NOSGEL Ngayon ang araw ng pamamanhikan nila Enzo dito sa bahay namin alas singko ng hapon ang usapan na pupunta sila kaya maaga pa lang ay abala na kaming lahat sa paglilinis ng bahay. "Anak, hindi ba nakakahiya sa magiging byenan mo na ganito kaliit ang bahay natin?" nag aalalang tanong ni nanay. "Nay, wala naman po sa laki ng bahay yan, nasa mga taong nakatira. Di ba sabi nga sa salawikain "Aanhin mo ang bahay na bato, kung nakatira ay kwago. Mabuti pa ang bahay kubo kahit munti ang halaman doon ay sari - sari." natatawang sabi ko. Nakita ko na kumunot ang noo ni nanay, saka tumingin sa akin. "Anak, bakit parang pakiramdam ko hindi naman ganun yung salawikain na yon." naguguluhan pang sabi ni nanay. "Kasi nay, binago na po kanina lang hahahah...." tawang tawa kong sabi. "Aba, mukan

