HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW "Hmm? Who do we have here?" Boses niya pa lang ay kinikilabutan na ako. May kung ano sa lalaking nasa harap ko na hindi maganda. Parang sinasabi ng instinct ko na tumakbo na ako, at huwag nang bumalik pa. Pero baka OA lang talaga ako. Pilit akong ngumiti. Nilunok ko na lang ang takot na nararamdaman ko ngayon at inipon ang lahat nang lakas ko para lang makangiti ako ng maayos. "H-Hi! Sino pong hinahanap niyo?" Tanong ko pa. Malay ko ba kasi kung na-mali lang din pala ng condo 'to diba? Hindi kasi siya mukhang ka-level lang namin. Amoy mayaman kasi, mukhang mayaman at bihis mayaman din. Yung eye patch pa lang na suot niya 'eh makaagaw atensyon na aba. Gan'to yata ang type ng mga kabataan ngayon. Mga maaangas manamit. Hindi man lang ngumiti ang lala

