TILA napako ako sa aking kinatatayuan. Tumingin ako sa aking mga kasama at kitang-kita ko ang gulat sa mga mukha nila na parang hindi rin inaasahan ang mga narinig mula sa speaker. Parang dinamba ako sa narinig. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at punong-puno ng takot at pagkalito ang aking sistema. “Ang laki nga ng pagkakatulad n’yo ni Ellaine,” muling wika ng nasa speaker na tila ba pinanonood ang mga galaw namin, “mamamatay ka rin!” “Takbo na!” biglang sigaw naman ni Miah. Kasunod no’n ang isang malakas na pagsabog. Hindi ko alam kung saan ako humagis. Wala akong makita ni isang bulto nina Leah. Nanlalabo na ang aking paningin at sobrang sakit na ng katawan ko gawa ng aking pagtama sa isang matigas na bagay. Hanggang sa magdilim ang aking paningin. Katapusan ko na ba? Pero kailan

