KINABUKASAN maaga kaming nagising dahil maaga kaming binulabog nang tawag ni Hazel. Nasa labas pala ito nang bahay namin dahil sasama pala ito sa italy. Nakita ko nga ang bitbit nitong maleta at isang maliit na bag na nasa balikat niya. Nakabihis na rin ito. Mukhang ready na ito samantala kami ay kagigising pa lamang! Pinapasok ito ni Greco sa loob at sinabing mag hintay na muna at sabay-sabay na kaming aalis. Nauna na ang mga magulang niya roon. Kailangan daw kasi ay makausap nila agad ang mga pamilya nang mga biktima sa pag guho nang pinapatayo nilang gusali do'n. Kasalukuyan nasa banyo si Greco naliligo, Sinamantala ko naman ito para makapag impake pa nang mga damit niya. Hindi ko nga dinamihan dahil ang sabi niya ay bibili nalang kami ro'n. Dalawang maleta lang ang bitbit nam

