[THIRD PERSON] Halos maubos na ang lahat ng gamit sa loob ng silid ng isang silid habang parang baliw naman na nagwawala ang isang magandang babae. Umiiyak ito tapos biglang tatawa ng malakas na parang sinasapian! Nakamasid lamang sa kanya ang mga katulong walang may nagtangkang awatin ito sa takot na pagbalingan sila ng galit. Hinayaan nila itong magwala. Panay mura nito habang sinisigaw ang pangalan ng isang babae. Base sa kanilang naririnig ay inagaw ng babaeng iyon ang lalaking mahal nito. Sa kung papaano ay hindi nila alam. Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na may isang lalaki itonh kinababaliwan, iyon ay si Greco Silvano. Dati nitong boyfriend at schoolmate! Pero ang balita nila ay matagal ng kasal iyon. Hindi naman nila alam kung sino ang masuwerteng babaeng yon.

