Naalimpungatan ako dahil sa mabining haplos sa buhok ko. Nakatulog pala ako. Hindi ko namalayan ang oras. Bahagya kong naidilat ang mga namumungay ko pang mata. Dito ko nakita si Greco nasa tabi ko at bahagyang hinahaplos ang buhok ko. Nakadapa pa rin ako hanggang ngayon. Pero wala na iyong unan. Natatakpan ng bahagya ang mukha ko ng ilang hibla ng buhok ko kaya hindi nito pansin na gising na ako. Umuwi siya? Anong oras na kaya? Napatitig ako sa kanyang mga mata. May nakikita akong kakaiba ro'n. Naririnig ko rin ang mabibigat niyang paghinga. "I'm so sorry, Honey," Bulong nito. Sumikdo ang kaba sa dibdib ko. Bakit siya nagsosorry? para saan? Ito na naman ang pag iisip ko, Nanatili akong tahimik at kahit medyo nahihirapan na ako sa lagay ko dahil nga nakadapa ako, Naiipit ang ti

