12:35.
Ang init ng araw ay sinasalo lahat ng balat ko, mahigit kalahating oras na ko ditong nag-aabang sa sinabi ni kuya na susundo sakin. Pakiramdam ko ang kutis na matagal kong inalagaan nung nasa puder pa ko ni Lolo Ed ay maglalaho na. Namamawis ultimo ang singit ko, buti nalang at nagbago ang isip ko na magsuot ng trench coat kahit pa mukhang uulan kanina ng nasa byahe ako at para rin sana maitago ang exposed kong braso at balikat.
Isang lumang car truck ang huminto saking harapan, sakay nito ang isang matandang babaeng nakasuot ng hat, though I think it's panama or something.
Bumaba sya at walang sabi sabing kinuha ang mga gamit ko. Bahagya syang tumingin sakin nang maramdaman nyang di ako umimik ng kunin nya pati ang personal kong bag.
" Aunt Elise " di ko siguradong sya to, ngunit sa ilang mga picture sa photo album ni Lolo Ed ay nandon ang mukha nya.
Tumango ito at itinuro ang kabilang side ng sasakyan.
Pagpasok ko, hinalungkat ko kagad ang aking bag at naghanap ng pwedeng pamunas sa buong katawan kong namamawis.
" Mainit talaga dito " panimula nya naikinalingon ko.
Hindi na ko nagsalita. Aunt Elise was my Lolo Ed's bestfriend, we're not really blood related. Malaki ang utang na loob ng pamilya nila kay Lolo that's why hindi sila nakakatanggi sa kanya kapag ito naman ang humingi ng pabor kagaya ngayon.
Hindi ko alam kung ilang araw, buwan o taon ang itatagal ko dito dahil ayon kay Lolo, hindi ako makakabalik sa bahay hanggat hindi ako tumitino.
Mahaba haba ang naging byahe namin pakiramdam ko sobra ko ng lagkit. Huminto ang sasakyan sa isang lupaing puro alagang hayop, may mga manok, baka, kalabaw, kambing, kabayo, ostrich, it's more like a farm, ayon kay kuya, exciting daw tumira dito.. s**t! hindi naman mukhang exciting dito.
Ipinasok nya ang sasakyan sa pinakagate nito, nadadaanan namin ang ilang mga pares ng hayop at haystack.
Napalunok ako ng finally huminto ang sasakyan sa isang bahay. Modern house sya na gawa sa kahoy, unang bumaba si Aunt Elise saka nya diniscard ang mga gamit ko na nasa likod ng truck. Nang hindi pa ko bumaba ay tinignan nya ako.
" Kung hindi ka bababa dyan, ibabalik kita sa terminal at don ka magpapalipas ng gabi "
Taranta akong bumaba at paglapat na paglapat ng paa ko sa lugar nya ay muntik na kong mapamura. Nakaapak agad ako ng nakaipong tae ng kambing.
Tinignan ko sya, tanging iling lang ang ibinalik nya sakin. Dire-diretso sya sa likod ng bahay at nang bumalik ay may dala dala ng isang timbang tubig.
Nagulantang ako ng basain nya ng isang tabo ang suot kong T-strap sandal. s**t! hindi ko nga to binabasa dahil baka masira tapos sya basta basta nya nalang babasain!!! arghhh!
" Bilisan mo dyan, iakyat mo lahat ng gamit mo sa kwarto sa pangalawang palapag at bumalik ka dito "
Napakacold nyang magsalita. I wondered, ganto ba kapag matandang dalaga? as in sobrang sungit ba talaga?
Umalis sya at pumunta sa isang barn house bitbit ang dalawang timbang di ko alam kung anong laman.
Matapos kong linisan ang dumi sa ilalim ng sandals ko ay agad akong pumasok. Bumungad sakin ang chandelier na hindi msyadong malaki ngunit masasabi kong parang matagal ng hindi nagagamit gawa ng may mga sapot sapot ito. Ang flooring ay gawa sa malalapad na kahoy na namumuti na sa sobrang alikabok, maging ang mga palamuti na nakasabit ay puno ng alikabok.
Pagod akong natapos sa pag-aakyat ng gamit ko sa taas. Akala ko talaga makakapagpahinga ako, akala ko lang pala. Paglabas ko, kita ko kagad mula dito ang likod ni Aunt Elise na nagsasaboy ng pagkain sa mga nagkalat na manok. Nalingunan ko din ang isang duyan na nakasabit lang sa gilid nitong bahay nya, kaya naman iniladlad ko ito at prenteng umupo.
Nang makita nya kong nakaupo at pinagmamasdan sya, agad syang naglakad patungo sakin.
" Anong ginagawa mo? " tanong nito, ibinaba nya ang suot nyang sombrero at kunot noong tinignan ako.
" Nagpapahin-- "
" nakita mo na ba akong nagpahinga? tumayo ka dyan at magluto ka " utos nito saka muling bumalik sa pagpapakain sa kanyang mga alaga.
Napanganga ako sa utos nya. What the?! I don't even know how to cook! I mean, hindi ko pa nga nasusubukang magluto sa buong buhay ko, sanay akong ako ang pinagluluto.
Pumasok ako sa loob ng bahay hindi para magluto, kundi para tawagan si kuya!
" Kaya ka nga dyan pinatapon ni Lolo Ed for you to learn your lessons "
Pagsagot nya palang ng tawag kanina, napaiyak na ko. I don't imagine myself in this kind of place. Ayokong makasama ang mga alagang hayop ni Aunt Elise, ayoko na dito.
" Please kuya, tell Lolo Ed na magbabago na ko, please ayoko dito kuya, sunduin mo na ko "
Sa huli, hindi ko nakumbinsi si kuya na sunduin ako. Sabi nya, masundo nya man daw ako at itago sa condo nya, malalaman pa din ni Lolo at baka pati sya madamay sa kagagahan ko sa buhay, mas ayoko namang mangyari yon.
Napapitlag ako ng pumasok si Aunt Elise dala ang dalawang timbang kulay pilak na may lamang gatas.
" malinaw ang pagkaka-utos ko sayo hindi ba? nagawa mo ba? "
Umiling ako.
Bakas sa mukha nya ang pagkairita sa hindi ko pagsunod sa kanya.
" Simple lang ang pinapagawa ko sayo, hindi mo magawa? "
Napakagat labi ako.
" I.. I don't know how to c--- "
" Wag mo nga ko paandaran ng kaartehan mo, pilipino ka kaya magtagalog ka " sabi nito bago pumasok sa kusina.
I inhaled deeply saka napapikit.
Ito na ba yung ganti sakin? sa pagiging sakit ko sa ulo kay Lolo at kuya?
Sanay akong ako ang nag uutos, hindi ako ang inuutusan. Nabuhay akong pinagsisilbihan, at nakukuha lahat ng gustuhin, lahat ng kailangan ko naibibigay, ni minsan hindi ako nakaramdam ng pagod at paghihirap na makuha ang isang bagay. Eto na ata yung balik sa lahat ng kapritsuhan ko.
" Ano ba? tatayo ka lang ba talaga dyan? tulungan mo ko dito "