SELENA .... Maaga akong nagising kinabukasan.Napangiti ako nang mabungaran ko pa sa tabi ko si Greco habang naghihilik at himbing na himbing pa. Mukhang napagod talaga siya. Paano ba naman, Sabi niya matulog na raw pero nagising ako madaling araw na nasa ibabaw ko na naman siya umiindayog! Kaya ang ending parehas kaming puyat! Pero naging maayos pa rin ang naging tulog ko kahit maikli lang ang naitulog ko. Nasa tabi ko siya 'yon ay sapat na para maging masarap ang tulog ko. Binalingan ko siya. nakaawang ang bibig niya pero hindi manlanh niyon nabawasan ang kaguwapuhan niya! Napangiti ako. Napatingin ako sa cellphone niya na nasa night stand ng umilaw ito. Nagdadawang isip pa ako kung titignan ko iyon, pero sa huli kinuha ko rin at binuksan. Pero natigil ako nang manghingi n

