Kinabukasan ay maaga kaming nagpaalam kina Witchelle at Wyatt Lucas. Alas otso na nang umaga kami nakarating sa bahay. Saglit kaming naligo at nag ayos. kaagad kaming nagpunta ng ospital para sa appointment ko. Nag pa check up na rin ako. Sa ngayon ay hindi pa namin malalaman ang gender dahil masyado pang maaga. "Congratulations! you are two-weeks pregnant!" ani ng doctor. Napahaplos naman ako sa aking impis pang tiyan. "Kailan namin malalaman ang gender ng baby?" Tanong naman ni Greco na nasa tabi ko. "Around four to five months ni baby sa tiyan ni mommy... puwede na natin e request for ultrasound," Nakangiting sagot ng doctor. Seryoso naman na nakikinig si Greco sa mga bilin ng doctor. tinanong niya rin kailan kami puwede bumalik at mga vitamins, ano ang puwede at hin

