MACY COLLIEN “Bakit naman ako magseselos? Matulog kana nga diyan.” sagot ko sa kanya at mabilis akong kumuha ng dress. At kaagad akong pumasok sa loob ng banyo. Syempre kahit halata na ay hindi pa rin dapat ako umamin. Walang aamin hangga’t hindi pa ako asawa. Kasi ngayon naman ay wala naman kaming relasyon na dalawa. Ang mahalaga sa ngayon ay mahal niya ako at mahal ko rin siya pero syempre ako lang ang nakakaalam ng feelings ko. Naghalf bath lang ako dahil malamig ang tubig. Paglabas ko ay tulog na yata siya. Wala siyang suot na pang-itaas at natatakpan lang ng kumot ang kalahati ng katawan niya. Humiga naman ako sa tabi niya. Hindi na ako naki-share sa kumot niya dahil naiinitan rin ako. Hindi pala nakabukas ang aircon. Dahil sa tinatamad na akong bumangon ay hinayaan ko na lang. P

