MACY COLLIEN Napatingin ako sa sarili ko. Nakabihis na ako kaya naman nagtataka na talaga ako. Hindi kaya kasabwat niya si nanay? Pero kapag naalala ko ang ginawa niya sa akin na dinala niya ako dito na wala namang permiso ko ay gusto ko siyang sapakin. Naghilamos muna ako bago ako lumabas. At si Michael kaagad ang hinahanap ng mga mata ko. Hinahanap ko rin ang mga kaibigan ko. Pero hindi ko sila makita. “Hi, Miss Macy. May breakfast buffet po doon.” nakangiti na sabi sa akin ng nasa HR department. “Okay, thank you.” nakangiti na sabi ko sa kanya. Nakakaramdam na rin naman ako ng gutom kaya naman naglakad na ako papunta doon sa buffet nila. Pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Michael at kasama niya si Roselline. Nakisabay na lang ako sa ibang employee para hindi niya ako makita. Ngumit

