Chapter 2: Kissed

792 Words
Selena [POV] Buong maghapon yata siyang matamlay. Mabuti na lang at kahit papaano ay nagagawa pa rin niyang kumilos bago umuwi ang asawa niya. Pero kagabi pa siya balisa magdamag kasing hindi umuwi si Greco. Maraming tanong ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya. Saan ito galing? Sino ang kasama? Pero sino ba siya para mag-demand ng paliwanag? Asawa siya—oo. Pero pakiramdam niya, parang wala na siyang karapatan. Ayaw niyang isipin ni Greco na pabigat siya. Nasa bahay na nga lang siya, pakiramdam pa niya ay wala siyang silbi. Unti-unti na ring kinakain ng hiya ang dibdib niya. Dahil bukod sa pagiging asawa, ano pa nga ba ang papel niya sa buhay nito? Kung tutuusin, kulang na lang ay maghiwalay sila. At iyon na lang siguro ang pinanghahawakan niya ang salitang kasal para hindi siya tuluyang iwan. Bumangon siya mula sa kama at pumasok sa banyo. Mas maiging maligo muna. Baka sakaling mabawasan kahit kaunti ang bigat ng iniisip niya. Tahimik ang buong bahay. Nakakabingi ang katahimikan. Namimiss niya ang buhay noon bago pa siya kunin at pakasalan ni Greco. Two years ago, ikinasal silang dalawa. Masaya naman sila noong umpisa. Ramdam niya ang pagmamahal nito maalaga, sweet, palaging may pasurpresa. Hindi nauubusan ng oras at effort para sa kanya. Ngayon… parang ibang tao na ang kaharap niya. Ulila na siyang lubos. Sampung taong gulang pa lang siya nang lumaki sa bahay-ampunan. Ang ama niya isang pulis pinatay habang nasa serbisyo. Binaril sa ulo. Walang itinurong suspek. Doon nagsimula ang pagbagsak ng mundo niya. Hindi kinaya ng ina niya ang sakit. Inatake ito sa puso. Dead on the spot. Magkasabay niyang nawala ang dalawang taong pinakamamahal niya. Walang kumupkop sa kanya kahit mga kamag-anak. Ang sabi nila, bakit daw siya tutulungan kung wala naman siyang maibibigay? Wala siyang pera. Doon natutunan ng batang si Selena ang isang mapait na katotohanan: Mahalaga ang pera. Mahalaga ang estado sa buhay. Hindi man ito sukatan ng pagkatao, pero madalas ito ang dahilan kung bakit ka pinapakinggan at nirerespeto. Isang bahay-ampunan ang tumanggap sa kanya. Doon niya unang naramdaman na baka hindi pa rin siya tuluyang pinababayaan ng Diyos. Dumating ang ika-labingwalong kaarawan niya. Ipinagdiwang iyon sa ampunan. May dumalong isang pamilyang kilala sa charity works ang pamilyang Silvano. Pamilya ni Greco. Mabait ang ina nito si Mrs. Lucy Silvano. Tahimik pero palaging may ngiti ang ama si Mr. Richard Silvano. Dalawa ang anak nila. Si Greco ang panganay, at ang bunso—si Gael kaedad niya lang. Nagsayaw pa sila ni Gael noon. Pero nahuli niya ang masungit na tingin ni Greco habang nakamasid sa kanila. Kalaunan, nalaman niyang may gusto pala ito sa kanya. Crush niya rin naman si Greco noon kahit masungit. Kaya nang ligawan siya nito, pumayag siya. Twenty years old siya nang mag-propose si Greco. She said yes. Nagpakasal sila sa parehong taon. Ngayon, magtu-twenty-two na siya ngayong Agosto. Hindi niya alam kung alam pa ba iyon ng asawa niya. Last year, bigla na lang nanlamig si Greco. Walang paliwanag. Walang dahilan. Isang gabi, may nagsend sa kanya ng litrato. Nandoon si Greco kasama ang isang magandang babae malapit nang maghalikan sa loob ng sasakyan nito. Si Maxine. Ang ex-girlfriend ni Greco. Hindi niya ito kinompronta. Nag-antay siya. Umasa. Na baka magpaliwanag ito. Pero walang dumating. Kung sino man ang taong nagsesend ng mga litrato, mukhang updated ito sa lahat ng galaw ng asawa niya. Katulad ngayon. Isang larawan ang muling pumasok sa cellphone niya. Naka-ngiti si Maxine, maganda, masaya. Nasa isang restaurant sila. Si Greco kaharap nito—kumakain, tumatawa. Parang magkasintahang nagde-date. Mahigpit na kumurot ang sakit sa dibdib niya. Masaya ang babae. Habang nakahawak sa braso ng asawa niya. Tahimik niyang inilipat ang litrato sa secret folder—kung saan naroon na ang lahat ng ebidensiyang paulit-ulit siyang winawasak. Hindi man niya kilala ang taong ito, nagpapasalamat pa rin siya. Dahil kahit masakit—nalalaman niya ang totoo. Isa ba itong stalker? O may ibang dahilan? Naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang pag-andar ng gate. Automatic iyon. Kapag si Greco ang uuwi, kusa itong bumubukas. Sumilip siya sa bintana ng kanilang silid. Kita niya ang garahe. Nakita niyang bumaba si Greco mula sa sasakyan may hawak na isang pumpon ng pulang rosas. Nanlaki ang mga mata niya. Bago ito tuluyang pumasok, tumingala si Greco. diretso sa bintanang kinaroroonan niya. Mabilis siyang nagtago. Halos lumundag ang dibdib niya sa lakas ng t***k. Parang hihimatayin siya sa kaba. Ilang sandali lang, bumukas ang pinto ng silid. “Baby.” Napatingin siya. Malamlam ang mga mata ni Greco habang papalapit sa kanya. Tinawid nito ang pagitan nila at bago pa siya makapag-react. Bigla nitong hinawakan ang batok niya at marahas siyang hinalikan. Nanigas siya. Hindi nakakilos. Hindi makahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD