Sakto sumapit ang lunch. Kakatapos lang namin mag prepare ng tanghalian. Dahil alas onse na ako nagising, halos wala na rin akong nagawa pa sa kusina. Pagbaba ko ay naabutan ko si Blaire at ang kanilang dalawang kasambahay na abala sa kusina. Nginitian ako ni Blaire ng makita ako dito sa pinto. "Puwede ka matulog kahit anong oras, kung gusto mo ipapaakyat ko na lang kay Lina ang tanghalian mo." "H-Hindi na. Nakakahiya naman. Ok na ako, inumaga na ako kakahintay kay Greco kaya na-late ako ng gising." Pero ayon sa text niya ay uuwi siya ngayong tanghali. So, makakasabay namin siya kumain. Si Devin naman ay nasa taas pa daw naliligo. Hindi daw ito papasok. May sarili naman pala itong opisina dito sa bahay nila. Kaya kahit hindi ito araw-araw umalis ay maaasikaso pa rin nito ang k

