HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW
"Psst!"
Lakad, takbo. Ayan ang kanina ko pa ginagawa habang mahigpit ang hawak ko sa sling bag ko.
Kasi naman 'eh! May mga pangit na sumusunod sa akin at kanina pa sumisitsit—ayaw ko na nga lang lumingon dahil kinikilabutan ang katawan ko sa tuwing nakikita ko kung gaano sila ka-pangit.
Lord naman, alam kong humiling ako na sana mag ka-boyfriend na ako—pero 'wag naman po 'yung gan'yan ka-pangit! Mukhang mga adik naman kasi ih.
Habol ko na ang paghinga ko't hindi na halos lakad ang nagagawa ko—tumatakbo na talaga ako! Maikli lang naman kasi ang biyas ko dahil maliit lang akong babae, pero maganda ang kurba ng katawan ko't ganoon din ang katawan ko. Pinagpala rin ako pagdating sa dibdib, pero sakto lang naman—para sa akin. Sabi kasi ng kasama ko sa trabaho ay medyo malaki raw ang dibdib ko at hindi gaanong bagay sa katawan ko—pero sabi niya 'yon! Maniniwala ako sa sarili ko aba. Sexy ko kaya! Kaya hindi na ako magtataka ngayon kung bakit ako hinahabol ng mga pangit na nadaanan ko kanina sa iskinita.
"Psst! Miss!" tawag ulit ng isa sa kanila't parang naririnig ko na rin na tumatakbo na sila katulad ko, kaya naman mas binilisan ko na ang pagtakbo ko.
Takbo na talaga! Umaalog na nga ang mga dibdib ko dahil mabilis na ang pagtakbo ko.
Hindi naman ako gaanong takot sa ganitong mga klase ng pangyayari. Hindi na rin ako takot sa mga lalaki na mas malalaki pa sa akin dahil nasanay na akong makakita ng mga taong mas nakakatakot pa sa mga pangit na humahabol sa akin ngayon.
Ikaw ba naman araw-araw singilin at takutin ng mga loan shark na puno ng tattoo ang katawan 'eh! At isa pa, kung pabaitan lang ang labanan ay talo na ako dahil muntik na akong makapatay ng tao—isang buwan lang ang nakakaraan.
At dahil pambansang tanga at tapang-tapangan ako, eh aba't hinamon ko pa ang boss ng mga ito na hanapin ako. Huhu, gusto kong sambunutan ang sarili ko sa part na 'yon! As in, Oh My God!
"Hoy miss! Tigil pwede?!" Ayan na naman ang sigaw ng pangit na lalaki. Pangit na nga ang mukha—pangit pa ang boses!
Pesteng yawa! Kung bakit ba naman kasi ang bilis lumubog ng araw ngayon araw?! Alas seis pa lang pero madilim na dito sa barangay namin kaya naman heto ako't nararanasan 'to ngayon.
Tulad nga ng sabi ko, hindi naman sana ako takot—kaya lang gabi na kasi, at mas marami sila sa akin. Tapos mukha pang mga adik na pangit dahil namumula ang mga mata.
Grabe talaga ang mga lalaki ngayon! Pangit na nga, adik pa! Pagkatapos malalakas pa magreklamo kung bakit hindi sila nagkaka-shota? Nako!
"Aba't ayaw mong tumigil ha—"
"AHHH! TIGILAN NIYO AKO! MGA PANGIT KAYO!" malakas na sigaw ko at mas lalo nang binilisan ang pagtakbo ko.
Nasa kalsada na kami, madilim dahil nasa dulo lang ang street light na nag-iisa. Wala ring gaanong bahay at puro puno lang—pero malapit nang makalabas sa highway.
Daig ko pa ang hinahabol ng aso ngayon—sobrang bilis ng takbo ko't hindi ko na inintindi pa ang malalaki kong dibdib na medyo sumasakit dahil sa pag-alog. Maluwang at luma na kasi ang bra na suot ko ngayon.
Grabe! Papasok na nga lang ako sa trabaho pero gan'to pa ang nararanasan ko—ang hirap maging maganda!
"Ahh! Tulong! May mga pangit—adik na humahabol sa akin!" sigaw ko pa rin habang tumatakbo.
Malapit na ako sa highway at sa street light kaya medyo nabuhayan ako—kaya lang, nagawa namang hablutin ng isa sa kanila ang kanang kamay ko kaya naman hindi ko na nagawa pang tumakbo.
Umakto akong takot na takot. Medyo naaaninag ko ang pangit na mukha ng lalaking may hawak sa pala-pulsuhan ko ngayon.
Hinihingal din ito kagaya ko—ganoon din ang dalawa pa nitong kasama na nakayuko at nakapatong pa ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod.
"A—Ano bang kailangan n-niyo sa akin?" kinakabahan kong tanong habang pilit na hinahatak pabalik ang kamay ko. Hindi pa agad nagsalita ang lalaking nasa harap ko, bumuntong hininga muna ito at halos himatayin pa ako dahil sa baho ng hininga nito.
Ilang sandali pa't binitawan nito ang kamay ko, pagkatapos ay ngumiti kaya kitang-kita ko ang tartar na namuo sa harap na ngipin nito.
Napangiwi pa ako't halos maiyak na dahil pakiramdam ko ay sobrang sama ko nang tao dahil sa mga sinasabi ko ngayon—kahit na alam kong dini-describe ko lang naman talaga sila. Huhu.
"Pinagod mo kami m-miss! Sabing tumigil ka m-muna 'eh!" Reklamo nito sa akin.
Ako naman 'eh kumunot ang noo't nakakapit ulit sa sling bag ko. "P-Paanong hindi ako tatakobo kung hahabulin ako ng mga pangit— este mga lalaking katulad niyo?!" hindi makapaniwala kong saad.
"A-Aray ha! Walang preno ang bibig m-mo, nakakasakit ka naman ng damdamin." saad naman nang isa sa likod na ngayon ay humakbang na rin palapit.
Naitikom ko naman ang bibig ko. Tanga ka talaga self! Tanga! Tanga! Kung bakit ba naman kasi walang preno ang bibig na 'to—hindi na ako magtataka kung dumating ang araw na ang bibig kong walang preno o filter ang magiging dahilan nang pagkamatay ko 'eh.
"E-Eh kasi naman 'eh—bakit ba kasi?" hindi mapakali kong tanong. Baka late na 'ko! Jusko, linggo pa naman ngayon, maraming customer!
"Oh!" masungit na sabi ng lalaking nasa harap ko't may iniaabot sa akin.
Napangiwi ako nang makita ang hawak nito.
"Ano 'yan?"
"Ay tanga—malamang pera! Five hundred pesos pa nga—"
"Mas tanga ka!" Umuusok na ang ilong ko dahil sa inis. Namewang pa ako't tinaasan ito ng kilay. "Alam kong pera, pero para saan 'yan? Hindi naman akin 'yan dahil mahirap lang ako't wala akong pera."
Napakamot naman ito sa likod ng ulo't tumingin sa isa pang kaibigan na kakaabante lang din ngayon at nasa kaliwang side niya na.
"Bet ka nitong tropa namin! 'Eh nakikita kang halos araw-araw na naglalakad mula don sa kalye mahayahay hanggang dito sa highway, kaya ayan! Binibigyan ka ng pera pang-pamasahe."
Nangilabot ako dahil sa narinig ko. Alam kong dapat thankful ako dahil sa gan'tong klase ng intensyon—pero—
Napabuntong hininga ako. "T-Thank you, pero hindi ko matatanggap 'yan." Pag-tanggi ko't nagsisimula nang umatras dahil tatakbo ako ulit.
"Ha? Bakit naman? Tanggapin mo na! Sayang, pera 'to oh!" alok pa nito ulit sa akin pero umiling lang ako.
Ayaw kong nang magkaroon ng utang o kahit utang na loob man lang sa iba.
"Hoy! Sige na miss—"
"A-Ayaw ko nga—aray! Ano ba?!" sigaw ko nang mabilis na nakalapit ang isa sa kanila't hinatak na naman ang braso ko.
Nagsimula na akong matakot dahil nag-iba na ang ekspresyon sa mga mukha nila.
Diba? Ito ang sinasabi ko! Kaya wala akong tiwala sa mga lalaki—kasi gan'to! Jusko, pangit na nga, adik na nga—tapos ganito pa ang gagawin.
Lord naman ih! Bagsakan mo naman ako ng isang pogi at makapigil hiningang nilalang diyan oh.
Nagpumiglas ako't ginawa ang signature move ko—pagsipa sa betlog ng lalaking may hawak sa akin!
"ARGHH!" malakas na sigaw nito at mabilis na akong tumalikod para tumakbo—kaya lang, napahinto rin ako dahil naunahan ako nang dalawa pa nitong kasama.
"A-Ang mga mababait na aso ay nakikinig sa amo." wala sa sarili kong sabi habang nagpapalit-palit ang tingin sa dalawa.
Mas lalo naman yata itong nainis kaya halos tumili na ako nang akmang sabay nila akong hahablutin.
"AHH! MAHABAGING LANGIT—" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang isang malakas na pag-busina ng kotse ang umagaw sa atensyon naming apat.
Nanlaki pa ang mga mata ko—'di alintana ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa isang motorsiklo na ngayon ay nakahinto, ay halos limang inch lang ang layo sa akin.
Kailan pa dumating 'to? Bakit hindi man lang namin narinig ang papalapit nitong tunog?
"Aba gag*! T-ngina! Sinong g*go ang driver—" nanatili ang ilaw ng motor, habang ang driver naman ay bumaba na rito. Bumungad ang isang lalaki na kakahubad lang ng helmet na suot, at nakasuot ito ng purong itim na kasuotan.
Ang ilaw na nanggagaling lang sa motor at 'di kalayuang street lights lang ang nagsisilbing liwanag sa lugar. Pero nakakapagtaka—dahil daig ko pa ang pusa na mayroong night vision.
Dahil kitang-kita at naaaninag ko ang gwapong mukha ng lalaking ngayon ay nakahamba sa malaking motor nito—big bike yata ang tawag nila sa ganitong klase ng motor.
Magulo ang itim na itim nitong buhok, mayroong siyang lip piercing—at may tattoo sa kaniyang leeg. Ang mga mata niyang kulay itim—as in itim na itim, at tila ay mas malalim pa sa dagat, ay nakatitig sa akin. Kita ko ang tila pag-angat ng isang sulok ng kaniyang labi bago iyon unti-unting bumukas.
"Zayka moia..." Ang malamig niyang tinig ay tila naging dahilan nang paninindig ng balahibo ko. Tipong hindi naman malakas nag hangin pero bigla akong nilamig.
Nakatulala lang ako't hindi alam ang sasabihin dahil hindi ko naman kilala ang lalaking 'to—pero mabuti na lang ay matalino ako't nakagawa ako ng paraan para magkaroon ito ng silbi sa akin.
"Bakit ang tagal mo?!" kunwari ay inis kong sambit bago nagmamadali at kinakabahang lumapit sa lalaki.
Nanginginig ang mga kamay ko nang nasa tapat ko na ito. Napalunok pa ako nang maamoy ko ang matapang niyang pabango na agad na nanuot sa ilong ko.
Kailangan ko 'tong gawin, para tigilan ako ng mga lalaking 'to.
"Kanina pa kita hinihintay." pag-akto ko pa't bumaling ulit ng tingin sa tatlong lalaki na nakatulala sa amin at tila gusto na lang umatras.
Jusko Lord! Hulog ng langit nga—isang poging nilalang ang andito ngayon!
"Sorry... are they bothering you, Zayka moia?"
Zayka moia... ano bang ibig sabihin 'non? Pero sige, kunwari alam ko.
Akmang tatango na ako nang unahan akong magsalita ng tatlo.
"N-No! Hindi! A—aalis na nga kami 'eh." Sigaw ng isa sa kanila bago hinatak ang dalawa pang kasama. "T-Tara na!"
Nakahinga na ako ng maluwag nang makitang umalis na sila. Napabuga pa ako ng malakas na hangin dahil 'don.
Malakas kong tinampal ang pisngi ko. "Shet! Thank you lord—" humarap ako sa lalaki. "Thank you kuya! Nako! Buti na lang at napadaan ka rito." pasasalamat ko kay kuyang pogi.
"Ayos lang... saan ka ba pupunta?" tanong nito sa akin. Ang sarap sa pandinig ng pagtatagalog niya. Ang expensive tignan, mayaman siguro 'to.
Tumawa lang naman ako. "Nako, ayos lang! 'Don ako sasakay sa highway, pupunta ako ngayon sa night shift ko—convenience store sa 'don sa Sta. Rita."
Hele, bakit bigla naman akong naging madaldal?! Kasi naman ih—aba, ang landi Hapi ha?! Samantalang kanina e diring-diri ka sa mga pangit na humahabol sa'yo.
"Malayo pa, sumabay ka na sa akin—doon din naman ang punta ko." pag-aya niya kaya natigilan ako.
Ayokong magkaroon ng utang na loob...
Hindi ako mapakali't napatingin sa relo kong mumurahin—alas siete na't kung maghihintay pa ako ng masasakyan ay talaga namang late na late na ako makakarating 'don.
"H-Ha? B-Baka maabala pa k-kita—" hindi ko naman na natuloy pa ang sasabihin ko ng ituro niya ang isang sako na nasa courier ng motor niya.
"May i-dedeliver akong parcel 'don, kaya ayos lang. May dinilever din ako 'don banda sa unahan, kaya nakita ko kayo dito."
Ahh... delivery rider naman pala. Pero shet! Ang poging delivery rider ha?!
"S-Sige, sabi mo 'eh." Malandi kong sabi—este nahihiya kong sabi.
Tumango naman ito't isinuot sa akin ang helmet imbis na sa sarili niya. Kinilig ang aking petchay—este, kinilig nga ako! Paano, pogi na mabait pa—
Gan'to dapat ang mga lalaki humahabol ng babae tuwing gabi.
Inalalayan niya akong makaupo dahil medyo mataas ang motor, at nang makaupo na ako ay sumunod naman siya.
"Kumapit ka." Rinig kong utos niya kaya kagat-labi akong nakakapit sa balikat niya. Nakakahiya, dahil nanginginig din yata ang mga kamay ko.
Nang umandar na ang motor, ay sobrang lakas ng pag-kabog ng puso ko.
Ayaw kong magkaroon ng utang na loob—kaya buong byahe ay halos nagiisip lang ako ng ipambabayad ko bukod sa pera.
NAGING mabilis lang ang byahe, nang bumaba ako sa motor ay agad kong hinubad ang helmet ang nagpasalamat sa kaniya.
"Teka, hintayin mo 'ko dito—may ibibigay ako." Sabi ko, agad na akong tumalikod at hindi na hinintay pa ang sagot niya.
Sa likod na ako dumaan, dumeretso sa bodega ng convenience store bago ay ginawang kunin ang pang-bayad ko.
Agad kong ibinaba ang pants na suot ko't hinubad ang black na panty—Victoria's Secret ko panty!
No choice ako—mahal naman 'to 'eh! Pwede niya siguro 'tong isangla. Kakasuot ko lang din nito, at kakaligo ko lang din kanina bago ako umalis—for sure wala tong amoy.
At para ma-confirm 'yon—inamoy ko ang panty at shwala! Wala nga, mabango, perfect!
Sinuot ko an ulit ang pants ko't napapakamot na lang sa ulo ko nang maisip ang loka-loka kong ideya.
Kasi naman 'eh, wala akong pera, pero gusto kong magbayad dahil ayaw kong magkaroon ng utang na loob.
At isa pa, 'di naman na siguro kami magkikita ng lalaking 'yon.
Pero infairnesss, ang pogi niya talaga.
Naabutan ko siyang naka-park na sa medyo gilid ng convenience store, inaayos niya ang mga parcel na nasa nasa sako nang makalapit ako sa kaniya.
Mukhang napansin niya naman ang presensya ko dahil lumingon siya't wala na akong inaksaya pang oras, dahil agad ko nang inabot sa kaniya ang bayad ko.
Nagiwas agad ako ng tingin nang makuha niya na 'yon. Hindi ko na magawang tumingin sa kaniya dahil sa hiya. Naginit din ang mukha ko't, sigurado at namumula na ang pisngi ko!
Letse! Baliw ka talaga Hapi! Baliw! Baliw!
"A-Ayaw kong magkaroon ng utang na l-loob. Pero wala akong p-pera, kaya 'yan na lang! Victoria's S-Secret naman 'yan—mahal 'yan! Kung kulang, bibigyan pa k-kita ng marami. 'Yun lang, thank you ulit!"
Halos sampalin ko na ang sarili ko habang mabilis at hinihingal akong tumatakbo papasok ng convenience store.
Sumalubong sa akin ang sermon ng boss ko pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin dahil tila lumulutang ang utak ko.
Hindi ko na nagawa pang tignan ang poging mukha ng lalaki 'yon. Hindi ko man lang din natanong ang pangalan nito—pero ayos lang! Dahil nakakahiya ang ginawa ko.
Malakas kong inuntog ang ulo ko sa lamesa na nasa harap ko. Lantang-lanta ako dahil tila ngayon ko lang na-realize ang kahibangan na ginawa ako.
"Favorite ko ang panty na 'yon!" Reklamo ko pa sa sarili ko.
Hiyang-hiya ako—pero curious ako kung nakaalis na ba 'yung pogi. Kaya naman may pasilip-silip effect ako mula dito sa loob para makita kung nakaalis na ba siya.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita na wala na.
Napatakip ulit ako sa mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman. Minsan talaga, gusto ko na lang magpalamon sa lupa.