang kahit papaano ay maghabol nang hininga. Pero hindi kami maaaring manatili ng matagal sa lugar na uto lalo na't may mga lawbreaker na umiikot sa paligid.
“The fact that na nakakagalaw ka ngayong devil hour, you're also not normal, duh!" Mild said to her. "H'wag mong iparamdam na abnormal kami or what dahil hindi rin namin ginustong maging glitches sa society."
Isang malakas na pagsabog ang aming narinig sa hindi kalayuan. Pakiramdam ko ay anytime ay matutunton kami ng lawbreakers. "Kailangan na nating tumakbo," paalala ko sa dalawang kasama ko. "Si Kiran nga pala, hindi ba natin siya babalikan doon?" Curious kong tanong.
"He needs to protect all the girls na nakahinto doon sa room, hindi niya pwedeng iwanan iyon dahil maraming buhay ang maaaring mawala." Paliwanag sa akin ni Mild at tinulungan niya kaming tumayo ni Mild.
We're about to run ngunit bigla na lamang malakas na pagsabog ang umugong mula sa aming harapan, nasira ang pader ng isang building at tumalsik ang ilang debris sa amin. Napahinto kami, makapal na usok ang sumalubong sa amin at mula sa makapal na usok na iyon ay may pigura ng tao na unti-unting lumabas—isang lawbreaker.
Hindi siya basta-bastang lawbreaker, ang kamay nito ay malaki na para bang kamay ng isang leon. Matulis ang bawat kuko nito, at nanlilisik ang kulay pula nitong mata na para bang handa kaming sakmalin ano mang oras.
"S-Sino 'yan!? Anong klaseng tao 'yan?!" Sigaw ni Josephine, siguro ay normal lang ang naging kanyang reaksyon dahil bago sa kanya ang mga ganitong senaryo.
Gumapang ang kaba sa aking katawan pero naisip ko rin ang dahilan kung bakit kami pinadala sa lugar na ito—to eliminate all the lawbreakers in this area. I step up at hinarang ko ang kamay ko para protektahan sila Mild.
"Mild, ialis mo na si Josephine dito," sabi ko sa kanya habang hindi ko inaalis ang tingin doon sa lawbreaker na nasa aking harapan.
"Paano ka?"
"Ako lang ang may ability sa ating tatlo, I need to protect you guys." Sabi ko sa kanya dahan-dahang naglalakad ang lawbreaker tungo sa aming direksyon and there's a wide smile on his lips, may blood stain din siya sa mukha maging sa suot nitong damit.
"Pero hindi pang-atake ang ability mo--"
"Takbo na, Mild!" Malakas kong sigaw, ayokong mapahamak pa sila dahil sa akin. I don't want to be rude pero gaya nga nang sabi ni Seven, I need to protect those people na nangangailangan ng tulong.
"Mag-iingat ka," Mild said to me at hinatak na niya si Josephine palayo sa lugar.
Mag-isa na lamang ako kaharap ang lawbreaker na ito. I need to gather some information sa kung sino ang mga taong nasa likod ng mga gawaing ito. Sino si Lupin? At anong grupo ang nasa likod ng mga gulong ito?
"Matapang kang babae ka upang kaharapin ang isang gaya ko," sabi nung lawbreaker sa akin. Tumulis ang mga malalaki at matatalas nitong kuko. "I will cut you into pieces na bagay lamang sa mga kagaya mong pakialamera sa mga plano ko."
Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Grabe amg kabog ng dibdib ko na tila ba isang tambol na mabilis na pinapalo. Gusto ko nang tumakbo paalis. But no, this is my role in the group, hindi man pang-atake ang ability ko, magagamit ko naman ito para makakuha ng impormasyon na maaaring maging lakas ng class zero at para magkaroon kami ng lead sa kung sino nga ba ang nagpapasimuno ng gulong ito.
"Anong plano ninyo sa mga babaeng dinukot ninyo? Are you planning to sell them as a s*x slave or may iba pa kayong balak?" Tanong ko, halos isang metro na lamang ang layo niya sa akin. Mabuti na lamang at hindi naging garalgal ang boses ko habang nagtatanong sa kanya. That's right, Jamie, huwag mong ipakita na natatakot ka sa kanya.
Diretso akong nakatingin sa kanyang mata, and while looking at his eyes... May mga impormasyon na akong nakukuha dahil nababasa ko ang tumatakbo sa kanyang isip.
"They are being sold to Black organization," he explained to me.
Sa pagkurap ko ay wala na ang lawbreaker sa aking harap, napakabilis nang naging kanyang pagkilos. Nasa likuran ko na siya at nakatutok na ang matalim nitong mga kuko sa aking leeg. Just one wrong move, alam kong magiging katapusan ko.
"They will be a lab rats para sa susunod na eksperimento. Gagawin din silang mga katulad namin." Napakunot ang noo ko, kaya nilang gawin na isang lawbreaker ang isang normal na tao?
"Sunud-sunuran ka lamang sa kanila, hindi mo ba pansin? Ginagamit ka lang nil--" mas lumapit ang talim ng kanyang kuko sa aking leeg kung kaya't napatigil ako sa pagsasalita.
I don't want to be Damsel in distress pero sa ngayon, kailangan ko ng tao na tutulong sa akin.
Napapikit na ako at handa na akong tanggapin ang aking kapalaran. Am I going to die here? Makakalimutan na nga lang ba ako ng mga taong mahal ko?
"Bitawan mo siya!" Isang malakas na sigaw ang aking narinig at may paa na tumama sa mukha nitong lawbreaker. Napabitaw ito sa akin at napaupo ako sa sahig. Pinagmasdan ko ang taong tumulong sa akin-- si Ace. Gumagapang ang kuryente mula sa kanyang katawan.
"Sorry I am late," sabi niya at ngumisi sa akin. "I am glad that you're okay, Jamie."
"No, your timing is good." Pinagmasdan ko si Ace at puro sugat na ang kanyang braso at umaagos ang pulang likido mula rito.
"Don't looked at me na parang kinakaawaan mo ako. Alam kong marami akong sugat pero hindi naman mababawasan ang fans ko," paliwanag ni Ace sa akin. As usual, ang taas pa rin nang tingin niya sa sarili niya. Masaya ako na dumating si Ace.
"May mga impormasyon na akong nakuha," I informed him, napatayo na ang lawbreaker at masamang tumitig kay Ace.
Nakapaling ang ulo nito at unti-unting naibalik sa ayos, narinig ko pa ang pagtunog ng buto mula sa kanyang leeg. "Pakialamero kang bata ka!" Susugod na siya kay Ace.
Mabilis akong lumayo sa kanilang dalawa. Pumaikot si Ace sa lapag upang maiwasan ang atake ng lawbreaker. He managed to dodge it at siya naman ang sumugod sa lawbreaker, malakas niyang sinuntok ito sa mukha at nakita ko pa ang pagkislap ng kanyang kamao dahil sa kuryente.
Oo mayabang si Ace, pero aaminin kong may ipagyayabang talaga siya. Nagiging ibang tao siya kapag nakikipaglaban na. Gagawin niya ang lahat para hindi matalo, he doesn't want to lose to anyone.
Paalis na sana ako sa lugar nung may mamataan ako na isa pang lawbreaker sa hindi kalayuan, naglalakad na ito patungo sa aming direksyon. Nung matapat ito sa isang lightpost ay doon ko lang namataan ang kanyang hitsura.
Kulay puti lang ang buo nitong katawan na animo'y walang balat, ang mata nito ay puro itim lang ang makikita. Matatalim ang ngipin nito, may hawak itong isang kutsilyo at diretsong nakatingin sa akin.
"Ace, there's another one. May isa pang papalapit sa atin," paliwanag ko sa kanya at paglingon ko ay busy pa rin siya sa pakikipaglaban sa lawbreaker. Maririnig sa paligid ang malalakas na pagsabog.
Hindi ko alam kung kumusta na sina Seven at Kiran, pero hinihiling ko na ayos lamang silang dalawa habang nakikipaglaban sa mga lawbreakers. At sana, nakatakas sina Josephine at Mild, sana ay nakahanap sila ng lugar na ligtas na mapagtataguan.
I don't know how I will handle the situation, pero hindi ko puwedeng palapitin ang lawbreaker kay Ace dahil hindi niya pa tapos kalabanin ang lawbreaker na nandito. f**k those lawbreakers! Bakit ang dami nila?!
Hindi ako pwedeng tumakbo palayo. I can't leave my comrade. Inayos ko ang pagkakasuot ko sa aking damit at naglakad ako patungo sa lawbreakers na iyon. Hindi ko pagmumukhaing mahina ang sarili ko. I will deceive him that I am strong pero sa totoo lamang ay takot na takot na ako. Ayokong maging pabigat sa misyong ito dahil lamang hindi pang-atake ang ability ko.
"Matapang kang babae ka, you're leading yourself to your own grave," sabi niya sa akin habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kanyang kamay.
Hindi ko alam pero may kakaiba akong lakas na naramdaman sa aking katawan. It feels like my power is growing inside me. Nakatingin lang ako sa lawbreaker habang ilang metro lang ang pagitan naming dalawa.
Nung nakatingin ako sa kanyang mata ay para bang sumasagi sa isip ko na kaya ko siyang kontrolin, Parang kaya konsiyang pasunurin.
"Stab yourself." Sabi ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya.
The lawbreaker suddenly paused. Mukhang wala namang nangyari sa sinabi ko pero mayamaya lamang ay unti-unting tumaas ang kamay nito... Pauli-ulit niyang sinaksak ang kanyang sarili gamit ang kutsilyong kanyang hawak. Nakita ko pa ang pagtalsik ng dugo sa paligid at umagos ang pulang likido kasabay nang pagbagsak ng kanyang katawan.
Napaupo ako dahil sa nangyari. Anong ability ang mayroon ako?! Napasunod ko siya!
Isang malakas na pagsabog ang narinig ko mula sa aking likuran at pagtingin ko... Patay na ang lawbreaker na kalaban ni Ace, basag na ang mukha nito dahil sa ginawang suntok ni Ace. Humihingal na tumayo si Ace at napatakbo naman ako sa kanyang direksyon. "Are you okay?"
"I'm not okay! Ang dami kong sugat, paano ko haharapin ang mga fans ko nito," I guessed he's okay. Nakakapagyabang na siya ulit. "Nasaan ang lawbreaker na sinasabi mo, Jamie?" Tanong niya sa akin.
"Patay na." Sabi ko sa kanya, napakunot ang noo niya na para bang nagtatanong kung paano iyon nangyari. "I know, magulo. Maging ako ay naguguluhan pero kanina... Para bang napasunod ko ang lawbreaker," kwento ko sa kanya.
"Hindi mo lang pala kaya na magbasa nang isip nung lawbreaker, kaya mo rin pala silang pasunurin. Kakaiba ang kapangyarihan mo, Jamie," sabi niya sa akin. Tinulungan ko naman siya maglakad dahil na rin sa sugat niya sa kanyang hita. Inangkla ko ang braso niya sa aking balikat.
"We need to help our friends." Sabi ko sa kanya.
***
NATAPOS namin puksain ang lahat ng lawbreakers dito sa lugar. Sumatutal ay may limang lawbreakers sa paligid. Ang dalawa ay nakalaban namin ni Ace, dalawa ang nakalaban ni Seven, samantalang isa ang nakalaban ni Kiran.
Nung masigurado naming okay na ang lahat, doon na namin inihinto ang devil hour. Unti-unting bumalik sa kaayusan ang mga nasirang bahay at nagbagsakang mga poste. Everything back to normal na para bang walang nangyari.
Mabilis na ni-report ni Mild sa mga pulis ang nangyari. I am glad that they're okay.
Dumating na ang mga pulis at dumating na rin ang pamilya ng mga babaeng na-kidnap, niyakap nila ng mahigpit ang kanilang mga anak. "Josephine, anak kooo!" Isang babae ang unti-unting lumapit kay Josephine at mahigpit na yumakap dito.
"'Maaa!" Doon na tuluyang umiyak si Josephine. "Akala ko ay hindi na kita ulit makikita, 'ma. I am glad to see you again." Naluluha ako sa reunion na nakikita ko.
Si Ace na ang nakipag-usap sa mga Pulis dahil doon naman siya magaling. Dumating din si sir Joseph kung kaya't mas lalong napanatag ang aming loob. "Sir!" We all greeted.
"I am happy that you're all okay. Maayos ninyong naisagawa ang misyong ito. Job well done, Class zero," paliwanag sa amin ni sir. "Huwag kayong mag-alala, Hindi kakalat ang tungkol sa mga lawbreakers dahil pagtatakpan ng gobyerno ang g**o na ito. They will make up a story,"
"May alam ang gobyerno tungkol dito?" Tanong ni Mild
Tumango si sir Joseph sa amin. "Of course, they are also protecting the identities of Class zero or those people who has an ability. Hindi nila hahayaang kumalat ang tungkol dito dahil magko-cause lang ito ng panic sa mundo." Napatango-tango ako sa paliwanag ni sir.
"Sir, paano ang babaeng iyon?" Itinuro ni Kiran si Josephine na mahigpit na nakayakap sa kanyang ina. "Nakakagalaw siya during devil hour. She's one of us." Dugtong pa niya.
Naglakad kami patungo sa direksyon ni josephine, "Maaari po ba naming makausap ang anak ninyo panandalian?" Paalam ni sir at pumayag naman ang ina nito at lumayo.
"Anong kailangan ninyo sa akin?" Tanong ni Josephine.
"Josephine, you're not a normal person. Katulad ka namin, you have an ability." Paliwanag ni Mild sa kanya.
"Are you willing to be part of Class zero?" Tanong ni sir Joseph.
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan pero ngumiti sa amin si Josephine. "No, I am rejecting your offer. Pero makakaasa kayo na hindi lalabas ang tungkol sa inyo, kung ano man ang nangyari ngayong gabi ay mananatiling sikreto. Dahil sa nangyari ngayon... I just realize kung gaano kahalaga ang pamilya ko. Hindi ko kayang malayo kay mama."
"We understand." Sir Joseph said. Nalungkot man ako dahil tumanggi si Josephine pero may mga bagay naman akong natutunan.
Lumapit na sa amin si Ace dahil mukhang tapos na siyang kausapin ng mga pulis. "We will now leave, Class zero. Kukuhanin na lang natin ang gamit ninyo sa may resort."
"Siiir! Hindi man lang ba kami makakapagsaya? Mag-swimming-swimming man lang ganoon!" Reklamo ni Mild kay sir Joseph habang naglalakad na kami sa Van.
"No."
"Argh! Being in Class zero sucks! Wala man lang time para magsaya!" Reklamo niya pa at napatawa kaming lahat.
Sumakay kami sa Van at si sir na ang nag-drive. Habang nasa biyahe ay napatingin ako kay Seven at ngumiti ito sa akin... Which is rare. "Job well done, Jamie."
"Job well done, Seven." Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si mama. "Hello, 'ma,"
"Jamiiie! Napatawag ka yata, anak," napangiti ako sa sinabi ni mama
"Na-miss lang kita, 'ma. Excited na akong umuwi diyan sa weekend."
Kung may bagay man akong natutunan sa misyong ito ay iyon ay pahalagahan ang pamilya. Sa nakita kong pag-aalala ng mga magulang sa kanilang anak nung makita nila ito ay naantig ang puso ko. Sila talaga ang taong pinakamag-aalala sa atin kung sakali man malagay tayo sa hindi magandang sitwasyon.
My first mission as a class zero member is success.