CHAPTER 1

959 Words
“PAMBIHIRA naman, angkol! Iyon na lang ang nag-iisang alaala sa amin nina Nanang at Tatang, tapos ipinusta niyo pa? Ni hindi man lang kayo nagsabi bago niyo ginawa, ah?” Halos lumabas na ang litid sa leeg ni Kerox sa pagpipigil na huwag undayan ng suntok ang kaniyang tiyo. Nanginginig na ang katawan niya at parang maiiyak na dahil sa galit na nadarama niya para sa pakialamerong matanda. Kung bakit, ay dahil sa walang habas lamang naman na ipinusta nito sa sugal ang titulo ng maliit na lupang sinasaka ni Kerox na ipinamana pa sa kanila ng kanilang yumaong mga magulang. At ngayon nga’y nanganganib nang mawala iyon kung hindi niya mababawi sa negosyanteng naging kapustahan ng kaniyang tiyo. “Huwag mo akong pagtataasan ng boses, Kerox! Pagkatapos ko kayong kupkupin na magkapatid nang mamatay ang mga magulang niyo, sasagot-sagutin mo na lang ako nang ganiyan? Aba’y nakakalimutan mo na yatang nasa poder ko pa rin kayo kaya wala kang karapatan na pagmataasan ako!” At may lakas pa talaga ng loob na ipamukha sa kaniya iyon ng kaniyang tiyo? Samantalang siya ang halos makuba na sa pagbabanat ng buto sa bukid para lang hindi sila maging pabigat sa kanila. Ni hindi niya naranasan ang katulad ng mga ginagawa ng isang ordinaryong binata. Dinaig pa nga niya ang pamilyadong lalaki na may binubuhay na isang dosenang anak. Simula nang mamatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente ay naging kayod-kalabaw na siya. Kung tutuusin ay siya pa ang naglalagay ng pagkain sa hapag. At ang kaniyang magaling na tiyuhin ay walang ibang inatupag kung hindi ang magsugal at uminom. “Hindi naman sa ganoon, angkol. Pero sana sinabi niyo na lang sa akin para nagawan ko ng paraan kung may kailangan kayo. Hindi iyong ipinusta niyo ng walang pahintulot ko iyong kaisa-isahang alaala nina Nanang at Tatang,” muli niyang turan sa matanda. Gustong-gusto na niyang bigwasan ito kanina pa dahil parang wala lang rito na makuha sa kanila ang lupa. Parelax-relax lang, samantalang siya ay parang sasabog na ang utak sa kaiisip kung paano mababawi ang titulo sa kung sinuman niya ipinusta ang titulo. Ngunit mas nananaig pa rin sa binata ang respeto para dito dahil nakatatandang kapatid ito ng kanilang nanang. “Nagbakasakali lang naman ako na baka madoble ang magiging balik sa atin ng pagpusta ko. Maganda naman ang intensiyon ko. Malay ko bang mailap sa akin ang suwerte nang araw na iyon? Eh, kung pumayag ka lang sana kasi sa gusto ni Madam Rona na sipingan siya, aba’y hindi ko na sana kinailangang ipusta sa kaniya ang titulo ng lupa.” Nangunot ang noo ni Kerox matapos marinig ang sinabi ng kaniyang tiyo. Samantalang ang kaniyang tiyuhin naman ay saglit na natahimik at naging malikot ang mga mata. Kung kanina ay deretso pa itong nakatitingin sa kaniya, ngayon ay kung saan-saan na nito ibinabaling ang mga mata. Lalo tuloy nanginig ang kaniyang kalamnan dahil alam niyang hindi lang basta nakipagpustahan ang kaniyang tiyo. Mukhang ibinugaw siya nito sa matanda at ginagamit ngayon laban sa kaniya ang titulo ng lupa dahil alam nito na mahalaga sa kaniya iyon. Hindi pa niya nakikita sa personal ang matandang iyon, ngunit sigurado naman siyang kulubot na ang balat niyon at amoy lupa. Dahil kung hindi, hindi naman siguro parang asong ulol iyon para alukin siyang sipingan siya. Sa edad na dalawampu’t lima ay birhen pa si Kerox. Never been kissed, never been touched. At ni minsan ay hindi pa nagkakanobya dahil mas prayoridad niya ang trabaho at pag-aaral. Isa pa, matagal nang nakagapos ang puso niya para sa iisang babae—si Piccola, ang kababata niya na matagal nang nasa Amerika. Pero kahit wala siya sa kanilang bayan ay nasa kaniya pa rin ang puso ng binata at umaasa na sa pagbabalik nito ay maamin na niya ang nararamdaman para sa dalaga. Kaya parang hindi yata niya ma-imagine ang sarili na isang matandang hukluban ang makakakuha ng unang karanasan niya sa kama. “Pumayag ka na lang kasi sa gusto ni Madam Rona. Maganda iyon, sexy at may asim pa. Oh, ’di nakuha mo na iyong titulo, ibibigay pa niya sa ’yo ang lahat ng naisin mo tapos nasarapan ka pa. Pati kami ng auntie at mga pinsan mo ay maaambunan mo pa ng grasya. Kaya sige na pamangkin. Pumayag ka na sa gusto ni Madam Rona,” nakangising ani ng kaniyang tiyo. Nagmukha tuloy itong demonyo sa paningin niya. Nagpanting ang magkabilang tainga niya. Lalong uminit ang ulo niya sa mga narinig dahil ang labas ay ibinubugaw na siya ng sarili niyang tiyuhin kapalit ang mga puwede nilang makuha sa matandang iyon. Bumilog sa pagkakakuyom ang kaniyang mga kamao at mariing ipinikit ang mga mata para kalamayin ang kaniyang sarili. Nang medyo mahimasmasan ay iniwan na lang niya ang tiyuhin para maiwasan ang makipagkompromtahan. Mainit ang ulo niya kaya kailangan niyang magpalamig. Wala rin namang patutunguhan ang pag-uusap nila ng kaniyang angkol dahil halatadong walang pakialam ang matanda maski maglulupasay pa siya sa harap niya habang lumuluha ng dugo. Tapos na. Naipusta na. Sigurado naman na gigipitin lang siya ni Madam Rona. Usap-usapan pa naman sa kanilang bayan na walang bagay na gustuhin ang thunderboltz na iyon na hindi niya nakukuha. Labag man sa kalooban niya, ngunit tila wala na siyang magagawa. Dalawa lang naman ang pagpipilian niya. Una, sipingan ang matanda kapalit ang titulo ng lupa. Pangalawa, ipagsawalang bahala na lang at hayaan na mawala sa kaniya ang lupa para mapanatili ang pagiging birhen niya. Malalim ang kaniyang pinakawalan na hininga’t napahilot sa kaniyang sentido. Mukhang wala na talaga siyang ibang choice kung hindi ang isuko ang pagiging birhen niya kay Madam Rona. “Gagawin ko ’to alang-alang sa lupa nina Nanang at Tatang.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD