Chapter One

2208 Words
MAAGA akong nakarating sa classroom namin. Ito ang unang araw nang pagpasok namin para sa taong ito. Hindi ko pa alam kung sino ang mga magiging kaklase ko sapagkat mag-isa pa lamang ako na nasa classroom. Medyo madilim pa sa labas sapagkat sobrang maaga ang alas-singko para sa mga mayayamang estudyante ng Blackwood. Tinungo ko ang pintuan at sinilip ang hallway. Bahagya akong nakaramdam ng gulat nang makakita ng isang itim na pusa kung kaya’t pumasok muli ako sa classroom. Habang walang tao ay iginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid. Malinis, maayos na nakasalansan ang mga upuan at walang gaanong mga dumi. Sa harap ay makikita ang lecture desk at upuan ng teacher, ang dalawang naglalakihang whiteboard at isang malaking projection screen na nakataas. Sa kisame ay naroon ang apat na ceiling fans at ang projector na nasa gitna. Mayroon ding two air condition sa gilid at sa kabilang banda ay nakita ko ang isang mini-bookshelf na may mga librong wala sa ayos. Kaagad akong nagtungo roon upang ayusin ang mga libro. Matapos kong ayusin ang mga libro ay dumungaw ako sa bintana at doon ko natanaw ang mga matatayog na puno ng kagubatan na kay sarap pagmasdan. Matatanaw rin mula sa ikaapat na palapag ng gusaling kinalalagyan ko ang junior building, ang canteen at ang gymnasium kung saan nakatirik sa tabi nito ang mataas na flagpole. Ang Blackwood Dormitory School ay isang pribadong paaralan na nakatirik sa gitna ng kagubatan. Tanging mayayaman at scholar students lamang ang may oportunidad na mag-aral dito at isa ako sa mga mapapalad na nabigyan ng scholarship ng school administration. Isa sa mga benepisyo ng pagiging kasama sa class ranking ay ang mapunta sa dorm kung saan naroon ang rank 1-10. Kaya naman magmula nang mag-aral ako sa paaralang ito ay hindi ko pinabayaan ang posisyon ko. Ang rank 1 ng buong batch ng 4th year.  “Wala pa ‘yong iba?” Nawala sa bintana ang paningin ko nang marinig ko ang tinig ni Leah, ang Rank 4 sa klase at buong batch. Kasama ko siya sa dorm ngunit magkaiba kami ng kuwarto. Umiling ako bilang sagot sa kaniyang tanong. “Nasaanan sina May? Hindi mo sila kasama?” tanong ko rito. Bahagya akong lumapit sa direksyon niya. “May nakalimutan sila sa dorm, hayun, sabay-sabay silang bumalik.” Naupo siya sa silya kung saan naroon ang bag ko. “Tabi tayo, ah?” Bahagya akong ngumiti at saka tumango. “Sige lang.” Lumipas ang ilang minuto ay unti-unti ng dumarami ang mga kaklase ko. Kasama ko na rin sina May, ang Rank 9; Erika, ang Rank 5; Princess, ang Rank 6; Jennylyn, ang Rank 7; Mia, ang Rank 8 at Yna, ang Rank 10. Lahat sila ay nakatabi sa akin maliban sa Rank 2 na si Volther Philip. Siya ang nag-iisang lalaki na kasama namin sa dorm. Ang lalaking ubod ng tahimik ngunit hindi maipagkakailang sobrang talino. Ilang punto lamang ang pagitan naming dalawa at kung sakaling hindi ko ginalingan ay siya ang nasa posisyon ko ngayon. Tiningnan ko ang mga kasama ko. “Wala pa si Max?” tanong ko sa kanila nang makitang wala pa si Maxine. Si Maxine ang Rank 3 sa klase at siya rin ang pinakatahimik sa amin sa dorm. Nagkibit-balikat naman sina Princess. “Alam mo naman si Max, ‘di ba? Maraming seremonya sa sarili ‘yon Gwen hindi ka na nasanay,” saad nito at saka muling bumalik sa pakikipagkuwentuhan sa mga kasama namin. Mayamaya pa ay nakita ko nang pumasok sina Jerald, Justin, Donnel, at Winston na member ng Blackwood Basketball Team at kaklase rin namin dati. Mga anak-mayaman ang mga ito kaya ganoon na lang din ang kanilang kayabangan, pero hindi maipagkakailang magaling din sila sa court, at matatalino rin. Sumunod na dumating ang members ng cheering squad na sina Marianne, Joreen at Joyce. Kasama nila ang dalawang baklang sila Edmond at Cedrick. At kaklase ko rin sila noon. Sa buong batch namin, they are known as the mean group. They are bullying anyone who tries to mess up with them. Ultimong mga nerds ay pinapatulan at pinahihirapan nila. Ganiyan na sila mula noon. Tumigil sila noong kalahating taon namin noong 3rd year pero itinuloy muli nila ang pambubully kasama ng ibang mga seniors noon. At suki na ng pambu-bully nila si Max na ngayon ay kapapasok lamang ng classroom. “Look guys! Ang dakilang Nerd!” sigaw agad ni Marianne nang pumasok si Max sa classroom. Nagsisimula na naman sila. “Ano ba naman Maxine? Nagbagong taon na pero makaluma ka pa rin,” natatawang sabi pa ni Cedrick na tinawanan ng lahat. Umaktong parang walang narinig naman si Max at nilampasan na lang sila Marriane. Pero bigla siyang hinarang ni Joyce. “Not too fast Nerdy,” maarteng saad nito habang hawak-hawak sa braso si Max. “Get off me.” Tinanggal ni Max ang pagkakahawak ni Joyce at tumalikod na papunta sa tabi ko. “Argh! That nerdy girl is getting on my nerves!” pagalit na sigaw ni Joyce habang padabog na umuupo sa upuan nila. Mayamaya pa ay may pumasok ng teacher sa classroom. Lalaki ito, iba ang suot niyang uniform, pero mukhang bata, siya na siguro ang adviser namin. “Good morning, Class. I’m Edralyn C. Reyes. I will be your Class Adviser for this school year, and at the same time your Mathematics Teacher,” nakangiting saad nito, “I hope maging masaya ang magiging experience ko with you and I expect you to cooperate in my class.” Pakilala niya sa amin at ngumiti. Mukhang mabait naman siya at may hitsura. Kaya nagiging puso na ang mga mata ng mga kaklase ko lalo na nila Joreen. Marami pang sinabi si Sir Reyes tungkol sa kaniya at sa klase. Nag-discuss din siya about his classroom rules and regulations nang may biglang kumatok sa pintuan. Lahat ng atensyon namin ay natuon sa mga bagong dating. Ang ilan sa mga kaklase ko ay napasinghap at nagbulungan. “Oh, they’re here now. Class, settle down, meet your new classmates. Guys, introduce yourselves, and after that, go to your respective seats.” “Good morning. I’m Darryl Ferrer, and they are Jefferson Lopez, Maria Nicca Burgos, Jeremy Nicolas and Archie Nicolas.” Hindi ako nakabalik sa aking ginagawa dahil sa narinig. “We will be your classmates for the whole year. Hope we can be friends and hope that you will be nice to us. Thank you. “ Tila nabato ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang mga pangalang iyon. Ramdam ko ang tingin ng mga kaklase ko sa akin. Tiningnan ko ‘yung mga nasa unahan. Seriously, magiging kaklase ko itong mga ito? **** “Gwen, nagawa mo na ba iyong assignment natin sa Math?” tanong ni Yna nang makapasok sa kwarto ko. Kasalukuyan akong nasa aking silid at ginagawa ang assignment ko. May kani-kaniya kaming mga kwarto sa dorm na ito at walang ibang section ang kasama namin dito dahil isang section lang ang pinanggalingan namin. Nang matapos ang klase maghapon ay dumiretso ako sa supreme student council room para sa first meeting namin na pinangungunahan ni Philip na siyang SSG President. Matapos noon ay dumiretso ako sa Math Club upang mag-ayos ng application for membership. Magmula third year ay ako ang may hawak ng tatlong major clubs dito sa Blackwood. Ang English club, Math club at ang school publication. The rest were at Philip’s. Bawat year level ay may mga ganitong dorm para sa bawat class ranking. But this dorm of ours is better than those. Malaki ito at para talagang bahay. This dorm was a two-storey building and it has ten rooms with own bathrooms. Hindi kami puwedeng magpapasok ng sinoman dito na hindi kasama sa ranking. “I’m done.” Ibinigay ko sa kaniya ‘yung kopya ng assignment at muling tumingin ng kanta sa laptop ko habang nagbabasa ng syllabus ng other subjects. “Thanks,” nakangiting sabi niya at lumabas na siya ng kuwarto ko. Si Yna ay member ng dance club. Siya lamang ang nag-iisa sa lahat ng nasa ranking ang member noon. Hilig niya ang pagsasayaw at nakakabilib na napagsasabay niya ito at ang academics. After reading, I went to my bed at sinalpak ang earphone ko. Biglang pumasok sa isip ko ang kaganapan kanina sa classroom. Bakit sila nandoon? Ano’ng nangyari at umulit sila? Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako nang may naramdaman akong kumakalabit sa paa ko. “What?” bagot na tanong ko pa habang nakapikit ang mga mata. Sandali akong nag-inat at hinarap ang kung sinomang kumalabit sa akin. “Eh?” Nagtaka ako nang makitang walang katao-tao sa kuwarto ko. Nakasara ang pintuan at tanging ako lamang ang naroon. Naisip kong baka nagloloko na naman sina Princess, Leah at May kung kaya’t sinilip ko ang ilalim ng kama ko ngunit wala akong nakita ni isa sa kanilang tatlo. Nagtataka akong tumingin sa buong paligid ng kuwarto. Guni-guni mo na naman, Gwen Mari. Walang ano-ano ay may kumatok sa pintuan ko kaya kaagad akong napatingin dito. “Gwen Mari! Kakain na! Lumabas ka na riyan sa lungga mo!” Natawa naman ako sa isinigaw ni Leah kung kaya’t nagmadali akong nag-ayos at saka lumabas ng kuwarto. Habang kumakain ay hindi maubusan ng kadaldalan ang bibig nina Princess, May, Leah at Jennylyn. Silang tatlo ang pinaka-hyper pa rin kahit pagod na. Dagdagan pa ni Yna na sobrang lakas ng boses. Tahimik na kumakain kami nina Max, Erika, Mia at Philip. Pansin ko ang napakalaking gap sa pagitan nina Mia at Max na magpinsan. Matagal na silang hindi nagpapansinan at hanggang ngayong magkakasama kami sa dorm ay hindi pa rin naming alam ang dahilan.  “Nga pala, Leah, pumasok ka ba sa kuwarto ko kanina bago ka kumatok?” tanong ko nang maalala ang nangyari kanina. Umiling naman ito at saka sumagot, “Hindi, eh. Bakit Gwen?” Tila nagsasabi naman ng totoo si Leah kaya napunta ang tingin ko kina May, Princess at Jen. “Kayo?” tanong ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang umiling. Napabuntonghininga naman ako at nagpatuloy na sa pagkain. Guni-guni ko lang talaga iyon. Habang kumakain ay nakikita ko sa peripheral vision ko ang maya-maya ay paglingon ni Max sa gawi nina May na nagku-kuwentuhan. Sandali siyang mapapangiti at mawawala rin iyon ilang saglit pa. Matapos kumain ay tatlo kami nina Max at Philip na nagligpit ng mga pinagkainan. Si Philip ang naghuhugas at kami naman ni Max ang nagpupunas habang ang iba ay nasa living room at nanonood. Kapansin-pansin ang kanina pang pagtahimik ni Max though tahimik naman na talaga siya. Sa tagal na naming magkasama alam ko kung may problema ba o ano. Alam ko rin na may kakaiba siyang kakayahan. At iyon ay ang kakayahan niyang makakita ng mga hindi nakikita ng ibang tao gaya namin. Kami lang ni Philip ang nakakaalam no’n at ayaw naming sabihin sa iba dahil ayaw namin silang matakot o ano. “Hey, may problema ba?” tanong ko sa kaniya habang nagpupunas ng mga plato. Tiningnan ko siya at hayun, parang hindi ako narinig at tuloy-tuloy lang sa pagpupunas ng mga plato. May problema nga. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam. Parang may mali sa ikinikilos niya. “May nakita ka, right?” Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang masungit na si Philip at kinausap si Max. Tiningnan ko si Max na bahagyang natigilan ngunit mabilis na natauhan. “Based on your act earlier, I know you saw someone,” dagdag pa nito. Huminto naman sa pagpupunas ng mga plato at baso si Max at tumingin muna sa paligid bago nagsalita. “I saw a girl, nakatingin siya rito sa dorm natin.” Natigilan ako nang magsimula siyang magkuwento at unang kuwento niya pa lang ay nagsimula nang magtaasan ang mga balahibo ko. “Hindi na dapat bago sa akin ito but, this was the first time na makakita ako ng estudyanteng multo dahil dati ay mga matatandang multo ang nakikita ko sa buong campus. I felt something weird when I saw that girl.” Pagpapatuloy niya sa pagkukuwento. Natatakot man ay patuloy kaming nakinig ni Volther sa kaniya. “And I think that girl died here. Her blood covered her uniform. And she was crying when I saw her like she was asking for help.” Tumingin pa muna siya sa amin bago siya muling magsalita, “But that shook me more when she suddenly smirked at me.” Natahimik kami ni Volther matapos niyang magkuwento. Hindi kami makahanap ng salita dahil nagingilabot kami. “At sa classroom natin kanina. Ramdam kong parang may nakatingin sa atin. Hindi ko matukoy kung sino o ano siya pero nararamdaman kong lagi siyang nakatingin sa atin.” Bigla ay nakaramdam ako ng kaba dahil iyon din ang nararamdaman ko kanina sa classroom. Mula umaga hanggang sa mag-dismiss ay hindi nawala ang kakaibang pakiramdam na iyon. Hanggang sa oras ng pagtulog ay hindi nawala sa isip ko ang mga sinabi ni Max. Tuwing naaalala ko iyon ay laging tumatayo ang mga balahibo ko. Ano ba, Gwen, bago lang kayo sa classroom na iyon. Malamang naninibago lang kayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD