"Why did you Invite her?" Tanong ni Greco sa ina. Pinipigilan niya lang mainis dahil nasa harapan niya ang mga ito. Kasalukuyan na silang kumakain sa dinning nang tanghalian. Bukod sa groceries ay may dala rin silang ulam na niluto pa raw ni mommy Lucy. Napuno na naman ang pantry namin sa kitchen dahil kakapamili pa lang namin noong nakaraan tapos nagdala pa sila. Nagpasalamat na lamang ako sa kanila. " Well, I didn't exactly asked her. Nalaman ko kasing dadalo siya sa charity event na iyon kaya I ask her to join. She said, yes," Nanatili akong tahimik. Nakikita ko naman sa mukha ni Greco ang iritasyon. Para saan naman 'yan? Di ba siya masaya na pupunta ang babaeng 'yon? O baka naman kaya masama ang mood niya dahil inaaya ako ng mommy niya. Tama! Iyon 'yon. Oo nga naman

