Chapter 2

661 Words
Makalipas ang ilang araw at linggo ay patuloy pa rin sila na nagpapalitan ng mensahe sa isa't isa. Isang araw nung binuksan ni Mica ang kanyang f*******: at hinanap ulit ang pangalan ni Aljun ay laking gulat niya ang kanyang nakita. Ang bio ni Aljun ay may pangalang Erica at may mga puso pa, at may nakalagay ding petsa. Hindi alam ni Mica na may girlfriend na pala si Aljun at para siyang tanga na umaasa na may magiging sila. Nung makita ni Mica iyon ay parang gusto niyang patayin si Aljun dahil sa hindi pagsabi na may girlfriend na pala siya. Hinanap ni Mica ang girlfriend ni Aljun sa f*******: at natulala sa nakita, ang bio ni Erica ay Aljun na may puso at may petsa na katulad ng kay Aljun. Kaya niya pinasyahang huwag ng magapadala ng mensahe kay Aljun para humilom agad ang sakit sa kaniyang dibdib, binura na din niya ang larawan ni Aljun sa kanyang celpon upang sa ganu'y mabilis na mawala ang kanyang nararamdaman. Napansin ni Aljun na hindi na nagpapadala ng mensahe si Mica sa kaniya. Kaya pinadalhan niya ito at sinabing "uyyy . Ba't di ka na nagparamdam?". Hindi sumagot si Mica sa mensahe ni Aljun. Kaya tinawagan ni Aljun si Mica, pero hindi sumagot si Mica, kaya tumigil na siya sa pagtawag at pagpapadala ng mensahe kay Mica. Nung nakita ni Mica na nagpadala ng mensahe si Aljun at tumawag ay bumalik lahat ang kanyang naramdam, ang sakit. Hindi pa rin magawa ni Mica na makalimutan si Aljun dahil minahal na niya ito ng lubusan. Minahal na parang magkarelasyon pero wala silang relasyon umaasa lang si Mica na may magiging sila pero wala. Makalipas ang ilang oras ay napagpasyahan ni Mica na bumili ng bagong simcard para hindi na makapadala at makatanggap ng mensahe si Mica na galing kay Aljun sa kanya at upang hindi na rin siya masaktan, pero patuloy pa din siyang hanap ng hanap sa account ni Aljun na umaasa pa rin na maghihiwalay sila ng girlfriend niya pero hindi pa sila naghiwalay, may sila pa. Lalong sumakit at nadurog ang puso niya ng pinong-pino. Nagpakatanga siya sa isang lalaki na kailanma'y hindi magiging sila pero hindi nawalan ng pag-asa si Mica. Isang araw nung nagbukas ng account si Mica ay may nakalap siyang impormasyon na galing sa kaniyang kaibigan tungkol kay Aljun. May mensahe ni Melissa at ang laman ay "break na sila!" . Nagulat si Mica dahil hindi niya alam kung sino ang naghiwalay kaya umiral na naman ang kanyang pagkamausisa. Tinawagan niya si Melissa at sumagot ito. "Sino ang naghiwalay?", tanong ni Mica kay Melissa sa tawag. "Si Aljun at si Erica", sagot ni Melissa. Hindi na nakapagsalita si Mica dahil sa labis na pagkagulat. Dahil sa pagkamausisa ay pinatay niya ang tawag at dali daling binuksan ang f*******: account niya. Hinanap agad ang account ni Aljun at doon nalinawan na ang kaniyang isipan, naghiwalay na nga sila. Masayang masaya si Mica sa pangyayaring iyon. Ang kaniyang inaasam-asam na mithiin ay natupad na naghiwalay na sila at umaasa na naman siyang may magiging sila. Nagpapansin si Mica kay Aljun sa f*******: sa pamamagitan ng pag komento sa mga posts ni Aljun. Hindi kalauna'y napansin din ni Aljun ang pagpapapansin ni Mica sa kanya kaya hiningi ni Aljun ang numero sa celpon ni Mica sa pamamagitan ng pagamit ng mensahero sa f*******:. At bumalik ang dati nilang ginagawa, ang pagpapalit-palit ng mensahe sa isa't isa. Hindi na sinabi ni Mica kung bakit hindi na siya nagparamdam. Lingid sa kaalaman ni Mica ay nabighani na din si Aljun sa kanya. Pinana ni Kupido ang kanilang mga puso. Hindi nagtagal ay niligawan ni Aljun si Mica sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe gamit ang celpon at sa totoong buhay na hindi na sa mensahe. Dahil nga sa pagkabaliw ni Mica kay Aljun ay sinagot niya agad ito. At nagpatuloy ang kanilang pag-iibigan na walang makakahadlang magpakailanman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD