"JAMIE, hindi ko alam na ganyan ka ka-iresponsable," napapapikit na lang ako habang sinasalo ko ang sermon sa akin ni sir Santos. Paano kasi ay hindi ko nabili yung mga gamit na pinapabili niya sa akin for the orientation, nakalimutan ko na dahil nga sa nangyaring g**o.
"Sir, sorry po. Mamaya na lang po ako bibili," Nakayuko kong sabi dahil medyo nahihiya nga ako kay sir Santos.
"Sa ganyang kundisyon mo, Jamie?" Pinagmasdan ko ang aking sarili at may benda sa aking hita, gumagamit din ako ng saklay bilang alalay sa aking paglalakad. "I think, instead of buying those stuffs, magpahinga ka na lang. Sa iba ko na lang ito iuutos." sir Santos sounds disappointed. Wala naman akong magagawa dahil hindi ko rin naman kagustuhan ang ginawang pag-atake nung lawbreakers.
"Okay sir," iniabot ko sa kanya muli ang list at ang pera. "Sorry ulit, sir." Nagbuntong hininga si sir at naglakad na ako palabas.
Pagkalabas ko pa lang ng faculty room ay sumalubong na agad sa akin sina Aris, Diana, at Casey. "O, 'te, kumusta? Pinagalitan ka ba ni sir Santos?" tanong sa akin ng baklang si Aris at sinabayan nila ako sa paglalakad. Actually, may klase ako at ihahatid nila ako sa classroom namin.
Kahit ibang section 'tong tatlong 'to ay talagang naka-close ko sila ke'sa mga kaklase ko. Okay na rin 'yon, mas gusto ko pa ang small circle of friends ke'sa sa madami nga akong kaibigan pero karamihan naman ay peke.
"As usual, nagalit si sir. Actually, hindi siya nagalit, parang na-disappoint lang siya ganoon," kuwento ko sa kanila at lumiko kami sa isang pasilyo. "Hindi ko naman kasalanan na tumama ang hita ko sa isang bakal, 'no!"
Hindi nila alam na tatlo ang tungkol sa mga gawain ng Class zero kung kaya naman napipilitan ako gumawa ng mga kasinungalingan para lang mapagtakpan ang secret objectives/mission ng class zero.
“Sinisi mo pa yung bakal," sabi ni Casey at napatawa naman ang dalawa. "Ganito na lang, samahan ka na lang muna namin ikaw sa dorm mo afterclass. Okay ba 'yon?" She asked. Gustong-gusto nilang tatlo na tumatambay sa dorm ko dahil mas malaki daw ito kumpara sa normal na dorm room.
"Hindi puwede, may klase pa 'ko sa class zero." I informed them. Napatigil silang tatlo sa paglalakad kung kaya't napahinto rin ako. "Bakit? May mali ba sa sinabi ko?"
"Akala ko ba aalis ka na sa class zero?" Tanong sa akin ni Diana.
"Well, sa tingin ko ay wala namang rason para--"
Napatigil ako sa aking sinasabi nung bigla na lang silang yumakap na tatlo. "You know, alam naman talaga namin na gusto mo pa ring mag-stay sa class zero, eh. Buti na lang at hindi ka umalis... May chance pa rin kaming makalapit kanila Seven at Ace!" Sabi ng baklang si Aris at napailing na lang ako. Lalaki pa rin talaga ang nasa isip ng mga 'to.
Siguro nga ay hindi ko naman talaga gusto na umalis sa class zero. Talagang inunahan lang ako ng kaba noong mga nakaraang araw kung kaya't idinistansya ko ang aking sarili sa mga activities nila. Ngayon, sobrang magiging masaya pa ako na makabalik sa Class zero dahil may rason na ako para manatili... Iyon ay ang tulungan ang mga tao laban sa mga lawbreakers.
"Sila Ace lang ang gusto ninyong makita sa Class zero, eh." Sabi ko sa kanila.
"Slight lang." halos sabay-sabay naman nilang sagot.
Nakarating na ako sa classroom at nagpaalam na naman ako sa kanila. Pagkapasok ko na naman sa room ay nakatingin na naman ang mga kaklase ko, suot ko kasi ngayon ang badge ng Class zero. Gusto ko lang suotin ito, I am glad lang na makabalik ako sa class zero.
Bumuntong hininga ako at umupo na lang sa puwesto ko. Sinubukan kong tingnan sa mata ang babae malapit sa upuan ko.
"b***h, she's wearing the badge again para magpasikat."
Hindi ko alam pero bigla ko na lang nabasa kung ano man ang iniisip niya. Sabi ni Seven sa akin ay baka mind reading ang kakayahan ko. Hindi ko alam kung magugustuhan ko ang ganitong klaseng kakayahan dahil pakiramdam ko ay ini-invade ko ang privacy nila.
Ngumiti sa akin ang babae at saglit akong huminto sa kanyang tapat. "Huwag mo akong ngitian kung b***h ang tingin mo sa akin." Sabi ko at umupo na sa aking pwesto, nawala ang pekeng ngiti sa kanyang labi at napayuko.
Mabilis na natapos ang klase, saglit akong bumalik sa dorm upang magpalit ng damit. Kahit naman pinapayagan kaming magsuot ng kahit anong gusto naming suotin as a class zero, gusto kong magsuot pa rin ng uniform para maramdaman ko na parte pa rin ako ng Merton Academy.
I am wearing a simple white t-shirt na may tatak na isang malaking happy emoji at pants.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng dorm at naglakad patungo sa classroom ng class zero, ang hirap maglakad kapag may injury ang paa, halos ilang minuto rin ang inabot ko sa paglalakad kahit na malapit lang ang Class zero. Ngayong nasa tapat na ako nito ay muli long pinagmasdan ang pinto nito, this time, kinakabahan ako kung tatanggapin pa rin ba ako sa klaseng ito.
"Tatayo ka na lang ba talaga lagi diyan?" Biglang may nagsalita sa likuran ko kung kaya't napalingon ako, nakatayo si Sevem sa likod ko habang nakapamulsa. "Wala kang balak pumasok?"
Tinignan ko siya ng mata sa mata para mabasa ang tumatakbo sa kanyang iniisip.
'If you're trying to read my mind, hindi 'yan effective.’
He smirked on me at naglakad na papasok. What the... Paano niya nalaman na sinubukan kong basahin ang isip niya? Ganoon ba ka-obvious ang pagma-mind reading ko?
Bumuntong hininga ako. "Bwisit pa rin talaga kahit kailan." Mahina kong bulong sa aking sarili at naglakad na ako papasok sa class 0. Pagkapasok ko pa lang sa mismong room ay napalingon na sa akin ang mga kaklase ko at napatigil sila sa pag-uusap.
"B-Bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong ko at saglot na napahinto.
"Welcome back, Jamieee!" Tumakbo papalapit sa akin si Kiryu at binigyan ako nang mahigpit na yakap. "Alam mo ba, na-miss kita. Nawalan ako nang kadaldalan sa discussion ni sir Joseph,"
"Ki...Kiryu, ang hirap huminga," sabi ko dahil napakahigpit naman talaga nang yakap nitong kambal na ito.
Bumitaw si Kiryu at nakangiting tumingin sa aking mata. "Welcome back to class 0, sabi ko na nga ba't babalik ka rin e." Sabi niya sa akin.
"Welcome back, Jamie girl." Sabi ni Ace sa akin at ngumiti.
Naglakad na ako patungo sa upuan ko gamit ang saklay. Na-miss kong umupo dito dahil halos ilang linggo rin akong nawala. Pagkaupo ko ay saktong bumukas muli ang pinto at iniliwa nito si Teddy. "Why are you all looking at me like you're looking at microscope?" Sabi niya. Kahit si Teddy ay bumalik na rin ngayon sa class zero.
Kung ano man ang rason ni Teddy para bumalik ay hindi ko alam. Pero masaya ako na bumalik siya. Si Minute na lang ang hindi pa bumabalik.
"Welcome back, Teddy bear!" Sabi ni Jessica.
"Huwag mo nga akong tawaging ganyan!" Reklamo ni Teddy at napatawa kaming lahat.
Pumasok na si sir Joseph sa classroom at napangiti nung makita na nakabalik na kaming dalawa ni Teddy. "Welcome back, kids." Sabi niya sa amin.
"Jamie, may nakarating sa aking balita na nalaman mo na ang ability mo?" Tanong sa akin ni sir.
"Talagaaaa?! Anong powers mo, Jamie?" Tanong sa akin ng maingay na si Kiryu.
"Hindi ko alam kung ito nga ang ability ko sir pero kaya kong magbasa ng iniisip ng tao. I can get some information sa utak ng ibang tao, kagabi, may nakalaban kaming lawbreakers at may sinasa--"
"We will talk about that later, Jamie." Sabi ni sir. "Kung talagang nakakabasa ka ng isipan, ano ang tumatakbo sa isip ko ngayon?"
Tumingin ako sa mata ni sir. "May misyon kang ibibigay sa ilang estudyante rito sa Class zero." Sabi ni sir.
“Very good," nakangiting sabo ni sir, iniayos niya ang projector at may pinresent siya sa buong klase. "Mayroong bali-balitang may kakaibang nangyayari raw sa Pampanga, there are some mysterious events that occurs at sa tingin ko..."
"May kinalaman ang mga lawbreakers?" Tanong ni Kiran.
"Exactly. So I want to send some of you para mag-imbestiga sa lugar na iyon. You need to stay there for two to three days," paliwanag ni sir. "Ang mga isasama ko sa misyong ito ay sina Seven, Ace, Kiran, Mild, at Jamie." Paliwanag ni sir at nabigla pa ako dahil isasama nila agad ako sa misyong ito kahit na kababalik ko pa lang sa class zero.
Ipinaliwanag sa amin ni sir ang aming dapat gawin, ito ang unang misyon na ibibigay sa amin ni sir Joseph na lalabas ng Maynila kung kaya't ayoko rin siyang biguin.
"Thanks God at hindi ako kasama," narinig ko pang sabi ni Girly.
The discussion continued at mabilis siyang natapos. Natapos ang klase namin sa class zero at isa-isa nang naglalabasan ang mga kaklase namin. Nililigpit ko na ang mga gamit ko sa desk. "Jamie," tawag ni sir sa akin. Oo nga pala, plano akong kausapin ngayon ni sir.
Tumingin sa akin si Mild at ngumiti. "Hintayin na lang kita sa labas," sabi niya sa akin at tumango ako.
"Seven told me na may kakaibang lawbreaker kayong nakalaban kahapon, and with the help of your ability, may ilang impormasyon kang nalaman," sabi ni sir sa akin at dahan-dahan akong tumango sa kanya. "Mind to tell me kung ano ang mga impormasyong nakuha mo?"
"May isa kaming lawbreakers na nakalaban kahapon, sir. His name is Lupin," sabi ko sa kanya.
"Ganito ba ang hitsura niya?" May hinanap saglit na picture si sir sa kanyang laptop at mayamaya ay iniharap sa akin. Nakita ko ang korteng diamond na tattoo sa kanyang ulo, sigurado ako... iyon nga si Lupin.
"Opo sir, nakakuha ako ng ilang impormasyon sa pagbasa ng kanyang isip. He's part of a big organization, may mas malalaki pang tao ang nasa likod ng mga g**o," pagkekuwento ko at pilit na inaalala kung ano ang mga nabasa ko sa isip ni Lupin.
"Nalaman mo ba kung ano ang pangalan ng organisasyon nila?" tanong sa akin ni sir Joseph.
Umiling ako. "Hindi, sir, umiwas na ng tingin sa akin si Lupin kung kaya't naputol na ang pagbabasa ko sa kanyang isipan. Somehow, nababasa ko lang iniisip ng isang tao sa tuwing nagtatama ang aming mga mata." Kwento ni sir at napatango-tango siya.
"You'd done a great job, Jamie. Baka sa pamamagitan nang kakayahan mo ay malaman natin kung sino nga talaga ang nagko-kontrol sa mga lawbreakers. That's the reason kung bakit gusto kitang isama sa misyon sa Pampanga, dahil baka may impormasyon kang makuha roon kung sakali mang totoong may lawbreaker sa lugar na iyon." Paliwanag ni sir Joseph sa akin. "Thank you, Jamie, for being honest."
"Wala po 'yon, sir." sabi ko at isinukbit na ang aking bag sa likod.
"Welcome back to the class zero, Jamie. By the way, huwag mo sanang isipin na isang sumpa ang kapangyarihan mo, Jamie... it's a gift. A gift na magagamit mo para matulungan mo ang mga taong nangangailangan." Paliwanag ni sir sa akin at napangiti ako. Tama siya, gagamitin ko ang kakayahan ko para tulungan ang mga tao sa mundong ito.