HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW Malamig ang hangin. Mabilis din ang t***k ng puso ko. Andito na ako... pabalik na ako sa lugar kung saan ako lumaki. Ang lugar na naiiwan ng puwang sa puso ko, at ang lugar na nagpapaalala sa akin sa isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Walang iba kundi ang Mama ko. Nakasakay na kami ngayon ni Mara sa pampasaheromv bangka na bumabyahe papunta sa Isla. Nakakagulat pa nga dahil nakita ko rin ngayon ang kababata kong kaibigan na kasama kong lumuwas noon sa syodad. Malalim ang iniisip ko, pero mukhang mas malalim ngayon ang iniisip ni Mara. Nang bumaling kasi ako sa kaniya ay nakatulala siya't halos hindi na gumagalaw. Kaya naman walang pagaalinlangan kong hinawakan ang kamay niya. Kinulong ko 'yon sa pagitan ng mga kamay ko na mas maliit pa kesa sa kama

