Kabanata 05: Tulungan mo ako

2159 Words
HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW "Ano na naman bang katangahan 'to?! Junjun?! Tangina naman, tatlong buwan pa lang mula nang ikasal tayo pero nambabae ka na agad?! Ha?! Ipagpapalit mo ako sa p-pangit na 'yan?!" Naalimpungatan ako dahil sa malakas na sigawan na nanggagaling mula sa ibabang palapag ng bahay na tinutuluyan ko. "Tamang hinala ka na naman Clara! Sinabi nang katrabaho ko lang 'yon, hinatid ko lang dahil madaling araw na't walang masakyan—" "Ayan ka na naman sa nakakatangang dahilan mo! Bobo ka ba, ha?! Hindi pa ba pambababae 'yang ginagawa mo?! Iharap mo sa akin ang haliparot na 'yan nang masample-an ko ng mag-asawang sampal ang mukha niyan!" Napahilamos ako sa mukha ko't inabot ang isa kong unan na wala man lang kalambot-lambot. Ipinatong ko iyon sa mukha ko para mabawasan ang malakas nilang sigawan. Dalawang palapag kasi ang bahay na ito, gawa lang sa kahoy kaya mura ang renta. Eight hundred lang per month, at sa taas ang napili ko dahil maliit lang at sakto lang para sa akin. Habang ang nasa ibaba naman, ay mag-asawang halos araw-araw yata nagaaway. Sila ay sina Clara at Junjun. Sila na ang nagsisilbing alarm clock ko! "Grabe ka Junjun! Lumapit ka dito at iitakin na talaga kita!" Mga malalakas na sigawan ang susunod na narinig ko kaya naman mabilis pa sa alas cuatro akong napabangon. Tumilapon pa ang unan na nakatabon sa mukha ko dahil sa mabilis kong pagtayo at pagbaba sa kahoy na hagdan. Napangiwi ako nang maabutan ko si Clara na may hawak na itak, habang si Junjun naman ay may hawak na malaking kawali na nagsisilbing panangga niya sa itak ni Clara. "Ang aga niyo namang mag-away." Normal na banggit ko lang bago tuluyang bumaba ng hagdan. Sabay pa silang napalingon sa akin at napakamot pa si Junjun sa ulo niya habang nginunguso sa akin ang asawa niyang halos ka-edad ko lang din. Bente tres. "Clara, ibaba mo na 'yan. Kapag namatay si Junjun mawawalan ka ng asawa." Tila natauhan naman si Clara sa ginawa niya, kaya naman kahit galit ay nilapag niya ang itak pero masama pa rin ang tingin sa asawa. Sunod ko namang tinignan si Junjun. Ibinaba niya na ang kawali at kumakamot pa rin sa batok. Namewang ako't naiiling-iling pa. "Ano na naman bang kabulastugan ang ginawa mo Junjun ha? Talaga namang kung hindi pa rin titigil, hahanap 'yan si Clara nang lalaking mas malaki pa ang batuta kesa sayo." pananakot ko sa lalaki habang nilalakihan pa ito ng mata. Mukhang hindi nito nagustuhan ang narinig dahil naiiling at napayuko ito, nagsisi na sa ginawang kasalanan sa asawa niya. Napa-crossed arm naman ako. "Kayong mga lalaki talaga—matuto nga kayong makuntento aba, maraming babae sa mundo, pero isa lang ang kayang-kaya na magtitiis sa inyo at makakasama niyo sa pang-habang buhay." Napabuga ako ng malalim na hininga. "Kakakasal niyo pa lang, baka naman wala pang isang taon pero magd-divorce na kayo ha? Aba'y mahiya naman kayo sa Diyos." "Eh kasi... nambababae na naman siya—" hindi na natuloy ni Clara ang sasabihin, naiyak na ito at humahagulgol kaya nabaling na naman ang atensyon ko kay Junjun. "Gusto mo bang mawalan ng kahabaan, Junjun? Nako! Ramdam ko na isang pagkakamali mo na lang, puputulan ka na ni Clara ng ari!" Nanlaki ang mga mata ni Junjun at mabilis na napahawak sa ari niya. "Hay nako, ayusin niyo agad 'yang problema niyo nako. Sayang naman ang pinagsamahan niyo kung magpapatayan lang din kayo." Hindi na ako nagtagal pa at umakyat na rin ako agad. Naligo sa nagiisang cr na nasa ibabang palapag, at nagbihis naman sa kwarto ko. Habang nagsusuklay ako ng buhok kong may pagka-blonde—ay napatingin ako sa malaking bintana. Kitang-kita ko ang langit, ito lang kasi ang nagiisang second floor na bahay dito sa kalye na tinitirahan ko kaya naman tanaw na tanaw ang dagat. Agad na kumunot ang noo ko nang makita na andon ang araw, tila ay kulay orange din ang langit kaya ilang minuto akong nakatitig lang sa langit dahil pakiramdam ko ay mayroong mali. At nang sa wakas ay sumagi na sa isipan at napagtanto ko na kung ano ito—malakas akong napasigaw. "Hala! Hapon na! Naknamputcha naman—" muntik pa akong matalisod sa sapatos na susuotin ko sana. Nanlalaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala. Jusmiyo! Paano ba nawala sa isip ko ang sperm na 'yon—este ang delivery rider na 'yon?! Kaya nga pala ako nakauwi ng maaga dahil sa kadahilanang isasama niya ako sa event na pupuntahan niya mamayang alas sinco—at mukhang alas sinco na! Pero heto ako't kagigising lang. Kinakabahan at nagmamadali akong naghanap agad ng damit na masusuot ko. Natataranta na ako dahil wala akong magagandang damit na pwedeng pang-party o event. HALOS trenta minuto na akong naghahanap pero wala pa rin, nilalamig na nga ako dahil kanina pa ako nakahubad at naghahanap ng damit. Pasuko na rin dapat ako, pero tila ba isang anghel na tumawag sa akin at isinisigaw ang pangalan ko sa labas ng bahay. Kasunod kong narinig ang mabibigat na yabag ng kung sino at papalapit sa pinto. "Grabe ka Hapi! Idol talaga kita! Paking sheyt! Nakadali ka ba yata ng milyonaryo ah!" Sigaw nito sa labas ng pinto habang tumatango. Mabilis na tumibok ang puso ko, wala naman kong ibang kilala na lalaking kayang magbigay ng ganitong klase ng impression sa kung sino kahit sa unang kita lang. "Maxim!" Mahina kong bulong at wala sa sariling napatakbo palapit sa bintana. "A-Anong ginagawa rito?!" May kalakasan kong sigaw habang nakatingin sa lalaking full black na naman ang suot at nakasakay sa motor nasiguradong ginagamit nito para mag-deliver ng mga parcel. Nagangat siya ng tingin sa akin, may suot siyang helmet na black kaya hindi ko makita ang mukha niya, pero alam kong nakatitig siya sa kain. Ang paraan ng pagtitig niya ay alaga namang napakabigat, tipong napahawak na ako sa dibdib ko't tinatapik-tapik pa ito para lang na-inform ko ang sarili ko na need kong huminga. "Hmm... bakit malamig." Nagtataka kong tanong sa sarili habang nakatingin pa rin sa ibaba. Halos limang minuto pa ang nakalipas bago ko na naman mapagtanto kung na ang mali. Agad na naginit ang buong mukha ko bago ako dahan-dahan na umatras mula sa bintana. Hindi ako makapagsalita, tila napipi habang unti-unti akong nagbaba ng tingin sa katawan ko. Para akong nagbabagang apoy na binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang kabuuan ko. Napaupo pa ako't napahilamos na naman sa sariling mukha kahit wala namang tubig. "T-Tangina!" Wala akong damit na suot! Naka-bra lang ako nang sumilip ako sa bintana—nakita niya ang bra ko! Ang bra ko na noon ay kulay puti, pero naging dirty white na dahil sa dumi—t-tangina talaga! Nakagat ko ang sarili kong labi't napahimalos lang sa mukha. Halos sampalin ko na rin ang sarili ko dahil panibagong katangahan na naman ang nagawa ko. Hapi! Ano bang nangyayari sa'yo?! Bakit naging triple ang pagiging tanga mo?! huhu. — TAHIMIK at walang umiimik sa aming dalawa ni Maxim. Nakaangkas na ako ngayon sa motor niya at mukhang papunta na kami sa venue ng event na sinasabi niya. Simple lang ang suot ko, isang white dress lang na palin. Off shoulder at medyo fitted sa akin kaya naman nakatagilid ang paraan ng pag-angkas ko sa kaniya ngayon. Naka-heels din ako, pero dalawang inch lang kaya naman hindi ganoon kataas ang nadagdag sa height ko. Hindi ko aksi afford na bumili ng mamahaling sandals o sapatos para sa sarili ko dahil may mas importante akong pinagiipunan. Walang iba kundi ang tuition para sa kurso na gusto kong kunin kapag nag-kolehiyo na ako. Habang naka-angkas ako, ay nagpagisip-isip ko rin ang mga nangyari ilang buwan lang ang nakakaraan. Ano na kayang nangyari sa mga tao na noon ay humahabol sa akin at naniningil ng bayad sa utang na hindi naman sakin? Minura ko pa ang amo ng mga lalaking 'yon, buti na lang 'eh hindi na ako hinanap ano? Hindi na nila ako ginugulo pa kaya naman nakakapagipon na ako ngayon ng maayos. Pero may parte pa rin sa akin na hindi pa rin mapanatag, pakiramdam ko kasi may hindi tama sa mga nangyayari. Pakiramdam ko ay ilang araw, linggo o buwan lang ay muli kong makikita ang mga tao na noon ay nagpapahirap sa akin sa araw-araw. Medyo humigpit ang paghawak ko sa balikat ni Maxim dahil sa mga iniisip ko, mukhang napansin niya 'yon dahil binilisan niya na ang pagmamaneho at ako naman ay ini-enjoy lang ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko. Papalubog na ang araw at ilang minuto na lang ay didilim na, pero nasa byahe pa rin kami. Halos kalahating oras na rin siguro, at hindi ko man lang din tinanong kung saan ba talaga ang venue. Mahigit sampung minuto pa ulit ang lumipas, nang tuluyan nang huminto ang motor. Napasinghap pa ako sa gulat nang makita ko ang gusali, na maaari ay venue ng event na pupuntahan namin. Malaki, tatlong palapag, makulay at bago pa! Hindi ko man lang alam na mayroon pa lang gan'tong gusali dito sa probinsya. Grabe, ito siguro ang napapala ng puro trabaho lang ang inaatupag. Nang makapasok na kami sa loob, ay halos natuod pa ako sa kinatatayuan ko dahil sa kilig na nararamdaman ko ang hatakin ako ni Maximm Pero hindi ang braso ko ang hawak niya—kundi ang bewang ko! Unti-unti ko ring naramdaman ang malamig niya hininga sa leeg ko bago siya bumulong. "Let's enjoy this night, shall we?" Bulong niya sa tapat ng tenga ko na nagdulot ng kakaibang kiliti sa akin. Pasimple akong tumango habang kagat ang ibabang labi. Sa bawat minuto na lumilipas ay magkadikit lang kami ni Maxim. Wala naman kasi akong alam sa kung ano man ang nangyayari, wala rin akong kilala kundi siya lang. Pero aaminin ko na natuwa ako, dahil mukhang totoo na event nga ito para sa mga delivery rider na employee ng kumpanya. At higit sa lahat—may pa raffle! Hehe! "Heto na nga at binubola na ulit ang maswerteng mananalo nang 3 days trip sa isang luxury hotel sa manila with free accomodations—lahat ay free! Sino kaya ito?!" "Hey, akala ko ba interesado ka sa raffle?" Rinig kong tanong ni Maxim habang ako naman ay busy at kumakain ng cake na inabot sa akin kanina ng waiter yata. "'Eh sa dinami-dami ng tao dito ngayon, malabo nang mabunot—" "Happy Sunshine Nudelan!" Nabitawan ko ang kutsara na hawak ko matapos marinig ang pangalan ko na in-announce ng mcee. Napabaling pa ako kay Maxim at hindi makapaniwala sa narinig. "Ako daw?!" tanong ko habang tinuturo pa ang sarili. Natawa nnaman ito bago tumayo at inilahad ang kamay niya sa harap ko. "Yes, you're the lucky person." Tuwang-tuwa ako at tila isang bata na excited na naglakad ako palapit ng stage. Grabe ang pasasalamat ko sa mga taong nasa stage habang tinatanggap ko ang isang brown envelope na inabot sa akin. Pero bago pa man ako nakababa ay mayroong lalaki na nakaabang sa ibaba. Nakatingin ito sa akin at kalaunan ay iginaya ako papunta sa kung saan. "Saan si Maxim? Saan po ito?" magkasunod kong tanong sa lalaki dahil nasa ikatlong palapag na kami at puro kwarto na yata ang nandito. Huminto kami sa harap ng isang red na pinto. May inabot na isang maliit na bottle ang lalaki s akin, bago niya binuksan ang kwarto at pinapasoka ko. "Wait for Mr. Maxim here, inumin mo raw ito." utos nito sa akin bago ako marahan na itulak papasoka at pagsarahan ng pinto. Nilibot ko ang paningin sa buong silid. Kulay pula at itim ang theme, maganda at malambot din ang kama kaya naupo lang ako. Nakatitig ako sa maliit na red bottle na inabot sa akin. "Ano namang gagawin ko dito? Safe bang inumin 'to?" Kunot ang noo kong tanong sa sarili. Pero si Maxim naman ang may utos 'eh... baka safe nga naman talaga. Binuksan ko na ang bottle at walang pagaalinlangan pang nilagok ang laman nito. Namilog pa ang mga mata ko dahil sa sarap. Lasang strawberry! Akmang tatayo na ako pero laking gulat ko na lang nang bumagsak ang katawan ko sa sahig, nakaupo lang ako't nanghihina. Tagaktak ang pawis ko't init na init ako. Mabibigat din ang bawat paghinga ko't tila nahihirapan ako dahil sa mga damit na suot ko. "A-Ang init—" hinihingal ako habang hinuhubad ko ang dress na suot ko. Kalaunan ay bra na lang ang naiwan sa akin pero init na init pa rin ako. Nasa ganoong sitwasyon ako nang marinig kong bumukas ang pinto, bumungad sa akin si Maxim na nagulat sa nadatnang sitwasyon ko ngayon. Agad siyang lumapit at inalalayan akong makahiga sana sa kama, pero hinawakan ko ang braso niya at mapupungay ang mga mata na nakatitig sa kaniya. "A-Ang init... huff, tulungan m-mo 'ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD