NOSGEL Maaga akong naghanda para pumasok sa aking trabaho, ti-tyempo din ako mamayang break time para kausapin si Sir Enzo. Tama naman ang mga taong nagsabi sa akinna karapatan niyang kilalanin siya ng tunay niyang ama. Siguro naman hindi niya ikakaila na anak niya ang anak ko dahil virgin niya akong nakuha. Dahil sa sobrang trapik ay kulang na lang malate ako sa aking trabaho, mabuti na lamang bago may alas otso ay nakarating din ako. Nagmamadali na akong nag time in at dumiretso sa aking locker, inabutan ko si Brenda at Arlene na papunta na sa kanilang tokang room. Nakita ko sa bulletin na sa 5th floor ako naka assign at 5 rooms ang kailangan kong linisin ngayong araw. Inumpisahan ko na ang trabaho ko para mabilis akong matapos, pakiramdam ko umaayon sa akin ngayon ang panahon. Mamay

