Angel P.o.v
"They can imitate you but they can't duplicate you. Co'z you got something special that makes me wanna taste you."
Nagising ako sa tunog ng cellphone, kinapa ko sa table kung saan nakapatong yong cellphone ko.
Damn it!! Nasaan na ba 'yon? Dumilat ako at patamad na umupo sa kama.
>Hello?"
>Angel, where are you?" Nanlaki ung mata ko. Si...si Dad!
Sh*t nasaan ba ako? Tumingin agad ako sa paligid, hindi familiar sa'kin ung room.
>Morning dad. Nag sleep-over lang po ako kela Kyla, birthday niya po kasi kahapon." Pagdadahilan ko.
I'm so dead now.
>You did'nt even text or call us! Pinag-alala mo kami ng mommy mo. Umuwi ka na!"
High blood nanaman si Daddy? Well kasalanan ko naman. Hindi na ako nakapag text sakanila kagabi. busy ako eh.
>Yes dad. Please don't get mad na?" Paglalambing ko.
He sighed.
>Okay, be home soon alright?"
>Opo Dad, pauwi na po."
..End of call..
Konting lambing lang talaga kay Daddy bumibigay na. Love na love kaya ako nun. Inaalala ko ung nangyari kagabi.
Oh yeah i remember, where is she? Iniwan niya ko dito? Tumayo na ako at nag-suot ng towel. Tumingin ako sa banyo pero wala naman siya. Baka nasa baba?
Nag-bihis muna ako at inayos ung kama. Nakakahiya naman kasi, nagulo ung kama kagabi sa make-out namin.
Napangiti ako. Hindi ko man lang alam ung pangalan niya. Napansin ko ung necklace na nasa kama. A white gold na may pendant na letter R. Sakanya siguro 'to? Malamang kanino pa ba? Stupid!.
Bibigay ko na lang sakanya. Kinuha ko na ung bag at phone ko.
Pagbaba ko sa sala parang wala namang tao. Seriously? Iniwan niya ko dito mag -isa?
Tumunog ung cellphone ko, si Dad nagtext. Bilisan ko raw umuwi dahil pupunta kami ng mall. Oo nga pala family day ngayon.
Every sunday kasi, we go to church tapos diretso na kami ng mall para bonding na rin. I checked the time, it's 12:00 P.m. Dali-dali akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi.
Hindi ko na nahintay si... Ahm.. Sino nga ba siya? Gosh! Kinuha ko sa bag ung necklace na may letter R. Siguro nag-uumpisa sa letter R ung name niya? Well obviously. Duh!
Siya lang naman naka make-out ko kagabi noh.
I can still remember her face. Ung matangos niyang ilong at mapupulang labi. How can i forget that? She's really pretty though and she's good. Very good.
Napa-kagat labi nalang ako ng maalala ko ung mainit at nag-aalab naming performance kagabi.
Kailan ko kaya siya ulit makikita? Kahit nga pangalan niya hindi ko alam eh. Hay! Stupid me.
Kung hindi lang talaga ako nagmamadali, hihintayin ko pa sana siya. Saan naman kasi siyang lupalop pumunta? Iniwan lang ako doon sa bahay niya basta-basta? Kamusta naman 'yon?!
.
.
Rain P.o.v
Lumabas ako ng bahay para bumili ng pagkain. Wala naman kasing kalaman-laman ung ref ng kuya ni Joy. Nagugutom na rin kasi ako. Tapos tulog pa si Pretty chick. Napagod ata kagabi. Nyahehe.
Sa may kanto pa raw ung fastfood, malayo-layong lakaran kaya sumakay na lang ako ng tricycle.
Lunch time pala kaya ang daming tao sa jollibee, pero no choice eh. Ito lang ung malapit na kainan sa apartment.
Baka magising na rin si Pretty chick, for sure gutom na 'yon pag-gising. Kaya tiis-tiis lang kahit medyo mahaba ung pila.
And after 10 years nakapag-order na din ako. pinatake-out ko na. Nagmamadali akong sumakay ng tricycle.
Pagbalik ko sa apartment, nilapag ko muna sa mesa ung pagkain tska ako umakyat ng kwarto. Pagbukas ko, ang ayos na ng kama. Nasaan siya? Baka nasa banyo?
Lumapit ako sa pintuan ng banyo at dinikit ung tenga ko sa pinto, parang wala namang tao.. Hmmm. Umalis na ba siya? 'di ko alam kung bakit ako nakaramdam ng lungkot. Anyway ako na lang kakain nung binili kong food. Mabilis lang akong kumain at nagligpit sa kwarto ng kuya ni Joy. Dapat walang bakas.
.
.
"Rainville, bakit ngayon ka lang?!" Alam kong badtrip si Carmen pag buong pangalan ko ung binabanggit niya.
Nga pala siya ung nanay ko. Carmen lang talaga minsan tawag ko sakanya at minsan mama. Okay lang naman raw sakanya 'yon para lang kasi kaming mag-tropa.
17 Years old lang kasi siya nung pinag-bubuntis niya ko. Cool din siyang nanay, minsan nga mas updated pa siya sa'kin sa social media eh. hindi kasi ako mahilig mag f*******:, insta, twitter. Waste of time lang kasi.
Puro parinig lang ung mababasa mo doon at puro showbiz, politics kung tatakbo ba si Duterte or hindi sa halalan. Tss!.
Mas mabuti pang magbasa ng books at basahin ung libro ng malupit na author na si Paulo Coelho kesa magbasa ng chismis at krimen sa net.
"Ahm...Sorry ma, gabi na kasi natapos ung party. Hindi na nila ako pina-uwi." Nilambing ko na lang agad si mama para 'di na magtanong pa.
Hindi naman talaga ako showy sakanya, pero sa mga ganitong sitwasyon kaylangan ko siya bigyan ng power hug.
"Niluto ko ung paborito mong adobong pusit." Oh yeah! Good mood na si Mama pag ganoon.
Thank you talaga kay Sarah at John Lloyd, dahil pina-uso nila ang power hug. Effective kay Mama. Hehe. Tinikman ko na ung luto niya.
"Masarap ba?" Nakangiting tanong ni Carmen.
"Hindi." Walang kagatol-gatol kong sagot. Gusto ko lang siyang inisin.
Naba-badtrip kasi siya pag 'di masarap or pinipintasan ung luto niya eh. Pero the best siyang mag-luto. Cook kasi siya sa isang restaurant. Isang kaltok ang tinamo ko sakanya.
"Hindi ah? wag kang kumain, Hindi pala masarap eh!"
Opps. Napipikon na po siya. Lihim akong nangingiti. Hindi ko siya pinansin, tuloy lang ako sa pag-subo. Nagutom ako ulit eh, malakas din kasi akong kumain.
"Reng, tara sama ka? mag-skateboard kami sa plaza." Tawag sa'kin ni Joy.
Nandito na pala ung salarin kong bakit hindi na ko vir... Nevermind!
"Wait lang, stay put ka muna d'yan." Sabi ko habang punong-puno ung bibig ko.
"Reng, anong oras ka nanaman uuwi?! Daig mo pa lalaki ah? Manang-mana ka sa ta---.." Sinamaan ko na siya ng tingin at na-gets naman niya agad 'yon. Ayaw na ayaw ko kasing nababanggit or kino-compare ako sa tatay kong magaling! Ayoko nga siyang tawaging ama eh.
"Wow! mukhang masarap ung ulam niyo, Tita ah?" Sabi ni Joy na ang sama ng tingin sa nananahimik na pusit.
Mahilig talaga siyang makikain dito sa amin. Kapal muks eh. Nasanay na rin kami.
"Tikman mo nga Joy, hindi daw masarap sabi ng magaling kong anak eh."
Tinikman ni Joy ung pusit at ung mukha niyang pang commercial, na sarap na sarap sa pagkaing nasa harap niya.
"Hmmm.. Yummy!" Ala Coco Martin pa talaga ah?
"Sipsip." Sabi ko.
"Buti ka pa Joy, na-appreciate ung luto ko. Hindi tulad nung isa d'yan.." Sabay sulyap ni Carmen sa'kin.
"Sus drama.." Bulong ko.
Kinuha ko na ung skateboard sa kwarto. Pag weekends talaga pumupunta kami sa plaza para mag skateboard. Minsan maaga kaming nag bi-bike para bawas fats na rin.
Hindi naman ako mataba, pero gusto ko lang napapawisan sa umaga. I want to be fit eh. Arte! After namin kumain, lumabas na kami ni Joy para pumunta ng plaza.
"Oy, musta kagabi? Bigla kang mawala sa bar ah?, May nauwi kang chicks noh?" sabay siko niya sa'kin.
"Hinahanap nga kita kagabi eh para mag-paalam, kaso mukhang busy ka sa pakikipag-harutan."
"Nandoon lang ako pakalat-kalat. Nakita ko ung kasayaw mo kagabi, dude ah? Ang sexy. Siya ba?" Nakangising tanong niya.
Hindi ako kumibo. 'Di lang siya sexy, ang ganda pa kamo. Naalala ko tuloy ung nangyari kagabi. That's really awesome.
"Hoy! Tulaley? Don't tell me tinamaan ka agad sa chick na 'yon?"
"Gusto mo yang nguso mong tamaan ko?!"
"Haha. Eh ano nga? May nangyari ba kagabi? Bilis kwento." Halata sakanya ang pagiging interesado.
Dahil 'di naman ako nakaka-pagtago ng sikreto sa kurimaw na 'to, mapipilitan akong sabihin sakanya.
"Yeah, Meron.." Tipid kong sagot.
"Huwow! congrats, Dude! binata ka na. Hindi ka na vir---" Tinakpan ko na agad ung bibig niya. Napaka eskandalosa kasi.
"Shut up! Ung bunganga mo, kahit kailan napaka ingay!" Singhal ko sakanya.
"Ay sorry naman. So how is it? okay ba?, yummy ba siya?"
Yummy? yeah! she really taste good. Hindi ko mapigilang 'di mangiti, na-iimagine ko ung sexy niyang katawan. As in wow!
"Hala! mukhang nanuno ka na d'yan ah? Oy!" Sabay tapik niya sa'kin.
"Ha?, She's amazing." Wala sa sariling sabi ko.
"And so beautiful." Dagdag ko pa.
"Ay malala na 'yan, Dude. One night stand lang 'yon, kaya h'wag ka mag-paapekto masyado.." Bigla akong nahimasmasan. Oo nga pala, one night stand.. Hindi dapat seryosohin. Napa-buntong hininga na lang ako.
"Yeah right." 'Yon lang ang nasabi ko.
"Ano palang pangalan niya?"
Oh sh*t! Ano nga ba?
"I don't know." Walang gana kong sagot. Sa hindi ko naman talaga alam eh.
"Haha! Grabe nakipag-churvaness ka na, tapos pangalan 'di mo alam? Ganoon na ba ka-intense ung make-out niyo, kaya wala ka ng time tanungin 'yon? It's unbeliebaboy..". Natatawang sabi niya.
"Eh sa hindi na kami nakapag-usap kagabi, tapos pagbalik ko ng apartment kanina, wala na siya."
"Tsk tsk. Ganun ba? 'di bale malay mo ma-meet mo siya ulit? h'wag mo na masyadong isipin 'yon, atleast 'di mo makakalimutan ung "first" mo.." Sabay ngisi niya.
Tama! hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang gabing 'yon.
.
.
.