PAGSAPIT ng umaga ay napagpasyahan ko na hindi muna pumasok. Nagbigay na rin ako ng excuse letter sa aming guro at ibinigay na lamang iyon kay Maxine. Mag-isa lamang ako ngayon sa dorm at hindi pa rin bumababa mula kaninang umaga. Masama ang aking pakiramdam at tila ba lalagnatin ako. Hindi ako nakatulog nang diretso mula kagabi dahil sa nangyari kahapon. Patuloy na binabagabag ako ng sinapit ni Chloe sa kamay ng mga killers at hindi ako makapaniwalang pati siya na transfree at walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa amin ay madadamay at mapapahamak din katulad ng iba pang mga inosente sa amin. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung sino ang posibleng may gawa nito sa kanila lalo na’t nabalitaan ko kay Philip na walang natagpuan na panyo sa pinangyarihan ng krimen na tulad ng mga nak

