MACY COLLIEN Tatlong buwan na ang lumipas. At sa loob ng tatlong buwan ay naging maayos ang pagsasama namin ni Michael. Masigla na pakiramdam ko. Nakaka-pamasyal na kaming tatlo. Masasabi ko na nabubuhay kami ayon sa kagustuhan namin. “Mahal, are you sure na gusto mo pumunta doon?” tanong sa akin ng asawa ko. “Opo, mahal. Gusto ko lang siya makita at makausap.” “Okay,” nakangiti na sabi niya. Habang nasa byahe kami papunta sa may presinto ay iniisip ko ang mga sasabihin ko kay Roselline. Kung ang asawa ko ang masusunod ay ayaw niya akong pumunta pa doon. Pero ako mismo ang may gusto. Kahit na may pera ang pamilya nila ay hindi nangialam ang mga ito at hindi nila inilabas sa kulungan ang anak nila. Nais rin nila na magbagong buhay si Roselline. Pero sana nga ay magbago siya. Kasi k

